Chapter Sixty

50 7 0
                                    

A/n: long, long update choz HAHAHAHA enjoy reading mga mahar<3

Aestherielle's POV

"Ano ba dapat nating pag-usapan?" Tanong ko. Pinipigilan ang luhang gustong-gusto na kumawala.

"About us" sagot nya.

"Putanginang 'us' na 'yan! Puro 'us'!" Sigaw ko dito.

"Please, Aestherielle. Listen first." Basag na boses na sabi nya.

"Sabihin mo na dapat mong sabihin Kenzo. Dahil hindi ko alam kung paniniwalaan pa ba kita or what." Sabi ko dito at sumandal nalang sa kotse ko dahil sa panghihina ng tuhod.

"First of all, I want to say sorry. Sorry if nasaktan kita. Sorry if hindi kita pinakinggan. Sorry, sorry." Bakas sa boses nya na pinipigilan nyang umiyak.

"Tapos ka na?" Pagtatanong ko dito. "Kase kung sorry lang naman ang sinasabi mo, please lang itigil mo na. Hindi na mababago ng 'sorry' mo lahat ng sakit na naramdaman ko." Sabi ko dito.

"Please Aestherielle. Give me another chance. Please." Pagmamaka-awa nito.

"For what? Para saan pa ba? Kenzo? Naririnig mo ba 'yang sinasabi mo? Second chance? Seriously? Sa lahat ng sakit na dulot mo, nanaisin ko pa bang bigyan ka pa ng another chance?"

"Nandito ako ngayon para mahalin ka. Please, ibalik natin ang dating tayo Aestherielle." Tumutulong luha na sabo nito.

"Malabo na Kenzo. Sobrang labo na." Hindi ko na mapigilan ang mga luha ko.

"Aestherielle please." Pagmamaka-awa nito.

"Tama na Kenzo. Masakit na, sobrang sakit na." Pagsuko ko. "Paano kita mapapatawad, kung bawat tingin ko sa mga mata mo, puro nakaraan ko ang nakikita ko. Paano ako makakausad kung nariyan ka at nagpapaalala sa mga masasakit na nangyari sa nakaraan ko?" Hirap na ako sa pananalita dahil na rin sa tindi ng pag-luha.

"Mahal kita, mahal na mahal kita." Tanging sabi nito.

"Mahal mo 'ko? Mahal mo ako pero natitiis mo ako. Mahal mo ako pero pinapabayaan mo ako. Mahal mo ako pero inaabuso mo ako. Mahal mo ako pero hindi mo ako pinapaniwalaan. Ganyan ba ang meaning ng pagmamahal para sayo? Kung ganyan din naman, please lang huwag mo na akong mahalin. Dahil...... Dahil sobrang sakit mong magmahal." Basag na basag na 'yung boses kong sagot dito.

"Aestherielle please. Ano pa ba ang dapat kong gawin? Tell me." Pinahiran nya ang mga luha nya gamit ang likod ng palad nya.


Umiling naman ako dito. "You left when I needed you most." Tanging sagot ko dito.

You're so selfish! You know?!" Nag-taas na sya ng boses.

"Selfish? Ako?" I laughed sarcastically. "Siguro nga selfish ako. Siguro nga mas inuuna ko pa ang sarili ko kaysa sa ibang tao. Siguro nga." Nakatungo kong sabi dahil ayokong makita nya na sobrang nasasktan na ako.


"Yeah, you're so selfish" gigil na sabi nito.


"Pero sana, hayaan nyo muna ako maging selfish. Hayaan nyo muna ako puunin ulit ang sarili ko dahil paubos na din ako. Hayaan nyo munang buuin ang sarili ko para may madurog ulit kayo. Please. Just for once, hayaan nyo munang piliin ang sarili ko." Tiningnan ko sya sa mata nya at nakikita ko ding nasasaktan na sya.


UNCONDITIONAL LOVE Where stories live. Discover now