31

52 7 4
                                    

Author's Note:

Pitong kabanata na lamang
at magwawakas na ang nobelang ito. Kung narating mo na ang bahaging ito ng kwento, maraming maraming salamat!

Subalit—hahaha—kailangan mo pang ipagpatuloy ang kwento hanggang wakas dahil may mga kailangan ka pang malaman. 😉

Chapter 31


Hindi tumigil ang sinasakyang taxi ni Eda hanggang sa mapagtanto kong nakalabas na kami sa siyudad ng Puerte Guerrero. Mas lalong tumindi ang pagtataka ko dahil wala naman akong alam na lugar na pinupuntahan ni Eda rito. Mula noong napadpad kami sa panahong ito, umiikot lang naman ang galaw ni Eda sa dating pagtatrabaho sa resto-bar, pagsama minsan kay Lola Rosaline, at sa dating apartment namin. Wala rin akong maisip na dahilan para hindi sabihin sa akin ni Eda kung sakali mang may importante nga siyang pagtutunguhan dito.

Ilang minuto pa ang lumipas. Mabuti na lang at hindi rin nawala sa tingin ni Manong Driver ang sinusundang taxi. "Madam, bakit niyo po kailangang sundan 'yung nauunang taxi? Saka pwede naman pong pabilisin ko na lang 'to para maabutan natin sila. Bakit ayaw niyo pong mapansin nila tayo?" biglang tanong ng nagmamaneho nitong taxi na nasakayan. Sinabihan ko kasi siya kanina na iwasang ipahalata na may sinusunod kami.

"A-ah, kaibigan ko po iyon Manong."

"Oh kaibigan niyo po pala, bakit hinahabol niyo pa at pinagtataguan? Pwede naman sigurong mag-usap kayo?" tanong muli ng driver.

Medyo naiinis man ako dahil kanina pa siya tanong ng tanong sa akin subalit may punto naman ang mga sinasabi niya. Bakit ko nga ba hinahabol ngayon si Eda kung pwede ko namang tanungin na lang siya mamaya pagbalik? Aish! Juliet, mali ata itong ginagawa mo.

Akto ko na sanang papahintuin si Manong upang magbalik sa Puerto Guerrero nang makita kong biglang tumigil na ang sasakyan ni Eda sa kalagitnaan ng kalsada. Mabilis namang tinigil ng driver nitong sinasakyan ko ang minamanehong taxi matapos makita rin ito.

"Madam, tumigil na po 'yung sasakyan. Kausapin niyo na lang po kaya 'yung kaibigan niyo para kung may problema man kayo sa kaniya, maging malinaw," ani ni Manong Driver sa akin. Napakamot na lang ako sa ulo ko at inabot sa kaniya ang bayad.

"Tama ka Manong, baba na po ako," sabi ko pa. Nang akmang lalabas na ako sa taxi nakita ko ring lumabas na si Eda mula sa sinasakyan niya. Nakasuot pa ito nang isang belo sa mukha at may sukbit na eco-bag sa balikat. Nanlaki na lang ang mga mata ko nang ma-realize kung nasaan kami ngayon. Nasa harap kami ng Saint Therese Orphanage!

Anong gagawin dito ni Eda?

Nakita kong bahagyang napalingon-lingon si Eda sa paligid kaya't mabilis akong nagsumiksik sa isang malagong halaman na tumutubo sa harap ng pader nitong ampunan.

"Ma'am, akala ko ba kakausapin niyo na 'yung kaibigan niyo?" narinig kong sita sa akin ni Manong Driver na ibinaba ang salamin sa driver's seat. Nasa harap ko lang ang taxi niya. Agad ko naman siyang sinenyasan na tumahimik muna.Ilang metro ang layo namin sa sinakyan ni Eda kaya't hindi naman siguro nila narinig si Manong Driver.

Ibinalik ko ang tuon kay Eda habang tinititigan siya sa pagitan ng mga dahon nitong halaman sa harap ko. Hindi ko mapigilan ang sarili kong magtaka sa ikinikilos niya. Nakita ko na lang siyang tumayo roon ilang metro sa labas ng malaking gate ng ampunan. Walang gaanong tao at mga sasakyan sa kalsada maliban sa sinakyan niyang taxi na bahagyang nakabalandra sa gitnan ng daan.

Sinundan ko ng tingin ang mga kamay ni Eda ng may kunin ito sa loob ng kaniyang nakasukbit na bag sa balikat. Kung hindi ako nagkakamali, inilabas niya mula rito ang isang kupas na papel. Lukot-lukot na rin ito batay sa paningin ko.

Till I Rewrite The Stars (Under Revision)Where stories live. Discover now