chapter four

4.4K 419 258
                                    

Naging mas malapit kami ni Jash sa isa't isa paglipas ng mga araw kaya napansin ko rin ang madalas niyang gawin.


Tuwing gabi, lagi siyang umaalis at kasama raw sina Asher. Madalas din ang pag-aya niya sa akin na sumama ulit pero tumanggi na ako dahil kailangan ko na talagang mag-advance reading para sa pasukan.


Habang nagbabasa ng mga news articles sa online gamit ang tablet ko, narinig ko ang pagtunog ng cellphone ko kaya inabot ko 'yon at nakakita ng message galing sa hindi rehistradong numero.


From: Unknown Number
Hi, is this Tate? This is Magnus. :)


Si Magnus.


'Yung nakilala ko noong isang araw habang nagjo-jogging ako. Sinave ko ang number niya at hindi siya ni-replyan dahil nagpakilala lang naman siya. Isa pa, wala naman akong sasabihin.


Bumalik ako sa pagbabasa ng iba't ibang news articles. Isa 'to sa mga learning techniques ko para matuto lalo na sa pagsulat ng isang maganda at may kabatirang article. Gusto kong maging katulad ng mga journalists na tinitingala ko dahil bukod sa nagagawa nila ang gusto talaga nilang trabaho, nakakapaghatid din sila ng kaalaman sa mga tao.


Natigil ako sa pagbabasa ulit nang muling tumunog ang cellphone ko. Dahil sinave ko na ang number niya, nakita ko ngayon na 'yung message ay galing ulit sa kanya.


From: Magnus
Really, no reply? Ang cold mo naman, Miss. Parang nung nagkita lang tayo sa park


Hindi ako nag-reply ulit dahil sinabi ko sa sarili ko na hinding-hindi ako magre-reply sa kanya kung hindi tungkol sa jogging ang ite-text niya. Nilagay ko sa silent mode 'yung cellphone ko at pinatong 'yon sa bedside table bago ako humiga sa kama ko at nagbasa ulit.




From: Fresia David
Tate Arisse! Good luck sa first day mo bukas! Grabe, parang iba 'yung pasukan namin last week kasi wala ka rito! Miss you sagad!! Mwa mwa


From: Tash Zacarias
Ate, good morning!! Good luck daw bukas sa 'yo sabi ni Mama at Papa. Siyempre ako na rin. Love you!


From: Sean Fuentes
Hey Tate, you done reading the book? I also bought one for me and I could say, it's really good. Hope you loved reading it. Btw, good luck on your first day tomorrow. See you soon.


From: Glynn Orense
Hoy babaeng Manila girl na, good luck!! College na tayo huehue let's keep in touch! Lablab


Inulan ng mensahe ang cellphone ko isang araw bago ang pasukan kaya sobra akong natuwa. Miss na miss ko na sila. Ni-replyan ko silang lahat at nagpasalamat bago tinawagan sina Mama. Lalo tuloy akong nangulila nang marinig ang mga boses nila. Ito'ng unang pagkakataon na hindi ko sila kasamang maghanda para sa unang araw ng pasukan.


Pagkatapos ng tawagan namin ay bigla naman akong kinabahan. Bukas na nga talaga ang pasukan sa LMU. Bukas ay ang unang araw ko bilang college student. Nakaka-excite na nakaka-kaba.

Apart but ChainedWhere stories live. Discover now