Chapter 21: Iisang Mundo

2 0 0
                                    

Habang nagyayakapan ang tatlo, nakamasid naman si Eric kay Camille, na nagggagalaiti sa galit. Sinenyasan niya ito, gusto niyang makausap si Camille nang hindi alam ni Melvin.

Iniwan niya muna ang tatlo, at pinuntahan si Camille sa canteen. Kinausap siya agad ni Camille, na para bang lalong iniinis nito si Eric.

"Eric, masaya ka pa ba sa ganyan? Yung kaibigan muna ang nakakalamang sa Nadja mo oh, papayag ka ba dun?"

"Ano ba ang pinagsasabi mo Camille?" ang sagot ko rito, sabay tingin sa tatlo, na masayang nag-uusap.

"Nasi-sense kong may feelings ka sa Nadja na yan Eric, kaya wag ako pwede ba!"

"Ano naman sayo kung may feelings ako sa kanya? Concerned ka ba?"

"Oo, concerned na concerned. Kung kaya gusto mo, tulungan kitang mapalapit ka pa lalo kay Nadja?"

"Ba't mo naman gagawin para sa akin yun?  Totoo na ba yung naiisip ko nung unang kita pa lang natin sa mall? Na crush mo si Melvin?"

"Oo! Matagal ko ng crush si Melvin. Simula pa nung andun pa tayo sa probinsya crush ko na siya. Kahit na alam kong laging umaaligid sa kanya si Nadja. Ewan ko ba kung ano ang meron sa babaeng 'yan. Kung bakit siya ang naging closefriend ng gusto ko."

"Sabi ko na nga ba eh. Bakit hindi mo man lang subukan kasing magpakita kay Melvin noon, edi sana kayo ang naging closefriend," sabi ko sabay tinawanan siya.

"Do you accept my offer?" tanong ni Camille, sabay iaabot ang kanyang kamay kay Eric, tanda ng pagsang-ayon sa isang kasunduan.

Nagdalawang-isip si Eric na makipagkamay kay Camille, pero naisip niya rin yung sitwasyon niya dati. Ang lagi lang siyang nasa sulok, habang pinagmamasdan sila Melvin at Nadja na masaya, maski sa pictures, masaya ang dalawa. Ang mga bagay na iyon ang tumulak kay Eric para pumayag sa isang kasunduan.

"Good. Kaya starting today, lagi na tayong magkikita ng hindi alam ng tatlo okey!" paanyaya ni Camille. Umalis naman na ito sa kinauupuan niyang bench na ngumingiti.

"Sa wakas, napapayag ko na rin si Eric sa mga plano ko," ang tugon ni Camille sa kanyang isipan habang naglalakad.

Nadaanan naman niya ang tatlo, at pasimpleng inirapan sina Nadja at Elisse.

"Lalo niyo talaga akong ginigipit, kayong dalawa. Sige lang, ngayong nasa iisang mundo na tayo, hindi ako papayag na maging masaya kayong mga epal sa buhay namin ni Melvin, mga epaaall!" ang naiinis na tugon ni Camille sa kanyang isipan.

NADJA'S POV

First time ko lang noon sa campus, kaya sumama ako kina Melvin at ate Elisse. Talaga ngang napakabait ni ate Elisse sa amin ni Melvin, sagot niya pa ang kakainin namin sa canteen.

"Ate, salamat uli ah. Kung pwede lang sana rumaket para hindi naman nakakahiya sayo," ang nahihiyang sabi ko sa kanya sabay hawak ko sa mga kamay ni ate Elisse.

"Nga pala Nadja, nabalitaan kong marunong ka palang kumanta. Baka pwede kitang i-recommend sa kaibigan ko," ang sagot naman ni Elisse, at nginitian si Nadja.

Umiling-iling naman ako, hindi ko ata kayang makipagsapalaran gamit ang aking talento.

"Ate, hindi ko ata kaya eh. Di'ba Melvin?" ang sabi nito, sabay tango ko kay Melvin.

"Hahaha, wag ka maniniwala jan Elisse. Kayang-kaya ni Nadja yan," sagot ni Melvin sabay kindat sa akin na ikinainis nito.

"Melvin!" nagtatampong tugon ni ko kay Melvin sabay irap sa kanya.

Nakita ko naman na nginitian lang kami ni ate Elisse nun.
"Napakasaya talagang kasama nila," sabi niya.
"Kaya dahil jan, irerekomenda pa rin kita Nadja ah, wag kang mag-alala, andito lang kami ni Melvin para suportahan ka," dagdag nito.

"Nga pala, ano ba ang meron sa inyo ni Melvin ate Elisse, magkakilala pala kayo!"

"Yes Nadja, I am his ex-girlfriend," sabi ni ate sabay ngiti kay sa akin.

"Tama siya Nadja, pero we're friends na lang ngayon Elisse right?"

"Oo naman Melvin. At masaya ako na natutulungan ko ang bestfriend mo."

"Salamat talaga Elisse. Akala ko may masama kang gagawin sa kaibigan ko eh. Dahil jan, one group hug tayong tatlo."

At nagyakapan nga ang tatlo.

Medyo nakakapanibago, kasama pala ng bestfriend ko ang ex niya. Ang galing-galing kasi nagkaroon si Melvin ng isang napakabait na ex. Ikinuwento na rin sa akin ni ate Elisse na bumabawi ito sa akin dahil sa ginawa niya noon kay Melvin. Masaya pa rin ako dahil sa ginawa niyang pagtulong sa akin.

Pagkatapos naming kumain ay binigyan pa ako ni ate ng pera para makabili ako sa oras ng recess ng senior high. Nagbilin din siya na magkita kaming tatlo ni Melvin sa canteen. Isasabay niya si Melvin at Eric sa kotse niya.

ERIC'S POV

Dahil na rin siguro sa gusto ko pang mapalapit kay Nadja kaya napapayag ako ni Camille sa alok nito. Pagkatapos ay pumunta na ako sa classroom, nakaupo. Hindi ko na namalayan na nakaupo na pala si Melvin sa upuan niya. Andun na rin si Elisse pati si Camille.

Nakipag-usap sa akin si Chris pero dinedma ko nung una.

"...Chris, sasama ka ba?"

Ayun lang ang narinig ko kay Melvin noon.

"Saan?"

"Sabay ka sa'min sa kotse nila Elisse mamaya. Kung gusto mong sumabay," saad ni Melvin.

"Sige ba. Basta tawagin mo lang ako mamaya ah kung aalis na tayo," ang sabi ko. Tumango na lamang siya at pagkatapos nun ay iniyuko ko na ang ulo ko. Gulong-gulo pa kasi ang nasa isipan ko.

To be continued...

Because of You, I Am Happy!
©All Rights Reserved
2020

Because of You, I Am Happy! ✅Where stories live. Discover now