Chapter 7: Unexpected Meet-up

6 3 0
                                    

MELVIN'S POV

Ang tagal kasi mag-online ni Nadja, so I decided to go outside muna. Oo, first time ko sa Manila pero gusto kong mag-mall. Susubukan kong mamili ng mga makakain namin ng hindi ako nagpapasama kila mom and dad. So dahil bored, (ang tagal kasi eh hayss) nagmamadali ako magbihis habang tulog pa sila.

Bababa na sana ako ng makita ko si Yaya Rose. Gising na pala ito. Nasa kusina na siya, hindi tuloy ako makababa dahil baka makita niya ako. Kasi eh, si Yaya Rose, pag tatakas ako, kahit tulog pa sila mom at dad ginigising niya para lang isumbong ako ahaha.

Gusto ko sana makipagpatintero sa yaya ko haha, para lang makatakas, pero ayoko ng gawib yun. Ayokong mapagod siya eh. Kaya hahanap nalang ako ng tiyempo para mabuksan ko ang pinto.

Ang tagal niya sa kusina, ewan ko ba kung anong ginagawa niya doon. Inantay ko lang siya bahala na kung matagalan. Tapos nun, pumunta siya sa kwarto nilang dalawa ni Yaya Mich. Mabilis akong bumaba sa hagdanan, pero dahan-dahan lang. Pero kung minamalas ka nga naman, nahulog yung plastic bottles kasi nasagi ko dahil sa kakamadali ko. Ayun, narinig ni Yaya Rose kaya dali-dali itong lumabas sa kwarto nila. Buti at wala pa ring nagigising.

"Ops Melvin, saan ka na naman pupunta iho? Tulog pa sila sir at mam lalabas ka!" ang sabi ni Yaya Rose.

Medyo malakas yung boses niya so pina-silent ko siya.

"Sshhh yaya, please, minimize your voice okey! Payagan muna akong lumabas. Promise, I want to go to the mall lang wala ng iba," pakiusap ko.

"Pero Melvin, magagalit sina sir at mam, pati ako, madadamay," sagot ni Yaya Rose na may pag-aalinlangan.

Feel ko nasa gitna na si Yaya Rose, it's either papayagan na niya ako o hindi. So nag-isip ako ng isasagot sa kanya, yung makukumbinsi ko siya para makalabas ako.

"Ako na ang bahala sa kanila," iyon ang sinabi ko at nginitian ko siya.

"O siya sige. Basta umuwi ka agad ah. Mag-iingat ka. Nasa Manila tayo," sagot ni Yaya sabay yapos sa ulo ko.

Sa wakas, napapayag ko si Yaya, at nakalabas na rin ako. Dali-dali kong kinuha yung bike ko para makaalis na ako agad.

Medyo malayo-layo yung mall sa bahay namin pero sulit naman. Narating ko siya. Napaaga ata yung punta ko doon kasi sarado pa ang mall. So naghintay ako sa gilid. Ipinark at kinadenahan ko muna yung bike ko sa railings at umupo muna saglit.

Maya-maya ay nakatawag pansin sa akin ang isang babae na tila ba ay nakikipag-agawan ng bag sa isang lalaki. Tumayo ako kaagad at tinakbo ko kung ano ba ang nangyayari sa dalawa.

"Kuya, bakit niyo po kinukuha yung bag ng babae? Sayo ba yan?" tanong ko.

"'Hoy bata, pwede ba, 'wag kang makialam. Bag ko yung hawak niya, kaya kukunin ko na sa kanya," ang maangas na sagot ng lalaki.

"Kuya huwag kang maniwala. Bag ko 'to. Nanakawin niya yung bag ko kuya kaya tulungan mo'ko," pakiusap ng babae na nakikipag-agawan pa rin ng bag sa lalaki.

Maya-maya ay may napadaang mall guard malapit sa amin. Tiyempong may dala itong megaphone, may naisip na akong paraan. Hindi ki na aware kung gagawa man ako ng ikapagpapabida ko sa ibang tao pero kailangan kong gawin 'to para makuha ni ate 'yung bag niya. So pinuntahan ko si kuyang guard at hinablot sa kanya yung megaphone.

"Kuyang guard, nakikita niyo ba yung lalaking may hawak na bag sa babae? Pinipilit niyang kunin yung bag nung babae oh. Dahil sa hindi ko po kaya si kuya, please, help me to fight him. Hindi naman po sa kanya yung bag sa babae po," pakiusap ko sa mga taong nag-aantay doon sa mall. Agad naman nilang tinugon yung pakiusap ko at nilapitan agad nila yung lalaki.

Hindi na nakapalag si kuya at nagmamadaling umalis. Haha nanggigil siguro sa akin. Nagulat ako ng biglang pumalakpak yung babaeng natulungan ko tapos nagsipalakpakan na rin silang lahat. Sa kaloob-looban ko, superhero na ako ng babae haha. Pero hindi ako nagmayabang. Nginitian ko lang sila at bumalik na sa kinauupuan ko. Habang umuupo ako, maya-maya ay tinabihan ako ng isang babae, alam kong babae siya kahit nakayuko ako kasi ang haba ng buhok niya. Siya pa yung nagfirst move para makausap ako.

MYSTERY GIRL'S POV

Hindi ko inaasahan na makikita ko si Melvin sa mall. At hindi niya pa ako kilala kahit pala noon kaya nalungkot ako. Oo, ako yung babaeng tinulungan niya doon sa lalaking hahablot sana sa bag ko. Feel ko is knight and shining armor ko siya nung mga oras na nagme-megaphone na siya. Kinilig ako sa ginawa niya dahil akala ko ay dededmahin niya lang ako dun sa lalaki, pero syempre, yung kilig na yun ay hindi pinahalata.

MELVIN'S POV

"Hi," sabi nung babae sa'kin.

"Hello," I replied.

"Salamat kanina ah," sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.

"Ahh. Ikaw yung kanina. Wala yun. Sa susunod ingatan mo na yang bag mo," sabi ko sa babae.

Maya-maya ay in-introduce niya yung sarili niya sa akin, kahit hindi naman ako nagtananong.

"Ako nga pala si Camille, schoolmate mo dati," sabi nito.

"Weh, schoolmate tayo dati? Hindi kita nakikita sa campus eh sorry hehe," saad ko. Tumawa nalang siya. At doon ay nilibre niya ako ng milktea nung nagbukas na ang mall. At doon kami nagkakilala ni Camille.

(Ang Mystery Girl ay si Camille)

To be continued...

Because of You, I Am Happy!
©All Rights Reserved
2020


Because of You, I Am Happy! ✅Where stories live. Discover now