KABANATA 11

117 36 1
                                    

KADYNCE POV

Hay nakakapanibago yung routine ko sa araw araw. Kase di kona kasama si Daelynn. Sobra ko nang namimiss si daelynn.

at eto nga ako ngayon mag isang naglalakad papunta sa court may ipapaprint kase ako sa computer shop.

miss na miss na kita daelynn..

habang naglalakad ako nakita ko sila jacob. Tsk malas nakita ko na naman yung kupal nato.

Nung natapatan kona sila tinawag ako ni claine.

"Kadyncee!"tawag nya saken

"Hoy baket?"nilingon ko sya

"Nasan ba si daelynn? Bat di kona sya nakikita?"tanong nya

feeling ko may gusto si claine kay daelynnn. Nako nako pero sabagay mabait naman si claine kumpara sa kinababaliwan ni daelynn walang manners tsk.

"Ahh ano kasi"di ko masabi na umalis na sya. Ewan ko kung bakit hays dael binigyan mo pako ng problema

"Claine wag mo nang hanapin yung babae na yon. Maganda nga at di sya lumalabas sa bahay nila. Kase kung lalabas pa yun nako may gagawin na naman na di maganda yon"biglang sabat ni almira

Aba't di talaga titigil tong babae nato eh noh! Sinusubukan ako neto pwes wala ng aawat saken na pasabugin muka neto.

"Hoy Impokrita."gulat syang tumingin sakin. Oh ano? Kala mo ha matagal nakong nagtitimpi sayo nyemas ka "Dahan dahan ka sa mga pinagsasasabi mo sa pinsan ko ha. Ako punong puno nako sayo. Di lang kita pinapatulan kase inaawat ako ni daelynn. Ngayon wala na si daelynn kayang kaya nakitang bombahin gusto
mo?"sarkastiko kong sabi sabay irap

SHOOOT*

bakit kayo nakatingin sakin? Paglingon ko kase nakita kong mga gulat na tingin ni claine at jacob

"What do you mean na wala na si Daelynn?"tanong ng kupal na jacob na yan

feeling nya naman kakausapin ko sya duh. Inirapan ko lang sya at nakita ko naman na nadismaya sya. Deserve mo yan mokong ka dahil sayo umalis yung pinsan ko. Ang hirap kaya magisa.

Mukang nakuha naman nila na di ko talaga kakausapin yan.

"Ahm kadynce pwede bang malaman kung nasan si daelynn?"tanong ni claine

Hays wala den sasabihin ko den. Di ko matiis si claine mabait kase toh unlike sa mga kasama nya. Buti nga di sya nahahawa sa mga ugali neto.

"Wala na sya. Umalis na sya HAPPY?"sabay tingin kong mataray kay Jacob. Kunwari pa syang nagulat"Umalis na sya kase diba ayaw ni Jacob na makita na sya. So ayon si Daelynn na nag adjust"dugtong ko

"Bakit mo sya hinayaang umalis"galit na sabi ni jacob

Problema neto bat saken galit toh inaano koba yan

"Bakit ko sya pipigilan kung pwede ko naman syang hayaan." Which is true dahil alam ko pag nandito sa Dael puro iyak lang yon

"eh don sya masaya eh. Dahil pag nandito sya inaaway nyo lang sya,Kaya pwede ba wag kang feeling ano jan. Eh alam naman naten na gusto mo yon pabor pa nga sayo diba? Di mona makikita si Daelynn."

"San sya nagpunta? Kelan sya babalik?"tanong ni claine

"Di na sya babalik"sagot ko

"HAAAAA!"

"O baket?"parang mga timang naman toh

"Don na sya magaaral kaya wala ng dahilan para bumalik sya dito"tsk makaalis na nga dito "sige claine alis na ko bye" sabay talikod ko

DAELYNN POV.

Ansarap ng simoy ng hangin dito sa bukid sana ganto nalang palagi.

"O naiisip mo na naman ba yung crush mo na iniwanan mo sa maynila?"tanong ni ayana.

Oo na kinwento kona sakanya yung mga naging ganap ko sa manila and kahit sya nalungkot sa mga nangyare bakit daw ganun

"Hoy hindi ha. Si kadynce ang iniisip ko mag isa nalang sya don."kamusta na kaya sila don?

Masaya na kaya sila kase wala nako don? Si jacob siguro tuwang tuwa na yon kase di nya nako nakikita sa paligid nya.

namimiss kona kayo. Sana ako den miss nyo jk.

"Alam mo siguro pinapaasa kalang talaga nung jacob na yun. Isipin mo may part na nagseselos sya pero biglang boom wala na syang pakealam sa nararamdaman mo"sabi ni ayana

Baka naman kase trip nya lang ako. Hello ang gwapo kaya ni Jacob tapos saken lang sya magkakagusto eh kung tutuusin napaka simple ko lang ni hindi nga ako sanay magmake up eh.

"Siguro nga yun lang talaga ang balak nya. ang paasahin ako, at nagtagumpay naman sya. Nahulog ako nang sobra."sabi ko sabay bagsak ng mga luha ko shit di ko na naman napigilan. lagi nalang akong umiiyak dahil sa nangyare.

"Uy baliw ka wag mong iyakan yun. Okay lang yan. Nandito ko wag kang mag alala makakalimutan mo din yun"sabi ni ayan sabay pahid ng luha sa pisngi ko

Buti nalang may mga ganito akong mga kaibigan. Mga naiintindihan ako.

"Salamat bessy ha"sabi ko sabay yakap sakanya

"Naku wala yon. Para san pa at magkaibigan tayo. Tayo dalawa lang naman ang pwede magtulungan eh."sabi nya

pagkatapos namin tumambay sa bukid naisipan namin na umuwi nalang. Kailangan kong magpahinga.

CLAINE POV.

di ko alam kung bakit pero sobra yung lungkot ko ngayon. Dahil nalaman ko na umalis si daelynn at di manlang nagpaalam

Di ko manlang naamin sakanya yung gusto kong aminin.

"Hindi pwede toh"sabi ko

"Why"tanong ni jacob

Bigla ko syang nilingon. Galit ako sakanya, sya yung dahilan kung bakit umalis si daelynn tapos ngayon magsasabi sya ng why?

lumapit ako sakanya at walang ano ano ay sinuntok ko sya sa muka. Halata ang gulat nya pati ng mga kaibigan namin.

"Kasalanan mo kung bakit lumayo si Daelynn"galit kong sabi

"Claine bat mo sinuntok si Jacob"tanong ni almira

"Sige ipagtanggol mo yan. Isa kapa! Kasalanan nyo kung bakit umalis si Daelynn. Wala naman syang ginagawang masama sainyo pero sinaktan nyo sya"

"Eh ano naman sayo ngayon kung umalis si Daelynn"tanong ni Almirs

nilingon ako ni Jacob mukang hinihintay nya ang sagot ko

"Wala ka nang pakealam don. Magsama sama kayo"sabay talikod ko

hihintayin pa ren kita Daelynn kahit walang kasiguraduhan...

DONT FORGET TO VOTE GUYS ⭐

But I Still Want You ( CRUSH SERIES #1 )Where stories live. Discover now