Chapter 15: Agreement

194 30 5
                                    

[Author's Note: Salamat nga po pala sa lahat ng mga sumusuporta sa 'My Hidden Princess' Maraming-maraming salamat po sa inyong lahat Godbless us all po😘. Sa gusto pong magpa shout out ay comment lang po kayo down below at gagawin ng taga-paglingkod ninyo yan sa susunod na chapter. Abangan!]

Kinabukasan ay nag-usap nga kami ni Master Seon tungkol sa nangyari kagabi

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Kinabukasan ay nag-usap nga kami ni Master Seon tungkol sa nangyari kagabi. Mamayang hapon pa naman ang klase naming pareho kaya nagkaroon kami ng oras para pag-usapan ang tungkol sa dahilan kung bakit ko nagawang mag-iba ng katauhan.

Kaharap ko siya ngayon na naka dikwatrong nakaupo sa mahabang sofa habang naghihintay ng sasabihin ko at pakiramdam ko sa mga sandaling ito ay para bang nasa loob kami ng isang interrogation room habang iniimbestigahan niya ako sa paraan ng pagkakatitig sa akin.

Hindi ko narin muna sinuot ang pang deaguise ko para naman kahit papano ay maging convincing ang gagawin kung pagpapaliwanag sa kanya.

Hindi ko naman alam kong pano ko uumpisahan ang pagsasalita. Hay anubayan palagi nalang akong nauunahan ng nerbyos sa katawan. Relax kalang kira! Kaya mo iyan.

Nagsimula narin ang mamuo ang mga pawis ko sa noo dahil sa pressure. Halos kalahating oras kaming walang imikan. Gosh!!! Speak Kira! Kasalanan mo kung bakit ka nahaharap sa problemang ito kaya panindigan mo itong kagagahang ginawa mo!

'' Look, I will tell you my story behind but promise me one thing. Promise me that whatever I say it will remain as a secret between us. Huwag na sana itong malaman pa ng iba '' umpisa kong saad sa kanya.

Hindi na naman siya umimiik. Salubong rin ang mga kilay niya. Mas kinakabahan talaga ako kapag ganyan siya katahimik at hindi siya nagsasalita.

'' Kilala mo poba si Akira Felia Feilla? ''

'' No. I don't! '' ikling tugon niya doon.

'' Ang nawawalang anak ng tagapagmana ng Feilla Finance Corporation ay ako. Ang totoo kong pangalan ay Akira Felia Feilla.'' napakalaki ng aming kompanya at halos lahat ng bansa ay may branches kami ng aming negosyo. Si Mama at Papa ang kasalukuyang namamahala nito.

'' Bata palang ako ay mahigpit na si mama sa lahat ng ginagawa ko. Palagi niya akong binabantayan sa lahat ng kilos o bawat galaw ko. Kahit ang pakikipagkaibigan sa iba ay dapat siya ang masusunod. Hindi ko nagugustuhan ang mga ginagawang iyon ni Mama. Hindi ako masaya dahil alam ko ginagawa niya lang iyon para sa sariling kapakanan niya. Ni paghinga ko ay dapat may sukat o bilang na talaga namang nakakasakal na. Marami akong gustong gawin sa buhay ko na kailanman ay hindi ko magagawa kapag nanatili ako sa loob ng mansyon at dinidiktahan ng isang babae na tinatawag kong mama. Umalis ako sa bahay namin dahil nais akong ipakasal ng aking ina sa taong ni hindi ko man lang kilala. Binago ko ang itsura ko sa kadahilanang alam kong hahanapin nila ako at ipapabalik at pipiliting ipakasal sa lalaking iyon! '' mahabang paliwanag ko habang nagbabadya ang aking mga luha  dahil naalala ko ang mga sandaling iyon ng aking buhay.

'' Nais kolang naman na mabuhay ng hindi ako pinagbabawalan o binabantayan nila. Gusto kong kumilos ng kusa na naaayon sa kagustuhan ng utak at puso ko. Gusto kong mabuhay ng hindi nakasandal ang mga balikat sa kanila. Ang mamuhay ng malaya at kumikita ng pera sa sariling pagsisikap '' patuloy ko pa.

Di kona napigilan ang mga luha ko at kusa na itong nagsibabaan saking pisngi. Nakakahiya. Umiiyak ako sa harapan ni Master Seon.

'' Kaya Master Seon, Sana maunawaan ninyo ako kung bakit ko kailangang gawin ang mga bagay gaya ng pagpapatago ko sa likod ng ibang katauhan. I'm really sorry if I let you think that I was fooling you around the whole time but that's not true Master. Hindi kolang talaga alam kung kailangan o dapat ko pabang ipalam sa iyo o hindi na''

Tiningnan ko siya at laking gulat ko ng ngumiti siya.

Damn. He's pretty awesome when he smiles like that. Heart please behave! Don't distract this moment!!

'' My sympathy Kira. The truth is I was being stupid and Jerk to you. I am really sorry to that. Seriously I'm sorry.'' napakamot siya sa kanyang batok at umiwas ng tingin sakin.

Nahihiya ba siya o ano? B-bakit namumula ata ang magkabilang pisngi ni master?

Eh? Nahihiya ba talaga siya? Hindi kaya nagb-blush siya? What the---Isang Master Seon kyle Ellieson nagb-blush?

Oh my god! What a handsome man! Damn it---why am I thinking like this?

Nawala na iyong pressure naramdaman ko kanina napalitan na ito ng isang kasiyahan na hindi ko maintindihan. Ang gaan-gaan sa kalooban kapag meron kang napagsasabihan ng mga secreto at hinanakit mo sa buhay.

'' Thank you master Seon kasi nakinig kayo sakin. Ang saya pala na may nakikinig sayo. Maraming-maraming salamat talaga master!!! '' yumuko ako tanda na malaki talaga ang respito ko sa taong kaharap ko.

'' Sige payag na ako na mananatili itong lihim sa pagitan nating dalawa in one condition. '' Oh my God. Thank you lord!

'' Ano po iyon Master? '' nakangiti kong tanong.

'' Ipagluto mo ako ng makakain ngayon na dahil kanina pa ako nagugutom. Malapit nang mag 12:00 at May klase pa tayo mamaya. '' natawa naman ako dahil akala ko kung ano iyong condition niya.

'' Isa pa pala, ngayong nalaman ko ang lihim mo ay hindi ibig sabihin nun na hindi na kita pwedeng utusan dahil lang sa dati kang prinsesa o anak sa isa sa pinakamayang pamilya sa bansang ito? Maid padin kita at walang magbabago doon! Naintindihan mo? ''

'' Very clear. I'm your maid and your my master ''

'' Good. Now prepare my lunch ''at tsaka na siya tumayo papunta sa kwarto niya.

Ang saya-saya ko kasi ang balik na ulit kami sa pagiging mag-amo. Hindi niya ako pinanlisikan ng mata kanina, hindi niya rin ako sinigawan at ang cute niya pang mag blush. Akala ko mga babae lang marunong mag blush pati din pala ang dating halimaw na si master Seon. Err. Bat parang kinikilig ako kapag naiisip ko na nag b-blush siya.

Ibinalik ko ang itsura ko sa pagiging nerdy at witch type image at nagsuot na ng uniform. Pagkapos inumpisahan na ang pagluluto (I wore an apron para hindi marumihan ang blouse ko) .

Nagpasya akong lutuan siya ng fried chicken at sinigang na karne ng baboy. Pagkatapos kong magluto ay inihanda ko na iyon sa may lamesa tama lang ang oras dahil paglabas ni Master Seon galing sa kwarto niya ay nakabihis na siya ng uniform. Bagay sa kanya ang uniform ng taga Royal class. (Iba kasi ang uniform ng taga Royal Class kumpara sa aming mga medyo ordinaryo lang). Ang uniform kasi nila ay may White and gold. Sa amin ay plain na gray.

Ang gwapo talaga ng lalaking ito. Para siyang white prince dahil narin siguro sa napakaputi niya at maitim ang buhok na bumagay sa itsura niya. Iyong tangkad niya ay tamang-tama lang na bagay din naman sa kakisigan ng katawan. Infairness bagay nga talaga siyang tawaging The Prince of Royal Class.

'' Oh tapos kana bang suriin ako babae? Kamusta naman? Tsk. '' napaiwas ako ng tingin dahil sa kahihiyan.

Paktay! Nahuli ako don ah. Balik na siya sa pagiging beast mode at tinatawag na naman akong babae.
Ikaw naman kasi Kira ang harot-harot mo, napatawad kalang sa katangahan mo eh pinagpapantasyahan mo na ang amo mo. God Kira! Behave for God sake!

'' M-master kain na kayo. Luto na iyong ulam '' dumeretso nalang siya sa lamesa at inumpisahan na ang pagkain.

Naging magana naman sa pagkain si Master Seon at natutuwa ako dahil nagustuhan niya iyong niluto kong ulam para sa kanya. Pasasalamat ko iyan sa kanya dahil kahit papano ay nabuhayan ulit ako ng loob at syempre safe padin ang secrets ko sa kanya.

***
A/N:

Thank you for reading 😘

My Hidden Princess [ON-GOING]Where stories live. Discover now