10

188 16 0
                                    

CHAPTER 10

A SECRET TO BE KEPT.

"She has Ischemic Heart Disease." dinig kong sabi ng doktor. Nagising ako kani-kanina lang pero wala akong lakas para makatayo o maitaas ang ni isa kung daliri. Pagod ang boung sistema ko.

"Doc, ano pong dapat gawin? Kahit ano po gawin niyo. Pakiusap." dinig kong nagmamakaawang sabi ni Paul sa likod ng hospital curtain.

"Sa ngayon isa ito sa mga sakit na hindi pa naiibentong gamot. As for the life expectancy it's a life time naman as long as mag-iingat siya palagi. Iwas sa stress , pagpapagod masyado and salty foods." Hanggang doon na lang ang narinig ko sa doktor dahil kinain na naman ako ng antok.

I woke up again with the same room I was when I woke up the last time. I saw Paul sleeping while holding my hand wearing the same cloth when I last saw him. He suddenly lift his head and saw me awake already.

" Hey, okay ka lang ba? Finally, after two days gising ka na. Thankyou, Lord." nagsusumamo niyang sabi.

Dalawang araw? Malala talaga siguro tama nitong sakit ko sa akin.

"Huwag kang mag-alala. Okay na ako. Wala namang masakit sa akin. Uunahan na lang kita. " I said and chuckled lightly so that I can ease the vibes here.

"Nakukuha mo pa talagang tumawa eh 'no." Pagpupuna niya.

"Pagod na akong umiyak, Paul. Kaya oras na siguro para tumawa diba." sabi ko naman.

"Oo nga naman." he chuckled.

"Paul, alam ko kung anong kalagayan ko. Sana wag mo munag i mention kina Ela --"

"O tapos maghihirap ka mag-isa? Ganun? Agi, naman." Pagpupuna niya.

Agad akong umiling. "Labas sila sa problema ko kaya dapat lang na harapin ko ito mag-isa. Sana naman respetuhin mo ang desisiyon ko. Please." Pakiusap ko.

Pinagpahinga pa ako ng doktor sa sa ospital ng isa pang gabi na siyang ikinaabsent ko pa ng pang pangatlong araw. Sa dalawang araw na natutulog ako ay ni minsan ay hindi daw bumisita si Ace. Pati nung naextend ako sa ospital ay walang ni anino ni Ace ang nakita ko. Hindi naman sa mag-eexpect ako na babalik siya kaagad gaya ng sabi niya pero hindi ko talaga maiwasan na masaktan. Ng dumating ako sa condo galing sa ospital ay tadtad ng missed calls at text messages galing kina Ela ang natanggap ko. Hindi ko naman sila magawang replyan dahil hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko. Ayaw kong malaman nila ang kalagayan ko at mas ayaw ko namang magsinungaling na ayos lang ako.

Binuksan ko ang pintuan ng condo sabay check ng bag ko kung may nakalimutan akong gamit. Ng nasiguradong wala na ay tuluyan na akong lumabas. Nagulat ako ng saktong lumabas rin si Ace sa condo niya na kaharap lang ng akin.

"Agi, sorry hindi na ako nakabalik kasi--"

"Love, nakita ko na phone ko. Let's go?" anyaya ni Ammara na kagagaling lang sa loob ng condo ni Ace. Napatingin siya kung saan nakatingin si Ace na kanina sana ay may sasabihin.

"Oh hi! Agi, right? You're neighbors pala? Nice." She commented.

I smiled at them bit. "Uh yeah. Sige Ace. Una muna ako, malalate na ako. See you when I see you!" I bid goodbye as walk towards the elevator na saktong papasirado na.

I lean on the elevators wall and sighed. Anong ginagawa ni Ammara dun? Well, natural nga naman iyon kasi magjowa sila. Pero, does she already moved in with Ace?

Hindi ko alam papaano ako nakabot ng school na iyon lang iniisip. Pumasok ako sa first sub ko hanggang second sub na lutang ang utak at walang maintindihan sa mga disscussion.

"Miss Dela Merced. " tawag ng second sub prof ko na siyang last sub ko naman this morning.

"Yes, prof. May kailangan po ba kayo?" tanong ko.

" Uh yeah napansin kong lutang ka to my sub but that is not my agenda. Do you remember the Royal Roads University of Vancouver, Canada Scholarship/ Exchange Student Programme na finill-upan niyo last month? Pasa ka sa mga qualifications since deans lister ka and enough naman ang mga credentials mo . So, I was thinking if you're interested to take it?" she asked.

I was quit shock with that. Hindi naman ako matalino talaga na matalino. Medyo sakto-sakto lang. Pero hindi ko naman ineexpect na sa akin ito iooffer ang nga ganitong program sa school.

"Uh pag-iisipan ko po." sabi ko na lang.

"Alright. Tell me anytime if you have decided. No quota date naman itong program." sabi niya sabay labas ng classroom.

Madaling natapos ang araw na iyon at ng dahil nga simula na naman ng bagong sem ay nagsimula na naman kaming maging busy. Ni hindi ko rin naman matawagan sila Ela dahil alam kong busy rin sila. Mahigit isan linggo ko rin hindi nakita si Ace kahit nga lang magkatapat lang pintuan namin sa condo. Busy rin siguro iyon ,alam ko namang hindi niya priority na dumalaw rito kahit freetime niya dahil nandiyaan na si Ammara.

I was typing some encoded projects in my laptop when someone pop-up that was someone is calling. At napagtantong si ate Arriane iyon.

I smiled. "Oh ate, napatawag ka?" tanong ko.

Ate Arriane is Ace's older sister na nasa Paris na naka base for her modeling career. Simula nung naging bestfriend kami ni Ace ay naging malapit na din sa akin ang pamilya niya lalong-lalo na kay ate.

"Hi dear! kamusta?" tanong niya.

"Okay naman. Fresh na fresh as usual ah. Sana all." Panunuya ko sa kaniya.

"Gaga ka talaga. Oh ba't parang stress na stress ka? Ay iba na 'yan. " sabi niya.

"Ano ka ba ate. Stress lang sa mga school works." depensa ko.

"Oh okay. By the way, next week na golden anniverssary nila mama. Did Ace told you already?" she asked.

I shake my head a little bit kasi hindi niya naman talaga ako sinabihan. Well, eventually hindi naman talaga kami nag-uusap for the past weeks. And thats explains why he didn't had a chance to invite me or nakalimutan niya lang dahil naimbitahan na niya si Ammara which is his priority now.

"What? Did you guys fight? Hindi naman 'yun basta-basta lang nakakalimutan na imbitahan ka sa mga mahahalagang okasyon gaya nito." she hysterically said at napa kibit balikat na lang ako.

I'm not sure if nag-aaway ba kami sa kasalukuyan or sadya lang kailangan naming mag focus sa kanya kanyang buhay.

"Err. Lagot talaga sa akon iyong bata na 'yon. But anyways pinapa-invite ka nila mama." She just said and I just nod.

Marami pa kaming pinag-usapan ni ate bago siya nagpaalam na matutulog na siya dahil may gig pa siya kinabukasan. Tinapos ko rin ang mga gawain ko na related sa school. At tsaka napag desisyunan na magluto ng brownies na paborito ni Ace. Baka akalain nun na galit ako sa kanya kaya para malaman niya na hindi ako galit o magkaaway kami bibigyan ko siya ng brownies.

Mahigit isang oras din akong nagluto at nilagay ko iyon sa isang glass container at isinilid sa isang paper bag. Lumabas ako ng condo ko at pumunta sa kanyang pintuan tsaka pinindot ang password nito.

"Ace?" tawag ko ng matanaw na walang tao sa may sala. Pumunta ako sa kwarto ng may marinig na ungol na nang-gagaling roon.

"Ace?" tawag ko ulit sabay tulak sa pinto ng kanyang kwarto. At nakitang nakapatong si Ace kay Ammara na walang saplot.

Biglang may tumusok na napakasakit sa puso ko na nakapagpatulo ng mga luha sa mata ko. Napahawak ako sa bibig ko na nakaawang na nagbabantang humikbi. Tumakbo ako palabas sa condo niya at nakitang naroon si Paul sa tapat ng pintuan ko sa condo. Nilingon niya ang banda ko ng mapansin niyang may tao ito.

"Paul..." pagsusumamo ko sa kanya sabay labas ng hikbi sa mga bibig ko.

_____

When Fate FailedWhere stories live. Discover now