Chapter 26: Master-Boss

113 21 2
                                    

A/N: Keep safe everyone. Let's pray for the healing of our world against COVID-19

 Let's pray for the healing of our world against COVID-19

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Chapter 26

Ito na ang araw at simula ng OJT namin. Ito rin ang araw para malaman kung sinu-sino na ang mag h-handle sa amin na taga Royal Class at Student Council Officers.

Hanggang ngayon hindi pa kami nagkakausap ng maayos ni Master Seon pagkatapos namin magkasagutan. Iniiwasan ko muna siya dahil baka magkasagutan na naman ulit kami gaya nung nangyari samin noong nakaraang araw.

Hindi ko muna siya pinapansin sa bahay niya. Lage rin akong nauunang pumasok sa school gaya ngayon. Nung weekend naman wala kaming kibuan. Lumalabas din siya pag gabi siguro nakikipag meet siya sa girlfriend nitong si Sandra Veronica na balita nga ay sila na raw ulit. Wala na akong pakialam sa kanilang dalawa pa ang dapat ko lang gawin ngayon ay ang mag focus sa pag-aaral at maka pag ipon ng maraming pera para maka alis na sa kanya. Oo balak ko nang umalis sa pagt-trabaho bilang maid niya sa lalong madaling panahon di ko alam kung kailan basta aalis ako. Hahanap ako ng tirahan para kahit papano ay mawala na sa isip ko itong problema ko sa puso. Plano ko na siyang kalimutan pati narin sa kung ano itong nararamdaman ko para sa kanya.

'' Class come here in front if I call your name and pick a piece of paper here inside the bowl and then tell me what's the name written on it. They will be your Senior-head and they will handle your OJT starting Today so be ready '' sabi ng adviser namin.

Sunod-sunod ng tinawag ang mga pangalan ng kaklase ko hanggang sa ako na ang tinawag.

Kumuha na ako ng papel na naka rolyo sa loob ng lalagyan. Kinakabahan akong binubuklat iyon. Huwag naman sanang bully ang mapili ko. Oh God. Gusto kung maka graduate sana po ay tulungan niyo ako sa OJT ko po.

Ng makita ko ang pangalan na nakasulat sa papel ay halos manghina ako at parang nanlalambot ang tuhod sa pagkadismaya.

'' What's the name? '' tanong ng adviser namin.

Oh god. Bakit siya pa? Sa dinami-daming mapipili ko ay bakit sa kanya pa ako? Binibiro ba talaga ako ng tadhana?

'' Ma'am can I pick another paper? '' pakiusap ko sa kanya dahil ayuko na kasi sa taong nabunot ko.

'' What's wrong? '' takang tanong niya.

'' Ah kasi Ma'am ayuko po sa napili ko. Natatakot po ako at baka ikabagsak ko pa kapag sa kanya ako. '' that's a half truth at the same time I am avoiding that person right now. Obviously.

'' Sorry Ms. Samonte but you can't. It's going to be unfair for your classmates. '' nanghinayang naman ako sa sinabi ng adviser namin.

Ibinigay ko nalang ang papel sa kanya at bumalik na sa upuan.

Iyong iba ang saya-saya nila kasi nabunot nila ang gustong makasama sa OJT samantalang ako parang ayuko nalang mag OJT. Oh god, why are you doing this to me?

My Hidden Princess [ON-GOING]Where stories live. Discover now