11 : Disfunctional

31 10 6
                                    

CHAPTER 11
~ Disfunctional ~

"She never learned how to rationally control her anger so she kept it inside and that made matters worse."

- Tameka Oliver

++++

"Manong... Manong dito nalang po, para," huminto sa may bandang kaliwa ng kalsada ang isang tricycle, upang ito'y magbaba ng pasahero.

And out came a very anxious girl, Althea...

Matapos nitong magbayad sa tricycle driver ay kaagad na siyang napatakbo papunta sanang bahay nina N.

Ngunit nagtaka ang dalaga nang kanyang madatnan ang napakaraming pulis at isang ambulansya mula roon.

Kanina niya pa sinusubukang tawagan ang kanyang mga kaibigan, ngunit wala ni-isa sa kanila ang sumasagot, kaya nama'y napagpasyahan nalamang ng dalaga na puntahan ang mga ito kina N, dahil paniguradong lahat ng mga ito ay naroon na.

But she never expected what she just saw...

Nagpalinga-linga ang dalaga, at mula roo'y nakita niya mula sa may bandang gilid ang ilan sa kanyang mga kaibigang sina Floryn, Jiro, Brennon at Euphrasia. Pare-pareho itong magkakasama sa may bandang gilid.

Floryn was crying the whole time, habang pinapatahan lamang siya ni Euphrasia. Si Brennon naman ay nakaupo lamang sa isang bench habang nakasapo sa kanyang sariling buhok. Habang si Jiro naman ay nakatalikod lamang habang nagsisigarilyo.

They were all looking-stress. Ngunit iyon ay ang siyang hindi maintindihan ni Althea, kaya nama'y kaagad na siyang lumapit sa mga ito.

"Guys!" She approached them, kaya nama'y pare-pareho muna itong napatingin sa kanya, ngunit kaagad lamang na nagsi-iwas ng tingin nang tuluyan na nga sa kanilang makalapit si Althea.

"A--Anong nangyari? Ba't may mga pulis at ambulansya?" Unang tanong ni Althea sa mga kaibigan, but none of them responded.

Floryn just cried a little louder.

"Ba't siya umiiyak?" Althea asked them once more, ngunit wala pa ring pilit na sumasagot.

"Ano ba! Ba't ayaw niyo akong sagutin!?" Bulyaw nito, dahilan upang hindi na makayanan pa ni Brennon ang lahat.

"A--Althea, makinig ka---"
Magsasalita na sana ang binata, ngunit hindi niya iyon naipagpatuloy nang bigla nalamang nitong makita ang kadarating lang din na si Cody, habang dala-dala pa nito ang kanyang mga pinamili sa Hijada's.

At kagaya ni Althea, ay wala rin itong maintindihan sa mga nangyayari.

All he've seen was a dead body being put inside of a body bag.

He may have not seen its face, but he recognized who it was immediately, dahilan upang makaramdam ng isang napakabigat na pakiramdam si Cody mula sa kanyang dibdib at dali-daling mapatakbo mula roon...

Kausap niya palamang ito kanina, pero bakit ngayon ay ipinapasok na ito sa isang sako?

Bago pa man tuluyang maipasok sa ambulansya iyong wala nang buhay na katawan ay pinigilan niya muna ang mga nurse at pulis mula roon.

The Game of LuciferWhere stories live. Discover now