Chapter 5

284 58 24
                                    

Note: This is the last chapter available here on Wattpad, but you can read the whole chapter on the DREAME app. 

***

Napasimangot ako nang makitang sobrang halata ang eyebags ko. Ang tagal kasi bago ko nakuha ang tulog ko kagabi. Kakaisip tungkol sa lalaking kamukha ni Grant.

I even called Mama Cynthia just to asked if Grant had a deceased older brother. Kahit alam kong only child siya. I still checked.

Tinawanan pa ako ni Mama Cynthia at agad pinabulaan ito.

So, sino talaga ang lalaking iyon?

Oo, alam ko ring may posibilidad na may kamukha ang ibang tao. May article na akong nabasa tungkol dito.

Na pwedeng ang isang tao ay magkaroon ng pitong kamukha sa mundo. Ngunit sobrang rare naman kung kamukhang-kamukha talaga.

Sa pagkakaalala ko. Only one in 1 trillion ito mangyari.

Napahawak ako sa ulo ko nang muntik na akong mawalan ng balanse. Ganito ako tuwing kulang sa tulog. Nahihilo ako.

Tinawagan ko naman na si Christine kanina at sinabing hindi muna ako papasok dahil masama ang pakiramdam ko.

I don't really have the guts to go to work. Ngayon lang ako hindi pumasok sa birthday ko.

I used to overworked the past years. That, I don't even remember my birthday.

Bumalik ako sa kama ko at humiga ulit. Facing again the ceiling. Kung saan kitang-kita ko ang kanyang mukha, kinuha ko ang lumang litrato at pinagkumpara.

Kahit ang paraan nang pagtaas ng sulok ng labi niya ay parehong-pareho kay Grant. Ganoon din ang nakatutunaw nitong mga mata kung tumitig.

Sa paraan nang pagkakatingin niya sa babaeng katabi niya. I can easily conclude that he is attracted to her.

Nakaramdam ako ng sandaling pagkirot sa puso ko sa naisip. I can't believe myself even become possessive over someone who just looked like Grant.

And that is wrong.

Napabuntong-hininga ako at umiling. Sobrang mali, hindi ko dapat ito iniisip. "Hindi ito si Grant, ibang tao ito," paulit-ulit kong usal.

Ano bang koneksyon ko sa mga bagay na laman ng kahon? Bakit sa lahat ng tao sa akin pa ito ipinadala?

Kinuha ko ang lumang notebook at muling naghanap ng mga sulat na nakapaloob dito. Palipat-lipat lang ako ng pahina hanggang sa makita ko ang napakagandang drawing.

Drawing ng isang nakaunipormeng babaeng may mahabang buhok at nakatirintas. Nakaside view lamang ito at nakalahad ang kamay sa likuran na tila may inaaya habang nakasakay sa bisikleta.

May nakasulat sa ibaba ng drawing na made by: YBC.

Binasa ko ang nakasulat.

"I want to see you. I just wanna see you. In the past and in the future, I just want to see you, my sunshine. Only you, my heart beats."

Ngayon ko napagtanto na maaring lalaki ang nagsusulat dito. Pangit kasi ng pagkasulat, parang kinalahig ng manok.

Natawa ako sa naiisip nagawa ko pang mamintas. Ngunit sa bagay, maganda naman ang kahulugan ng mga nakasulat. Tila ipinaparating ng nagsulat nito ang pagmamahal niya at pagnanais makita ang babaeng iginuhit niya.

And it is so romantic.

Kahit sinong babaeng makabasa nito kikiligin.

Nilipat ko ulit ang pahina, may ilang parte rin na maraming sinadyang punitin.

The Thorns of 2005 حيث تعيش القصص. اكتشف الآن