Chapter 4

78 12 5
                                    

Chapter 4

"Hey, baby, you okay?"

Napatingin ako kay Marcus na kakaupo lang sa tabi ko. Nasa coffee shop kami kung saan kami tumatambay tuwing gusto naming kumain. Si Ella nasa shift niya dito, si Lopez busy naglalaro, si Grace naman ngumingiti at parang may ka-chat. At kami naman ni Marcus may sariling mundo. Sila Diego naman at Sha sabay na umuwi.

Tumango ako sakanya. "Yup, okay lang ako." Sagot ko saka muling sumubo ng cake.

"Nabalitaan ko na sumama ka sa Theatre Club? Akala ko ba ayaw mo ng exposure sa madla? Anong nakain mo at sumama ka?" Panloloko nito sa akin. Mukhang nakuha namin ang atensyon ng dalawa kaya nag-angat sila ng tingin.

"Sumama ka?" Hindi makapaniwalang tanong ni Grace.

"Weh? For real?" Gatong pa ni Lopez.

Tumango ako. "Na-realized ko lang na masyadong boring ang college life ko and besides gusto kong maranasan ang umakting sa isang theater. Mahirap pala," I chuckled and shook my head.

Marcus pinched my nose. "Ikaw talaga! Anong boring ka dyan, eh, halos lahat yata kilala ka bilang isang pilyong estudyante." Umiiling iling na sabi nito kaya tumawa silang tatlo at napanguso naman ako.

"Ewan ko sainyo, inaasar niyo na naman ako. Hindi naman ako ganoon eh. Sila kaya ang nauuna tapos bumabawi lang ako." Depensa ko, inakbayan naman ako ni Marcus pagkatapos ginulo niya ang buhok.

"Natanggap naman ba ang baby ko?" He said sweetly and I felt my cheeks burned. Tumawa pa siya. Come on!

"Yes, of course! No one can resist my acting skills!" I said proudly.

"Anong acting skills? Anong meron?"

Lahat kami natingin kay Ella na may hawak na tray na may lamang isang dark roll chocolate cake. Nilapag niya 'yon sa lamesa pagkatapos umupo sa tabi ni Grace.

"Pinapamigay ni Boss, pa-bonus niya kasi nakakahatak daw kayo ng mga customers lalo ka na Jo." Siya ang naunang humiwa ng cake pagkatapos nilagay niya sa platito.

"Ha, ako pa ba? Isa yata akong magaling na singer-ist, eh." Pagmamayabang ko sakanila at nakatanggap naman ako ng batok mula kay Marcus. Sinamaan ko lang siya ng tingin at hinalikan naman niya ang ulo ko kaya agad 'yon napawi.

"Eww! Ang landi niyo talagang dalawa! Singer-ist amp!"

Natawa naman kami sa reaksyon ni Ella. Mukha kasi siyang natatae na ewan nang sinabi kong magaling akong singer-ist.

"Sa friday daw ulit, ah. O siya, kailangan ko nang bumalik sa trabaho at kayo umuwi na kayo. Gabi na," Strikto nitong sabi.

"Yes, Ma'am!" We salute and she just rolled her eyes on us which made us burst into laughter.


Pabagsak akong humiga sa kama. Kakarating ko lang at hinatid pa ako ni Marcus. Pasado ala syete na rin ng gabi kaya kumain na muna ako bago umakyat dito sa kwarto.

I feel so exhausted today. Kahit wala masyadong ginawa pero pakiramdam ko pagod ang katawan ko. Umakting lang naman ang ginawa ko at nakinig lang sa klase. Muling nanumbalik sa akin ang mga nangyari kanina sa loob ng theater at hindi ko mapigilang sapakin ang sarili.


"W-Why did you let them to hurt me? Why?" I uttered. Natahimik ang lahat at tanging ingay lang ng aircon ang naririnig ko.

He did't speak. "Wala ka na ba talagang pakialam sa akin? Wala lang ba talaga ako sa'yo? Alam mo ba ang ginawa nila sa akin?" My voice cracked and it's good. I'm doing good.

Summer ( Season Series 1)Where stories live. Discover now