02 : Let The Right One In

78 16 38
                                    

+++

CHAPTER 2
~ Let the Right One In ~

"That’s how you should be. Accept your burden and carry it, with joy. That’s how you should be."

- John Ajvide Lindqvist


+++

Isang dalaga ang gulat na bigla nalamang napabangon mula sa kanyang kinahihigaang kama.

Halos mapuno na rin ng pawis ang kanyang buong katawan, at hindi niya rin mapigilan ang kanyang mabigat na paghinga. Marahil ay dala ang lahat ng ito sa kanyang masamang napanaginipan.

"Anak? Nak! G--Gising ka na pala!"
Wika ng taong unang bumungad sa kanya. It was her mother, na kanina pa palang nakaupo malapit sa kanyang kama.

"Nay?"
May halong pag-tataka niyang wika. Napalibot din siya ng kanyang tingin, at lubusang nagtaka nang mapagtantong hindi pala siya nasa loob ng kanyang kwarto.

Mayamaya'y dali-daling lumabas ang kanyang ina at may tinawag na mga nurse.

The nurses got there in just seconds, at sinuri ang buong kalagayan ng dalaga, na sadyang ikinataka nito.

***

Makalipas ang ilang minuto ay kaagad na ring nagsialisan ang mga nurse. They explained everything to her
Like what happened, why she was there in the first place, at kung ilang araw na ba siyang naroroon. And it turns out na, na-comatose pa pala siya ng mahigit isang linggo.

At dahil dito ay kaagad na muling naalala ni Althea ang lahat ng mga huling nangyari sa kanya. And it was a nightmare.

**

"H-Hindi ko po talaga inaakalang... m-magagawa sakin ng isang kaklase ko yun. I-I mean... at the same time, hindi ko rin naman rin po siya masisisi kung gustong-gusto niya akong saktan. P-Pero ang pagtatangkaan ang buhay ko? I-Ibang kaso na po 'yon!"
Wika ni Althea.

Tessa wiped away her tears, halatang nagpipigil lamang ang ina sa pag-iyak.

"Sa ngayon pinaghahanap na siya ng mga pulis," aniya.
"A-Alam mo anak, mabuti nalang talaga at first degree mild burn lang ang natamo mo at walang masyadong masamang nangyari sayo!" She said. "K--Kasi... H--Hindi ko na rin talaga alam kung ano pa ang gagawin ko! Ba't ba naman kasi may magtatangkang gumawa sayo no'n, anak?" Aniya pa.

Napahinga nalamang ng malalim si Althea, sabay hawak sa kamay ng kanyang ina. Pinaka-ayaw niya talaga ay ang nakikita ang kanyang mga magulang na umiiyak.

"Nay, wag na naman ho kayong umiyak oh! Wala naman hong masamang nangyari sa'kin diba? Mabuti nalang ho talaga at nando'n din 'yong mga kaibigan ko," she said.

Bahagya namang napangiti nalamang ang kanyang ina, sabay tango-tango pa.
"Oo. Malaki rin ang pasasalamat ko sa kanila. Alam mo bang hindi sila nag-hesitang buhatin ka kahit na, nasa hindi kagandahang kalagayan ka na raw? Mabuti nalang at kaagad silang nakakita ng isang fountain. At sabi ng mga nurse, baka ang pagkakatapon nila sayo roon ang nagsanhi ng mild mong pagkakabagok kaya ka na-coma ng ilang araw at walang maalala agad nang magising ka na. Labis akong nag-alala anak. Pero, buti nalang talaga't hindi gano'n kasama ang nangyari sayo."

"T--Talaga, ma? Itinapon nila ako sa isang fountain?"
Bahagyang natatawang wika ni Althea.

"Oo. Ayun nalang din kasi ang pinakamalapit na nakita nilang tubig para matanggal sayo ang apoy eh. Matapos 'yon, ay sinubukan nilang hanapin iyong kaklase niyong gumawa sayo noon. Kaso, hindi na nila ito muling nakita pa. Ngunit gay'n pa man, magbabayad pa rin siya sa pagtangkang pagpatay sa'yo, anak."

The Game of LuciferWhere stories live. Discover now