Chapter 9 - Confession

221 16 108
                                    

[Chapter 9]

'Pag nilahad ang damdamin
Sana 'di magbago ang pagtingin
Aminin ang mga lihim
Sana 'di magbago ang pagtingin


Matapos ang limang araw nakalabas na rin ang kapatid ko sa hospital. Alagang-alaga siya ni mama at halos hindi ito umalis sa tabi niya mula nang isugod siya sa hospital. Panatag naman ang loob ko dahil alam kong hindi pababayaan ni mama si Nicole.

Samantalang kailangan kong magdoble kayod dahil halos maubos rin ang ipon ko at malapit na rin ang buwanang pagbabayad namin ng utang. Hindi ko pa alam kung saan kukuha ng pera dahil ginamit ni mama iyon sa investment na nauwi lang din sa scam. May mga gamot at vitamins pa si Nicole na kailangang inumin.

"Ang lalim ng iniisip mo siszt," saad ni Sheia na ngayon ay nasa harapan ko na.

Sa sobrang lalim ng iniisip ko hindi ko na nmlayang nakapasok na pala siya sa loob ng opisina ko.

"Kanina ka pa?"

"Kaninang-kanina pa. Hindi mo nga namalayang kumatok at pumasok ako rito. You're spacing out. Ano bang iniisip mo? Lalaki?!" Saad nito kasabay ang sunod-sunod na tanong.

Umupo siya sa silyang nasa harap ng lamesa ko at pinagkrus ang binti at kamay nito.

"Anong lalaki ka dyan," I said and rolled my eyes on her. "Nag-iisip lang ako kung saan makakakuha ng pera. Bayaran na naman sa katapusan," paliwanang ko. Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga saka sumandal sa swivel chair.

"Pera ba? I can lend you some money with no interest. Bayaran mo na lang kapag nakaluwag-luwag ka na," suhestiyon niya sa akin habang nakangiti.

"Ano ka ba nakakahiya," pagtanggi ko sa kanya.

"Anong nakakahiya ka dyan, I insist Kate. Besides magkaibigan naman tayo... gusto ko lang talagang makatulong," she said and give me warm smile.

"And I really know you, don't dare to decline. Sino-sino pa bang magtutulungan kung 'di tayo rin lang di ba?" Dagdag niya pa.

I signed and nod three times as signed of defeat.

Sa tuwing may problema ako Sheia never fails to help me. Sobrang dami niya nang naitulong sa akin simula ng magkakilala kami.

"Anong bang ginawa ko sayo para maging ganyan ka kabait sa akin? Lagi mo na lang akong tinutulungan sa tuwing may problema ako."

She just shrugged. "Isang napakangandang anghel na may sobrang gwapong boyfriend ang pinababa sa lupa para tulungan ka," saad niya at tumawa. Natawa na lang din ako sa sinabi niya.



Pauwi na ako galing sa botika dahil bumili pa ako ng karagdagang gamot ng kapatid ko nang mapansin kong maraming taong nagkakagulo sa parking lot ng isang mall.

May naka set up na malaking stage rito. May iba't ibang kulay rin ng ilaw na nagkalat sa paligid para makadagdag sa magandang ambiance ng paligid.

Halos manlaki ang mata ko ng marinig ko ang sinabi ng host.

"Please welcome Ben&Ben," naghiyawan ang lahat ng tao sa paligid.

Namalayan ko na lang ang sarili kong naglalakad papunta roon ng may malaking ngiti sa labi. Kahit maraming tao ay pinilit kong makipagsiksikan sa mga tao para makapunta sa unahan at mas makita sa malapitan ang isa sa mga paborito kong banda.

First time kong makitang magperform ng live ang Ben&Ben. Hindi ko mapigilan ang sarili kong mapangiti sa sobrang saya ng makarating ako sa unahan. Ang tagal kong inasam na makapunta sa event o mga gig nila at hindi ko inaasahan na mangyayari ito ngayon.

Begin Again (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon