04 : Creating Monsters

43 11 9
                                    

+++

CHAPTER 4:
~ Creating Monsters ~

"With nature on your side, you don’t need numbers, you don’t need financing and you certainly don’t need to make friends with people you should be fighting
against."

- Christopher Rankin

+++

"Haay~ ano ba naman yan. Hindi nanaman ako makatulog," pabulong na wika ng binatang si N, habang nakahiga lamang mula sa kanyang kama't nakatingin sa may kisame.

Alas dose na ng gabi, at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya dinadalaw ng antok.

He couldn't explain it, but something's bothering him. Hindi niya nga lang alam kung ano ito.

Kaya mula roon ay napagpasyahan ng binatang bumangon nalang muna sa kanyang higaan at dahan-dahang bumaba mula rito.

Nasa may bandang itaas ng double deck na kama rin kasi siya eh.
At kasama niya sa iisang kwarto ang tatlo niya pang mga kapatid.

They're quadriplets. His other brothers are Cody, Liam and Rhodey. N is the eldest, or atleast that's what his parents told him. Siya raw ang pinakahuling lumabas sa sinapupunan ng kanilang ina.

Sa mga paniniwala raw kasi ng kanilang mga lolo at lola, ay kung sino man ang huling ipanganak sa kambal, triplets o quadruplets, sila raw talaga ang panganay.

Pero bukod sa kanilang apat, ay may nakakatanda pa silang kapatid na babae. Ang kanilang ate Nessy.

Unlike them, she has a separate room, dahilan upang minsan ay magselos iyong apat.
Kapag magkakasama kasi sila, talagang walang privacy.

Bukod pa riyan ay magkaka-iba 'rin ang personalidad nilang magkakapatid.

Cody is the shy one. Rhodey is the naughty one, while Liam is the elegant one. About N... He's basically all of them. Kind of a bit moody...

"Kuya? Sa'n ka pupunta?"
Naaalimpungatang tanong ng bigla nalamang nagising na si Cody.

"Shhh. Mag-kakape lang ako saglit. Hindi kasi ako makatulog eh," aniya rito.

"Mag-kakape? Eh mas lalong hindi ka makakatulog niyan!"
Wikang muli ni Chris.

Napabuntong hininga nalamang ng dahil dito si N, sabay kamot ng kanyang noo.
"Wag mo na nga lang akong pakialaman. At bukas na ang una mong pasok sa school namin. Kaya matulog ka na lang diyan!"
May halong pagka-iritadong sabi nalamang ni N, at pagkatapos ay naglakad na palabas mula sa kanilang kwarto.

Napailing-iling nalamang ng dahil dito si Cody, sabay taas-baba ng kanyang balikat.
"Okay," he said to himself, and then goes back to sleep.

***

Makalipas ang ilang minutong pagtitimpla ay napagdesisyunan ni N na tumambay nalang muna mula sa may balcony ng kanilang bahay.

Nakaupo siya sa isang rocking chair na inilagay nila roon, at dahan-dahan niya itong inaayog-ayog habang nakatingala lamang mula sa kalangitan, at tahimik na tinititigan ang mga bituing kanyang nasisilayan mula rito.

The Game of LuciferOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz