Chapter Fourty-two

57 9 0
                                    

Aestherielle's POV

"P-pero Ari. Maniwala ka sa akin, hindi ako ang nagsabi sa kanya." Pag-tanggi ko.

"Tama na please! Tumahimik ka na! Ayokong marinig lahat ng sasabihin mo Aestherielle!" Pinag-diinan nya ang huling salita.

Aestherielle...

Aestherielle...

Aestherielle...

Masakit. Sobrang sakit.

Bakit ka nagkaganyan Ari? Akala ko ba ayos na tayo? Akala ko ba, lagi kitang kakampi?

Akala ko lang pala lahat.

Umalis na ito at pumunta sa kwarto nya. Ako? Naiwan akong natutuliro dahil sa nangyayari.

Panibagong sakit.

Panibagong problema.

Pero sa pagkakataon na ito, wala akong kakampi kundi ang sarili ko.

Hindi ko na alam, kung saan ko ilulugar ang sarili ko.

Nabalik lamang ako sa reyalidad ng may yumakap sa akin.

"Shh 'wag ka na umiyak, Geofree. Okay na lahat." Sabi ko dito.

Sana nga, okay nalang ang lahat.

"Inaaway ka nanaman nila Ate Ae-ae! Mga bad sila! Bad!" Lumuluhang sigaw nito.

Katorse anyos palang si Geofree, pero may hinanakit na sya sa mga taong nakapaligid sa kanya.

Inihatid ko na muna sya sa kwarto nya.

Gusto ko na muna mapag-isa.

Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa makaidlip na ako.

Gabing gabi na nang magising ako. Binuksan ko nalang ang bintana. Mula dito ay tanaw na tanaw ko ang bilog na bilog na buwan. Kay-gandang pagmasdan.

Pa, eto nanaman ako. Nagiisa, walang kasama at walang kakampi. Akala ko magiging okay na kami ni Ari, lalo na't magkaka-anak na sya. Akala ko Pa, may magiging kakampi na ako sa lahat lahat. Pero lahat ng iyon ay akala ko lang.

Sobrang sakit Pa, hindi ko na talaga kakayanin kapag may isasakit pa. Bakit ko ba talaga nararanasan ang lahat ng ito? Hindi ko alam, naging mabait naman ako Pa, at alam mo yan. Lahat naman natitiis ko, lahat naman tinatanggap ko. Pero bakit ganito pa rin? Bakit sakit parin nararamdaman ko? Bakit??

Tila parang baliw na kinakausap ko ang mga ulap.

Pa, sana nandito ka nalang.

Lahat nalang kinuha sa akin.

Una si Kenzo.

UNCONDITIONAL LOVE Where stories live. Discover now