Sa Lahat ng Lalaking Minahal ko

73 12 15
                                    



Unang bahagi


Magandang umaga? Tanghali? Hapon? tanda mo pa ba?

Kung saang parte tumigil ang kamay ng orasan, noong magtagpo tayo sa iisang daan.

Noong hinayaan ko dalhin ako ng mga
paa ko papalapit sa iyo.

Inaamin ko, kinikilig ako.

Sa iyong masiglang pagindak, uhaw sa bawat galaw.

Sa iyong birong nagdudulot ng kakaibang ngiti sa aking labi at kakaibang  pakiramdam.

Inaamin ko, nahulog ako.

Ngunit sa tuwing pipilantik ang iyong
mga kamay.

Oo, alam ko, nalalaman ko.

Masaya ka na kung ano ka at wala na akong magagawa kundi hayaan ka.

Sapagkat napatunayan mo na sa lipunan kung bakit ang katulad mo ay nararapat matanggap na.

Totoong bahaghari ang sumisimbilo sa iyo, sapagkat binigyan mo ng kulay ang
buhay at ang lipunang ginagalawan ko.


Note:
Inspired by the movie, To all the boys I love before.

Poems and Letters (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon