Prologue

129 8 11
                                    

00

"Azh! We missed you," salubong sa akin ni Mitch pagkababa pa lang ng eroplano.

Pinaghandaan ko talaga ang araw ng pagbabalik nila. Kinailangan ko pang lumiban ng klase para sa araw na ito. Ang araw ng pagdating nila pagkatapos ng tatlong magkakasunod na taong pag-aral nila sa Korea bilang exchange student.

Humiwalay siya at niyakap rin ang kaibigan naming si Shy na nasa gilid ko.

Tumayo naman si Ice sa harapan ko. Nasa likod niya ang isa pa naming kaibigan na si Kitt. May dala itong dalawang maleta sa magkabilang kamay at isang backpack.

Naagaw ni Ice ang atensiyon ko ng tumikhim siya.

I smiled at him and opened my arms wide, welcoming him with an embrace. Lumapit siya sa'kin at yumakap.

"I missed you," madamdamin kong sabi.

Hindi siya umimik at pagkatapos ng ilang sandali ay kumalas sa yakap.

Nakataas ang kilay niya at tumatakas ang isang ngiti mula sa kaniyang labi.

He looked so amused and at the same time doubtful.

Irap ang isinukli ko sa kanya kaya tumawa siya at inakbayan ako.

Binalingan ko ang mga kaibigan namin kasama si Kitt na kanina ay nasa likod.

Nagkukuwentuhan silang tatlo ngunit hindi pa rin nakatakas sa paningin ko ang sulyap ni Mitch na may kasamang makahulugang ngiti.

Pagkatapos ng ilang sandaling kamustahan ay nagdesisyon na kaming umalis.

Papunta na kami ng van na susundo sa amin. Nagkukuwentuhan pa rin sila at nakaakbay pa rin ang braso ni Ice sa'kin.

Paminsan-minsan ay sumasali siya sa usapin per kalaunan ay tumahimik lang.

I was too preoccupied with their conversation when suddenly my phone vibrated on my pocket.

Thinking it was an emergency, tumigil ako sa paglalakad. Kinuha ko ito at binasa.

Just because it happened in the past, doesn't mean it didn't happen.

I didn't understand the context of the text kaya tiningnan ko kung sino ang nag-text.

My eyes widened. Ang kaninang nakangiting mga labi ko ay napalitan ng takot nang mabasa kung kanino galing ang mensahe.

Accidentally, the phone slipped in my hand. Naglikha ito ng malakas na tunog dahilan para ma-divert ang atensiyon nila sa akin.

I didn't mind them, though.

My mind was travelling from the events that happened in the past. The worst events happened in my life. The one that I want to erase and never remember at all.

And only one person crossed in  my mind.

Cash.

"Cash!!!" I screamed at the top of my lungs as I hurriedly run out to the car and watch the falling of his car in the cliff.

"No! Cash!!!" Tears streamed down my face as I shouted those words.

Isinigaw ko ang mga salitang iyon sa pag-asang mapipigilan ng mga ito ang pagbagsak.

I felt weak as I watch the car burned up.

Lalapit pa sana ako sa dulo nang may humawak sa bewang ko at hinablot ako.

Tiningnan ko kung sino yun at nakita si Ice. His eyes were pooled of tears at basa na rin ang mukha niya dahil sa mga ito.

Umiling siya sa akin. Iyon ang hudyat ko na tumigil na. Then I cried again like a baby as he filled me with his warm embrace.

What Lies In You (Friendship Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon