KABANATA 2

288 103 6
                                    

So ayon nga guys napaka lag ng cellphone ko bwiset kailangan na ng bago HAHAHA oo nagpaparinig ako sa mga relatives ko jan jwk! HAHAHAHAHAHA

Nababagot kami ngayon ni kad kaya nandito kami sa tambayan namin sa harap lang naman ng bahay namin wala naman na kasi kaming ibang tambayan

"Akyat lang ako ha tulog muna ko antok pako eh" si kad

"K."

Umakyat na si kad. Ako naman busy na sa pagseselpon

"Hi guys this is me daelynn and welcome or welcome back to my youtube channel" pagsasalita ko sa harap ng camera ng aking selpon

"Ang panget naman ng boses ko dito hays"

Sa sobrang boring ko napagisipan kong bumili nalang ng memeryendahin ko

"Ano yon"sabi ng lalaki

Naninibago naman ako sa boses natoh

"Piattos nga tsaka coke"sagot ko

Dahil sa aking kuryosidad sinubukan kong silipin yung lalaki

Ay teh ampogi!!!!

MyghaaaAaad

Inabot nya yung binili ko

"Thankyou"sabay ngiti ko

Dahil may upuan naman sa harap ng tindahan nila syempre umupo ako para magpapansin HAHAHAHA

"hi kyah anak kaba ni ate ruby?"tanong ko sakanya

"Ah bat mo natanong?"

"Ah wala lang naman bakit masama bang magtanong"

"Di naman kita kilala kaya bat ko sasabihin"

"Ang suplado mo naman porket gwapo ka tsk"singhal ko

"Wala kong sinasabi na gwapo ako at lalong hindi ako suplado. Sadyang di lang kita kilala kaya bat kita kakausapin"

"Ang arte mo naman tinatanong lang naman kita kung anak ka ni ate ruby oo o hinde lang isasagot mo dami mo pang satsat"

"Umalis kana nga ang ingay mo."

"Nyenyenye eto na. Aalis na nga eh diba."

At umalis na nga ako don. Habang naglalakad ako papasok sa looban nakita ko na naman si Almira.

"Nagpapansin kaba kay jacob? Tsk kala mo naman papansinin ka non, asa kapa di ka magugustuhan non."

"Bumili lang ako. At di ako nagpapapansin sakanya kaya padaanin mona ko."

"Siguraduhin mo lang kase di naman kayo bagay at masasaktan kalang."

At di nalang ako nagsalita. Wala naman akong pake sakanya

Dali dali ako ngayon tumungo sa kwarto namin ni kad

"Kad!"gising ko sakanya

"Kad"

"Gising kad may chika ko shett"

"Tangina naman daelynn wag ngayon puyat ako!"

"Importante toh"

"Tungkol ba saan? Diba pwedeng mamaya na yan! Patulugin mo muna ko"

"Hoy kanina kapa tulog ha! Tsaka naboboring nako kailangan kona ng kausap"

"Wait bigyan moko ng five minutes gigisingin ko lang yung diwa ko punyeta ka"

"Sige sige"

Habang hinihintay ko syang magising ang diwa nya naiimagine ko yung gwapong muka ni jacob. Shitt ampogi nya kahit medyo suplado feeling ko crush na crush kona agad sya deads na deads na agad akesh HAHAHAHAHAHA

Biglang nagtanong si kad "Ano ba yon?"

"May nakita kong pogi kila ate ruby"kinikilig kong sabi

"Yun lang? Daelynn wala na bang bago?"

"Kala ko kung anong importante yan! Kalandian mo lang naman pala" dagdag nya

"Hindi ampogi nya talaga legit"

"Anong gusto mong gawin ko?"sarkastiko nyang tanong

"Akyatin naten bahay nila?ganon"dagdag nya

"OA kana"singhal ko

"Eh ano nga gagawin naten"

"Magpapapansin tayo"

"Sabi na nga ba eh"

"Ih kinikilig ako"

Gabi na nang nakita namin sila channa at mila

"Mila"tawag ni kad

"Ate"

"Anung balita sa lalaki na nirereto nyo sa ate daelynn nyo"

"Di papo namin alam yung pangalan eh di naman kase naglalalabas masyado".

"Hay nako wag nyo na ireto saken yan. may crush nakong iba at yon sure ako na gwapo"singit ko

"Hala teh sino?"tanong nila

"Si jacob hehehehe"kinikilig kong sagot

"Pogi ng name ha"si kad

"Di lang name beh pati muka gwapo"

Habang nakaupo kami at nagkekwentuhan biglang dumaan si jacob kasama nya yung mga kaibigan nya at sila Almira

"Wait eto na si jacob yung future bebe ko"

"Hala teh jacob ba name nyan? Yan yung sinasabi namin sayo"

Gulat akong napatingin sakanya

"Yan yon?!"

"Oo teh ampogi noh"

"Hala teh eto na sya malapit na" sabi ko kay kad

"Teh wag kang haharot kasama nya sila almira"

"Ang malas naman" sabi ko

Ayan na malapit na sila shit nakakainis naman

Nginitian ko sya nang natapatan nya nako samantalang sya inismiran lang ako hay nakakainis naman anu bang kasalanan ko sa lalaki nato.

"Ay jacob hi daw sabi ni dael oh nginingitian ka "sabi ng kaibigan

Lah wala naman akong sinasabi ha tsk ngumiti nalang ako kaso mukang napasama pa yun pag ngiti ko paktay

"HAHAHAHHAHA AMFEELING NAMAN NI DAEL" parinig ni alivia

"Oo nga eh kala naman nya papansinin sya ni jacob" si hazel

"Pre kausapin mo si dael makipagkilala ka naman HAHAHAHA " tukso nila

"Sorry but i don't talk to stranger" si jacob

Wow englishero ang future bebe ko HAHAHAHA nakakaturn-on naman hehehe

"Arte naman ng crush mo "bulong ni kad

"Hayaan mona maiinlove den naman saken yan eh. Akin den bagsak nyan"

"Di nga daw sya nakikipagusap sa stranger diba? Eh pano di naman kayo close HAHAHAHA"

"GIRL WATCH AND LEARN"sabi ko

"MAPAPASAKEN DEN YANG BEBE KO NA YAN"dagdag ko pa

akin ka den babagsak jacob.....

But I Still Want You ( CRUSH SERIES #1 )Where stories live. Discover now