IX - "No, you leave"

67 1 0
                                    

C H A P T E R   9

Aeriel P.O.V


Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mga mata ko. Ngayon na nandito na uli si manang ay di ko na kailangan pang gumising ng maaga para maghanda ng breakfast. Ang ganda ng tulog ko, lalo na't anlaki ng perang nauwi ko mula sa party. Ipapadala ko kaagad ito kela nanay na ibinalita sa akin ni Coraline na malapit na silang makauwi sa bahay. At last, naipagamot na si nanay at okay na sya.

Pagkatapos kong maligo at magbihis ay bumaba ako at nadatnan si manang na nagliligpit ng gamit.

"Good morning ija" bati niya.

"Good morning po" saka umupo at sinimulang kainin ang blue berry pancake na inihanda niya. "Si Edward po?"

"Kanina pa umalis"

Tumango ako, he own a company, so malamang super busy nya ngayon lalo na't wala sya kahapon.

Biglang bumukas ang pinto at iniluwa nun si Arthur. Agad na nanlaki ang mata ko at napatayo.

"Ohh gosh Arthur. Namiss kita" saka sya sinalubong ng yakap. "Where have you been?"

"I settled a minor dispute to some branches worldwide. It's done, so I'm back" ngiti nyang sabi.

"Kumain ka na?"

"Yes I did. Thank you Aeriel"

Namiss ko talaga kung paano niga banggitin ang pangalan ko. Its filled with elegance.

"Ano nga palang ginagawa mo dito?"

He took a seat across from mine, "Well.." may kinuha sya sa kanyang black formal suit and handed me a letter. "An invitation letter for the annual business association party"

No way. That means, marami akong makakasalamuha dun na mga mayayaman din katulad ng pamilyang Mackenzie, I mean they are already a burden, paano pa kaya pag nadagdagan ang mga katulad nila? I never had the chance to attend lavish events and thinking of it now makes me shiver in terror. Paano pag nagkamali ako? Paano pag may nasabi ako o nagawa na hindi naaayon sa kanilang estado sa buhay?

Tiningnan ko sa mata si Arthur, eyes imploring. "Pwede bang dito na lang ako sa bahay?" I kind of pleaded.

"I am so sorry Aeriel but you have to come. Edward will be there with the rest of the family. They'll suspect us if you won't be there" napatango ako ng dahan dahan. "Why? Are you scared?"

"Kung yun man ang tawag sa nararamdaman ko ngayon, edi oo"

Hinawakan niya ang aking kamay saka ito hinaplos, "You'll be fine" nakahinga ako ng maluwag ng makita ko kung gaano kalaki ang tiwalang ipinukol nya sa akin.

Dahan dahan akong tumango saka sya nginitian, "Thank you Arthur" he nodded in return. "Paano yung susuotin ko?"

"I wanted to be with you but I still have paper works to finish so Jackson will be here"

Napatango ako, "Mabuti naman" saka ako napangiti.

He flicked a brow at me, "Looks like you're in good terms with Jackson. I'll remind you that he is such an ass"

"Sino naman maysabi sayo na magkaibigan kami?"

"Someone" seryoso niyang sagot.

Someone? It could be anyone.

"Mabuti syang kaibigan and I see nothing wrong about that"

"Being friends is fine. Just be cautious"

Mom For HireWhere stories live. Discover now