Chapter 12 - The Party

180 14 122
                                    

[Chapter 12]

Ikaw lang ang nagpatibok
Muli ng puso kong ito
Akala ko di na magbabalik
Sa piling mo'y walang kibo
Ngiti'y di maalis
Sana'y ito na ang
Tanging pag-ibig at wala nang papalit

In my entire life I've never been too excited to attend a party. Para sa isang tulad ko bakit ko nga naman sasayangin ang oras ko sa mga ganito kung mas mahalaga ang kumayod at makapag-ipon ng pera.

But this year.. this is an exception. May isang taong nagpabukod tangi sa taong ito. Isang tao na naging dahilan kung bakit masaya akong dadalo sa kasiyahang ito.

May parte sa puso ko na humihiling na sana kasama ko pa rin siya sa mga susunod pang taon para dumalo sa mga ganitong pagtitipon.

Huminga ako ng malalim ng makapasok kami sa loob ng isang 5 star hotel. Dito ginananap ang Party.

Humiwalay sa akin si Sheia at sinabing makikipag-usap muna ito sa iba pa naming katrabaho. Hindi namin kasama si Kayden dahil naman siya rito nagtatrabaho.

Nilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng venue. Hinahanap ng mata ko ang iisang tao kanina ko pa hinihintay na makita.

My lips automatically smiled when my eyes landed on him. Justine on his blue suit. I can't help but to stare at him full of admiration.

Kausap niya ang mga kasama niya sa engineering department and when our eyes met, tinitigan niya ako ng matagal bago ito ngumiti. Nagpaalaman siya sa mga kasama niya at naglakad papalapit sa akin.

"Hey gorgeous," nakangiting bati nito sa akin.

"H-hi," nahihiya kong sagot sa kanya.

"You're so beautiful tonight," bulong niya sa akin.

"Tonight lang?!" Eksaherado kong tanong sa kanya.

Mas lalo siyang napangiti. "No, you are always beautiful," sagot niya sa akin na nagpapula sa magkabila kong pisngi.

"Shall we?" Tanong niya sa akin. Isinukbit ko ang kamay ko sa braso niya at sabay kaming naglakad papunta sa mga katrabaho namin.

"Nandito na pala ang lovers," saad ni Jason isa sa mga kasamahan ni Justine.

"Kayo na Ma'am Kate?" Pang-uusisa naman ni Joyce.

"No," agad kong sagot.

"Pero malapit na," sagot naman sa kanila ni Justine na siyang nagpaingay sa mga kasama namin.

Kinurot ko siya sa tagiliran pero imbis na tumigil tumawa lang ito sa akin kaya pinandilatan ko siya ng mata.

"If you will excuse us. Sosolohin ko muna si Kate," sambit ni Justine at saka lumingon sa akin at kininditan ulit ako.

Mas lalo pa nila kaming inasar dahil sa sinabi niya.

"Naku Kate sagutin mo na yan," saad ni Jason.

"Kaya nga Ma'am. Swerte mo kay Engineer Justine," kinikilig na gatong ni Joyce.

"Tigilan mo ako Joyce baka mauna pa kayo ni Jason sa amin," balik ko na nagpatahimik sa kanya.

Pulang-pula na ang pisngi nito at nag-iwas ng tingin sa amin habang pinapaypayan ang sarili gamit ang kanyang kamay. Samantalang nabulunan naman si Jason dahil sa sinabi ko. Ilang beses niyang hininagod ang dibdib niya.

Hinila na ako ni Justine para maupo sa kabilang table at iniwan namin sila, na ngayon ay si Jason at Joyce na ang inaasar.

Nang makaupo kami ay eksakto ring pumunta ang emcee sa gitna para sabihin magsisimula na raw ang maiksing program.

Begin Again (COMPLETED)Where stories live. Discover now