Chapter 10: Mr. Mysterious guy

205 35 11
                                    

Justine Lee Villafranco

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Justine Lee Villafranco

Hmm.

Naalimpungatan ako mula sa tunog ng bell. Anong oras naba?

Naghikab ako bago tiningnan ang cp ko. 9:27 am. Naunahan ko pala ang pag tunog ng alarm clock ko.

'' Oh. Youre awake sleeping beauty ''

Na istatwa ako sa hinihigaan kong bench dahil sa may biglang nagsalita. Uso ba talaga ang gulatan dito? Nakaupo siya sa ibabaw ng lamesa habang naka dekwatrong nakaharap sa akin.

'' K-kanina kapa bang nandiyaan? '' tanong ko sa kanya.

Tumango lang siya at ngumiti.

'' pasensiya kana, kung na istorbo ko ata ang tulog mo? '' dali-dali akong umayos ng pagkakaupo nakakahiya naman doon sa tao. Ano kaya ang itsura ko habang natutulog? Err.

'' huh? ah. hindi naman nagising lang ako dahil sa lakas ng bell '' sino kaya ito? wag naman sana akong pagtripan ng lalaking ito.

'' Pasensiya kana Ms. dito din kasi ako natutulog kapag wala pa ang klase ko. Diko inaasahan na may nakauna na pala sakin '' ngiting pahayag niya. Palangiti siyang tao ah.

Ang g-gwapo naman ng isang ito. Sa bagay halos kasi sila ay mga anak mayayaman kaya halos mga artistahin ang mga mukha yung iba mukhang modelo pa.

Thumb.

Thumb.

Shit. bakit ba ako kinakabahan? Ang puso ko ang bilis ng tibok. Naririnig kaya niya? Argh ang wierd. This is super akward.

'' Ako nga pala si Justine Villafranco and you are? '' Again nakangiti na naman siya. Ang cute ng mga mata niya. Mukha siyang koreano na half pinoy. Napakaaliwalas at ang sarap pagmasdan---wait what? Oh no Kira! Seriously what is wrong with you? Ngitian kalang eh kinikilig kana. Behave heart. Behave.

Magpapakilala ba ako sa kanya? Argh. Sa huli ay sinabi korin ang pangalan ko.

'' A-ah Kira. Ako si Kira Samonte ''

'' hmm. Kira. Sounds like Akira Felia? ''

nanigas ang buo kong katawan pagkarinig ko sa pangalan na iyon.

'' Haha. Nagulat kaba? Ako din eh. Have you heared about The Lost Princess Akira Felia. Kilala mo ba siya? '' ano bang iniisip nito?

'' h-huh!? '' Oh God. Here we go again.

'' Kilala moba iyong sikat na anak ng Feilla family? Ang nawawalang Prinsessa? Hmm. Magkatunog kaya ang name niyo. Kira and Akira! ''nagbibiro ba siya?

'' Katunog lang naman eh. Anong big deal don '' nawala na ako sa mood.

Nag-iiba na naman ang mood ko kapag nababanggit ang pangalan nayon.

'' wala naman. naalala kolang siya sayo. Kung di kalang nerd at medyo hindi magulo ang buhok aakalain kung ikaw siya. Oh well nice meeting you again Ms. kira. See you around ah! Ingat ah. Sayo ko muna ipapaubaya ang pwesto ko ngayon kaya bye '' umalis na ng tuluyan si Justine.

Ano naman kaya ang ibig sabihin niya? Aakalain niya na ako nga si Akira(which ia ako naman talaga) pero bakit naman niya nasabi iyon? Kilala kaya niya ako? Alam niya kaya na nagtatago lang ako sa katauhan na ito?

Hayst. Dagdag na naman sa alalahanin ko itong si Justine Villafranco.

Totoong kilala ng lahat ang pangalang Akira felia Feilla.

Na publish sa lahat ng newspaper ang pagkawala ko. Naibalita narin sa radyo at TV ang biglang pag alis ko nuong birthday party 4 months ago. Ang sabi lang sa balita ay naglayas at nagtago ako dahil nagrerebelde sa mga magulang.

Parang ayuko munang pumasok. Nawalan na ako ng gana. Pero pano si Master Seon? Sigurado akong hahanapin ako nun. Naman. (Naiimagine ko na nga ang nakabusangot na pagmumukha nun).

Pumunta nalang ako sa klase ko habang ramdam ko parin ang gutom. Mamaya nalang ako kakain pagkatapos ng klase.

After ng klase ay saktong tumawag si master Seon.

-Babae, bilhan mo ako ng pagkain pang lunch. Dalhin mo dito sa SC office. Bilisan mo - sabay baba ng phone.

Pumila na ako sa cafeteria para bumili ng mga pagkain. Teka lang ano kaya ang gustong kainin ng lalaking iyon?

Tinext ko siya kung ano ang gusto niyang bilhin ko. Maya-maya pa ay may natanggap kaagad akong reply galing sa kanya.

From Master: 2 Rice, 2 Fried chicken and 2 cans of lemonade

So ayun na nga binili kona ang mga iyon. Bumili rin ako para sa akin. Isang burger at mineral lang ang binili ko. Nagtitipid eh. Kakakuha ko ngalang nung sweldo ko kanina bago ako dumaan rito sa cafeteria. Mag sariling ATM machine kasi ang school kaya hindi na mahirap na mag widraw ng pera.

Nag report narin ako sa mga magulang ni Master Seon ayon sa napagkasunduan namin. Tinawag kolang sa kanila ang lahat ng nangyayari akalain mong tuwang-tuwa sila dahil daw hindi ako nasipa palabas ng condo niya. Bilib na bilib daw sila sakin dahil nagawa kong mag stay bilang maid ni master at kung ano-ano pang mga klase ng papuri. Nakakatuwa talaga ang mag-asawang Elleison. Kabaliktaran sa nag-iisa nilang anak. Sa pagkikita daw namin ay e kw-kwento ko daw lahat sa kanila.

Pagkarating ko sa SC office ay gaya nung pagpunta ko rito wala na namang ibang tao. Nadatnan ko siyang abala sa pagtipa ng kanyang cellphone.

'' Master! Ito na oh ''

Inilagay ko sa lamesa ang mga pagkaing nabili ko. Itinago na niya muna ang cellphone sa loob ng pantalon (lower uniform) tsaka inumpisahan ang pagkain.

'' Sayo ang 1 rice, fried at lemonade diyan. Kumain ka '' sabi niya na hindi ako tinitingnan.

'' Eh? Po? ''

'' Huwag mo ngang pinapaulit sakin ang mga nasabi kona babae? ''
Okay fine masyadong high blood naman nito. Pero ang sabi niya sakin daw ang ibang pagkain? Kaya ba tig d-dalawa ang pinabibili niya dahil sakin yung iba? Wow. Himala at naging mabait ito ngayon. Dala siguro ng gutom kaya medyo bumait. Gutumin ko kaya ito araw-araw para tuluyang bumait?

Ang simple lang ng kinakain niya pero komportableng-komportable na siya. Hindi gaya nung ibang estudyante rito na may mga style ang kinakain. Infairness hindi siya maarte ah. Para sa isang mayaman gaya niya ay napakasimple lang din niyang kumain kahit bawat subo niya hindi mababakasan na nagpapa class siya talagang lamon kung lamon. Paborito kaya niya ang fried chicken? Hm. Di bale, magluluto din ako niyan para sa kanya.

'' Kakain kaba o titingnan lang ako? '' humito siya sa pagkain at talagang pinandidilatan ako ng mata.

'' kakain ho. Kakain ako master '' tsk. Kahit kailan nakasuplado ng mukong nato.

Nag-umpisa narin akong kumain.

'' Master matanung kolang. Bakit wala ang mga taga SC officers rito? Kahit mga teachers man lang? '' nakakapagtaka kasi kapag andito siya tsaka naman na wala rito ang iba. Kapag wala siya eh pagala-gala lang ang mga SC officers rito.

'' Bawal silang tumambay rito kapag andito ako. Now eat and stop asking ''
Sabi ko nga kakain nalang ako at tatahimik.

Ganun ba talaga siya katapang na kahit teachers takot sa kanya? What about our principal? Hindi ba siya umaalma sa ginagawa ni master seon? Sabagay sino ba namang tao ang may lakas ng loob para pigilin itong si Monster Master Seon. Lahat takot eh.

Ano nga kaya ang dahilan kung bakit ganito ang trato ni Master Seon sa mga taong nakapaligid sa kanya? Yung pag-uugali niya. Simula ba noong bata pa siya ay ganyan na siya? Masungit, suplado, palaaway, at barumbado kung kumilos? Hmm. Malalaman kodin balang araw.

***
A/N:
Thank you for reading😘

My Hidden Princess [ON-GOING]Where stories live. Discover now