Chapter 24

45 15 5
                                    

Chapter 24

Me before you

   
Halos bumulusok na ako sa galit habang binabaybay ko ang mahahabang hallway. Inangat ko ang laylayan ng dress ko na abot hanggang sa ilalim ng tuhod ko at mabilis na naglakad, nagngingitngit ang ngipin ko sa inis at halos malukot na ang hawak ko.

Nagbuga ako ng mararahas na hangin habang papunta ako sa library ni Zak. Pagtapat ko sa harapan ng library ni Zak ay nakasara iyon kaya pinihit ko ang doorknob nun at malakas na sinipa ang makapal na pinto na yari sa kahoy dahil sa inis ko.


Lumikha ng malakas na alingawngaw ang pintuan ng tumama iyon sa pader, nagtaas ng tingin si Zak ng magbukas iyon at tuloy tuloy akong naglakad palapit sa desk ng binata.

"Where the hell is Luke?" Tanong ko ng nangigigil.

"What happened?" Tanong din nito at binaba ang hawak niyang ballpen.

"Where the hell is Luke?!" Tanong ko ulit at nagtaas na ng boses. Bumuntong hininga si Zak at tumayo.

"He's out, why is there something wrong?" Tanong nito. Umirap ako ng marinig ang sagot niya. That asshole he ditched me!

"Oh yes, of course! Yung magaling mong alalay ay panay ang panggagago sa akin!" Wika ko ng gigil na gigil pa rin sa nangyari.

Pinasadahan ng binata ang buhok nito bago bumaling sa'kin, "Tell me, what happened?"

"This." Wika ko at binato sa desk niya ang librong lukot lukot na sa matinding pagkakahawak ko.

"Inutusan ko lang naman ang punyeta mong alalay na bigyan ako ng librong may matutunan ako, and look," Minuwestra ko ang kamay ko sa punyetang libro sa mesa niya.

"Alamat ng pinya, kung hindi ba naman gago!" Ani ko ng inis na inis, grr! Damn you Luke!

He pursed his lips and put his hands onto his mouth, his eyes starts to gloss and he bit his lip hiding his stupid smile.

"Kakuntsaba ka ba?" I ask calm but dangerously. Isang maling sagot pagbubuhulin ko talaga sila ng alalay niya.

"No, no." Iling niya ng kinuha niya ang libro at tinago sa isang kahoy na bookshelf.

"Is there anything else?" He asks again.

Nilagay ko ang braso ko sa harap ng dibdib ko at pinagsiklop, "Yes." I answered.

"First, my tea. He puts a spoonful of chili powder on my tea!" Sigaw ko, grr, nakakainis talaga kapag naalala ko.

"And, second my chair. My chair, Zak! Nilagari niya yung paa ng upuan ko sa likod kaya pagsandal ko tumaob ako!" Sigaw ko ulit at malakas na ibinagsak ang kamay ko sa lamesa niya sa tabi namin.
 

"Lastly, kung gusto mong tumagal ako ayon sa napagkasunduan ay ayusin mo ang pakikitungo ng alalay mo sa akin. Or else you won't see me before daylight." Mataray kong banta at nagpameywang.

He let out a sigh and put his hands to his pockets and walked towards me, "I'll fix this." Aniya.

I smiled, someone smells in help. "Go to your room first and I'll call you when you're spot is ready." Aniya.

Stockholm Syndrome (Editing)Where stories live. Discover now