Chapter 5

10 6 2
                                    

05

"Nakakainis!" padabog na isinarado ni Shy ang libro.

"Shhh!" suway ng mga taong nagbabasa sa library.

Inirapan niya sila at ngumuso.

"Kung nakinig ka lang kasi sa akin, hindi Sana makukuha Ang cellphone," pangangaral ko sa kanya.

Umirap siya ulit.

Pagkatapos niyang makaalis sa teacher's office ay wala na sa kanya ang cellphone niya. Kinuha ito ng teacher namin. Kaya heto siya, naghihimutok sa inis. Kulang na lang ay magmura siya, pero mabuti naman at hindi niya ginawa.

Nakakainis lang na kapag ilalapag ko ang libro dahil ina-absorb ko ang binasa ko ay madadatnan ko ang nakanguso niyang ekspresyon.

"Tumigil ka na nga diyan."

Hindi ko na malaman kung ilang beses ng siyang umirap sa araw na ito. Sana naman ay hindi masira ang mga mata niya sa kakairap.

Sinubukan kong mag-concentrate ulit sa pagbabasa pero itinigil ko itong muli ng marinig ang mga daing niya.

"Fine. Ako na ang kukuha sa office," sinabi ko.

Her face lighten. Ang kaninang nakasimangot na mukha ay napalitan na saya. There. Mabuti na 'yan kaysa 'yong mukha niya kanina.

Pumunta sila sa cafeteria para kumain ng lunch. Ako namay ay binabaybay ang daan patungo sa teacher's office para kunin ang cellphone ni Shy.

Kaunti lamang ang mga taong napapadaan sa corridor dahil lunch hour nga.

Huminto ako sa tapat ng office. Tiningnan ko ang loob nito at laking pasasalamat ko na wala ni isang tao. Safe.

Dahan-dahan kong pinihit ang door knob para makapasok. Nakita ko ang bag ng teacher namin sa dulo kaya lumapit ako doon.

Hinalughog ko ang mga drawers. Nahirapan pa ako sa pagpili sa napakaraming cellphone dahil nakalimutan ko ang case nito. Nakita ko ang keychain na paborito ni Shy at napagtantong ito nga ang cellphone niya.

I opened the lockscreen to checked it. Bumungad sa akin ang mukha ni Shy. Sa kanya nga ito.

Dahan-dahan kong isinara ang door knob. Pagpihit ko sa likod ay nagulat ako dahil nakatayo roon si Chellzie at may bibit na mga notebook.

Tumayo ako ng maayos. Mabuti na lang at naitago ko sa bulsa ng palda ko ang cellphone ni Shy.

Tinignan niya lang ako saglit bago pumasok sa loob ng katabing classroom. Ako naman ay nagtungo na rin sa cafeteria.

Shy's exaggerated shrieks filled my ears as she hugged me tight.

"Thanks, Azh!"

"H'wag mo nang gagamitin 'yan kapag nasa klase, ah. Hindi ko na ulit 'yan kukunin."

"Oo ba! Pero thanks, Azh. Hindi ko alam kong mabubuhay ako ng wala ang cellphone."

Ang OA naman nito.

After lunch ay dumiretso na kami sa room namin.

Nag-iwan lamang ng sasagutan ang teacher namin sa huling subject. Kapag napasa namin ito ay maaari na kaming umuwi.

"Pagpahingahin mo naman ang brain cells mo, sis. Masyadong hardworking. Awat din sa pagrereview," suway sa akin ni Mitch.

Tambay siya ngayon sa classroom namin dahil uwian na sila. Magsasabay kami palabas kaya naghintay na lang siya.

Tapos na ako sa pinasagutan kaya Kinuha ko ulit ang reviewers ko.

Ngumiwi lamang ako kay Mitch at nagpatuloy sa pagbabasa.

What Lies In You (Friendship Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon