Chapter 5 - His Comfort

213 17 216
                                    

[Chapter 5]

Hindi masabi ang nararamdaman
Hindi makalapit, sadyang nanginginig na lang
Mga kamay na sabik sa piling mo
Ang iyong matang walang mintis
Sa pagtigil ng aking mundo


Natulala ako ng may asul na panyong tumambad sa harapan ko. Nang iangat ko ang tingin ko nakita ko ang seryosong mukha ni Justine na nakatitig sa akin.

"Kunin mo na ang pangit mong umiyak," saad niya.

Kinuha ko ang panyong binigay at pinahid ang luha ko. Umupo siya sa tabi ngunit may kaunti pa ring distansiya sa pagitan naming dalawa.

"Umiyak ka lang. Isipin mo na lang na wala ako rito," saad niya nang hindi luminlingon sa'kin.

Dahil sa sinabi niya akala ko'y nabuhos ko na ang lahat ng luha ko kanina ngunit hindi pa pala.

Muling kumawala ang mga taksil kong luha. Ibinaon ko ang mukha ko sa pagitan ng mga tuhod ko ang hinayaan ang sarili kong umiyak ng umiyak.

Akala ko kasi manhid na ako. Akala ko kasi sanay na ako. Akala ko kapag paulit-ulit ko nang nararanasan 'yon masasanay na ako at hindi na muling masasaktan kapag naulit.

Pero hindi eh, sa tuwing nangyayari ang ganon sa pagitan namin ni mama mas lalong sumasakit.

Kailanman ay hindi na naghilom ang mga sugat sa puso ko dahil muli itong susugutan ng mas malalim pa sa nauna.

Naramdaman ko ang mahinang pagtapik sa likod ko. Hindi na ako nag-abala pang lingunin siya dahil alam ko namang si Justine iyon.

Nang mahimasmasan ako saka ko lang napagtanto na nakakahiya pala ang ginawa ko.

Buong buhay ko ngayon lang ako umiyak sa iba. Ni minsan hindi ko sinabi sa iba ang problema ko. Palagi kong sinasarili. Palagi akong umiiyak ng mag-isa.

Nag-angat ako ng tingin at muli kong pinunasan ang mga luha ko.

"S-salamat. Pasensiya na rin sa abala," wika ko at ngumiti ng bahagya.

Tumango lang siya at pinagpagan ang short niya.

"Hindi ka pa ba babalik?" Tanong niya sa akin.

"Mamaya na lang siguro. Baka mahalata nila Sheia na umiyak ako," paliwanag ko.

Tumango lang siya at iniwan na ako.

Napangiti na lang ako. Kahit medyo cold ang lalaki to nagpapasalamat ako na sinamahan niya ako.

I never find peace and comfort mula sa iba. Ganito pala ang pakiramdam na kahit hindi mo nalabas ang mga gusto mong sabihin, sapat na yong alam mong may taong handa kang damayan.

I watch how the sun bids it's goodbye. I smile totally fascinated by it's beauty. Boracay and it's famous sunset.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Begin Again (COMPLETED)Where stories live. Discover now