Chapter Thirteen

59 12 0
                                    

Aestherielle's POV

Eto na Ae-ae rarampa ka na maya maya.

Confident akong maglakad papuntang backstage kasama sila Momshie. Pero laking gulat ko ng lahat ng candidates ay nakashort.

"Ahm Miss. Ba't ka nakapantalon? Hindi ba't sabi ko maong shorts?" Mataray na sabi nung bakla.

"Ang sabi po kasi nila pants daw po" tiningnan ko yung dalawang candidates na kulang sa aruga. Nagtawanan naman agad sila.

"Hindi ka kasi nakikinig" mataray na sabi nanaman nung bakla.

"Hoy! Hoy! Hoy! Isa pang Hoy! Wag mong ginaganyan ang alaga namin baka hindi lang isa o dalawa manapak sayo" sigaw ni Momshie Jups. Buti nalang nandito sila.

"Okay lang yan baby ghorl. Atleast naiiba ka sa kanila. Mas mapapansin ka ng judgest. May chance parin" pangungumbinsi ni Momshie Mars

Gayunpaman ay confident parin ako. Hindi dahil sa suot ko kundi sa sinabi ni Kenzo. Kinilig ako ng very very light lang naman.

"Oh ready na mga candidates. And you" turo sakin. "Panghuli ka na dahil sa suot mo" malumanay naman sabi nya kaya okay lang sakin.

Narinig kong nagpapakilala na ang mga candidates. Pero hindi parin ako kinakabahan. Iba talaga epekto mo Kenzo!

Ako na susunod pero confident parin ako. 7inches yung heels ko pero keri ko naman eon.

Nung tawagin na number ko ay lumabas na ako.

Napuno ng hiyawan at palakpakan ang buong hall. Todo cheer pa ang mga classmates ko.

Swabe lang lakad ko then fierce and awra. Ganun tinuro ni Eunice. Kapag ginagawa ko iyon ay mas lalong humihiyaw ang mga classmates ko

Nasa harap na ako ng microphone pero hindi parin ako makapagsalita dahil sa ingay nila.

"Good afternoon everyone" yun palang nasasabi ko ay hiyawan nanaman. "My name is Aestherielle Nandez Toress from Bachelor in Business Teacher Education." Tumigil ako dahil sa ingay nanaman. "I do believe in the saying that Love..." tumigil ako para may thrill. "is Unconditional. And I thankyou" nagiwan ako ng flying kiss then rumampa ulit pabalik ng backstage.

Inayusan agad ako ni Momshie Jups. At inayos ang buhok. Sports Bra lang at Cycling lang suot ko ngayon. Naka yapak din ako dahil yun daw kapag naglalaro nun.

"Ang sexy mo talaga baby ghorl! Kahit walang abs may shape naman ang body mo" papuri ni Momshie Mars.

"Thankyou momshie!"

Kinuha ko na ang beach ball para maghanda na. This time pangatlo na akong tatawagin. Bale 25 candidates kami, pero magiging 10 nalang pagkatapos ng Sports Wear.

Sana makapasok ng Top 10.

Nung tinawag na ako ay swabe nanaman ang pagkakarampa ko. Hinagis ko ang bola at nagkunwaring magsspike. Maganda ang kinalabasan nun kaya naghiyawan nanamana ng mga classmates ko.

"B-BTE! GO COED! FIGHT COED! GO GO GO!" Nangingibabaw ang pagcheer ng classmates ko.

Natapos na lahat na rumampa. Ngayon ay nakahilera kami sa may stage. Waiting sa result para sa Top 10.

Candidate number 8 ako. Ewan ko ba dun sa bakla bakit niramble yung pagrampa namin. Dapat sunod sunod eh, pero namimili ng kung sino mauuna ganern. Kaya nakakaibyerna.

"Candidate number 1 pasok ka sa top 10." Hiyawan nanaman. "Susunod sunodin ko na huh, wala ng pathrill-thrill top 10 palang eh sayang oras" sabi ng MC.

UNCONDITIONAL LOVE Where stories live. Discover now