Chapter 26

44 15 0
                                    

[Play Music: Apocalypse by Cigarettes after Sex]

Chapter 26

Apocalypse

    Ilang oras na ako nakatingin sa mataas na kisame sa aking kwarto at nakatulala. Tanging ang tunog mula sa aircon lang ang lumilikha ng ingay sa kapaligiran, bumuntong hininga ako at pumihit patagilid. Dumako ang tingin ko sa maliit na puwang ng kurtina sa balkonahe. Madilim at malalim na ang gabi pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok.

Nagbuga ako ng hangin ng maalala na naman ang sinabi sa akin ni Zak.

" I'm lonely--- I need you, Talya." Naglaro na naman sa isip ko ang mga salitang binitawan niya. Yung nga mata niyang sumisigaw ng tulong.

Pinikit ko ang mga mata ko at pinilig ang ulo ko, stop thinking about that talya. It wasn't necessary at all, besides he needs help.

" You won't felt lonely anymore, Zak. I'm here..." Bumalik muli sa isipan ko ang sinabi ko kanina kay Zak at talaga nga namang naririnig ko pa ang sarili kong boses. Sige, aaminin ko na! Ang gaga ko!

" Fuck!" I cursed under my breath and messed my hair. Tumihaya ako at tumingin muli sa mataas na kisame, ipapahamak ka mismo ng sarili mong mga salita, Talya.

Kumalam ang sikmura ko kaya't bumangon ako at tumingin sa wall clock, it's nearing midnight. Hindi pa pala ako kumakain ng hapunan. Inihilamos ko ang palad sa aking mukha at inayos ang buhok ko, punyetang buhay 'to.

Sinuot ko ang tsinelas ko pati na rin ang night robe ko at tsaka lumabas ng aking kwarto at tinahak ang mahabang hallway papunta sa hagdanan.

Pagkababa ko mula sa mataas na hagdanan ng mansyon ay agad akong tumungo sa likod at pumasok sa kusina. Pagkapasok ko ay binuksan ko ang ilaw at tumambad sa akin ang magandang interior ng kusina.

Sa kaliwang bahagi ay nandoon ang malaking stove at sa ilalim nun ay ang built in na oven nito na napaliligiran ng marbol na haligi. Sa gitna ay may malaking mesa at may built in na sink at yari din ito sa marbol. Sa kanang bahagi ay may malaking double door silver gray refrigerator at white cupboards. Ang paligid ng kusina ay kulay dark aquamarine at hinaluan ng simpleng kulay na puti. Ang itaas ng lababo ng kusina ay mayroong dalawang bintana na nagsisilbing ventilation.

Naglakad ako papasok at dumiretso sa ref at binuksan iyon upang humanap ng makakain. Mga cakes at kung ano anong karne lang ang nakita ko sa loob ng ref. Binuksan ko ang freezer at kumuha ng isang piraso ng hotdog, naglakad ako sa lababo at tinanggal ang yelong nakabalot sa hotdog at kumuha ng kawali. Ipinatong ko sa stove ang kawali at pinihit ito sa on. Nakahinga ako ng maluwag ng naging maayos naman at walang sumabog o umusok. Ang hirap talaga kapag wala kang alam sa gawaing bahay at lumaki ka sa household kung saan lahat ng kailangan mo ihahain na lang sa'yo. Being independent sucks for an elite like me.

Tinapat ko ang palad ko sa kawali upang tignan kung mainit na ito, nang masigurong mainit na ito at nilagay ko na ang hotdog.

" Shit!" Mura ko ng may tumalsik na mantika sa akin.

Kumuha ako ng sandok at niluto ang hotdog. Habang nakikipag fencing ako sa niluluto kong hotdog ay may malalim na boses ang biglang lumitaw sa likuran ko.

" Hungry?" Ani nito. Halos malaglag na ang puso ko sa gulat, humarap ako at nakita si Zak na nakasandal sa door frame ng kusina.

Stockholm Syndrome (Editing)Where stories live. Discover now