Chapter 26: Give-up

3 0 0
                                    

Sobrang saya ng lahat dahil nga ito na ang kanilang araw na kanilang pinakahihintay, ang araw ng Valentine Singing Contest 2020. Nagpasya ang mga committee na hindi na muna ipaalam ang pagkaka-postponed ng competiton, nang sa gayon ay hindi sila mawalan ng ganang mapanood ang important announcement.

Naghahanda na rin si Nadja. Binili pa ni Elisse sa mall ang dress na susuotin nito mamaya. Kulay asul na may mga bulaklaking tahi ang dress ni Nadja, napakaganda niya sa kasuotang iyon lalo na kung may make-up na ito sa kanyang mukha.

Maaga ring pumunta si Melvin sa bahay nina Elisse. Kasama niya si Eric na pumunta sa bahay. Mababakas mo sa mukha ni Eric ang saya nito, malayo sa nakaraang Eric na hindi man lang nagagawang makangiti.

"Oh andito na pala kayo Eric at Melvin. Kinakabahan ako mamaya."

"Nadja, pwede ba, wag ka nang kakabahan oki. Kung nakaya mong makapasok sa audition ay makakaya mo ring manalo sa mismong competition," sabi ni Eric sabay tapik sa balikat ni Nadja.

"Oo nga naman. Tama si Eric. Kaya wag ka ng kakaba-kaba jan," dagdag ni Melvin.

"Oh dali na. Baka magsisimula na ang competition," ang sabi ni Elisse sabay kuha sa kanyang dadalhing bag.

"Elisse, pwedeng ako na lang ang magdadala sa bag mo mamaya?" ang sabi ni Eric na ikinagulat ni Elisse.

"Oh sure, salamat Eric ah. Ingat ka, medyo mabigat yan," ang paalala ni Elisse.

Napansin ng dalawa ang pag-uusap nina Eric at Elisse.

"Ehem ehem, what is the meaning of that.." kunwaring hindi natuloy na sabi ni Nadja.

"Bunso magtigil! Wala lang yan diba Eric?"

"Maybe?" sagot nito sabay tawanan ng apat.

"Oh kayong dalawa, maiwan muna namin kayo jan at magbibihis na si Nadja. Wait lang ah," ang sabi ni Elisse at umakyat ns sila Nadja sa itaas.

Dahil sa naiwan ang dalawa sa ibaba ay wala silang nagawa kundi nag-usap na lang sila.

"Espren, sorry ah."

"Eric? Sorry saan?"

"Sorry sa mga nagawa ko sayo. Sa inyo ni Nadja."

"Anong pinagsasabi mo?"

"Melvin, nung andun pa ako sa probinsya, magkasama kami ni Nadja nun sa workshop."

"Oh, ano naman ngayon Eric? May mali ba dun?"

"Sinikreto ko kasi. Pati yung hidden feelings ko kay Nadja."

"So gusto mo rin si Nadja?"

"Yes espren. Honestly, I admit na nung mga nakaraang araw na magkakasama tayo, naiinggit ako na laging kayo ang magkasama ni Nadja. Naiinis ako. Pero nung iniwan ko kayo sa fastfood chain, nung nakarating na ako sa condo ko, I realized na our friendship is more important than Nadja. Kaya kung may nararamdaman man ako kay Nadja noon, pipilitin kong mawala yun. Saka kung gusto mo si Nadja, susuportahan kita, kayong dalawa," ang sabi ni Eric sabay tapik sa balikat ni Melvin.

"Espren. Ok lang naman na magkagusto ka sa kanya eh. Pero thank you, at hindi mo siya inagaw sa akin ah."

At nagyakapan nga ang dalawa. Sa wakas, naisipan na rin ni Eric na mas mahalaga pa rin ang pagkakaibigan nila ni Melvin kesa kay Nadja.

~

Hindi alam ni Camille ang gagawin niya noong malaman niyang mapo-postponed ang competiton, mapo-postponed din kasi ang plano niya. Kaya agad niyang tinawagan si Eric, naisip niya na ngayon na niya mapapakinabangan ito.

Because of You, I Am Happy! ✅Where stories live. Discover now