Segment 1

24 5 0
                                    

"Charmaine apo, gising na malelate ka sa school mo ngayon." Mabilis akong napabangon ng tawagin ako ng lola ko. At nakangiting pumunta agad sa kinaroroonan ni lola, at niyakap ito.

"Asus ang apo ko talagang 'to masyadong malambing, o s'ya sige na kumilos ka na at melelate ka talaga."

Ganito lang kami lagi ni lola sa bahay naming katamtaman lang ang laki, dahil kaming dalawa lang naman ang laging nandito.

Ako naman sumasideline lang din sa pagtitinda sa labas ng school ng yema at ibang minatamis.

Yun lang ang kinabubuhay naming dalawa si lola naman wala siyang trabaho, pero umuuwi na lang siya minsan ng may dalang pera ang sabi niya naman galing yon about sa mga certificate niya or what, katulad ng mga SSS.

Nasa early 50's na si lola.

Bata pa lamang ako hindi ko na nakilala ang mga magulang ko, pero sabi ni lola wala na daw ang mga magulang ko, matagal na daw patay.

Hindi naman ako nalulungkot dahil bata pa lang hindi ko na sila nakilala at isa pa kasama ko si lola at masaya ako sa piling niya, minsan lang talaga nakakangulila sa kanila dahil hindi tulad ng iba may magulang.

Mabilis na akong kumilos at nagsuot ng uniporme ko at kinuha ang mga plastic ng Yema sa drawer ko. Ginagawa ko kasi yung mga yema ko tuwing pagkatapos ko umuwi galing sa school.

"Alis na po ako la!" Sigaw ko kay lola ng nasa pintuan na ako.

Mabilis na lumapit sa akin si lola at niyakap ako, na s'yang ikinagulat ko bihira lang kasi ako yakapin ni lola kung papasok dahil babalik rin naman agad ako.

Niyakap ko na lamang pabalik si lola, syempre normal lang yon sa mga matatanda.

"Mag-ingat ka apo ha!" Napangiwi ako ng may kasamang iling ng haplusin ni lola ng dahan-dahan yung buhok ko.

Which she rarely does.

Napatango na lamang ako at binalewala yung ginawa ni lola. Nakangiti na lamang akong pumasok sa paaralan.

Pag pasok ko syempre walang babati sa akin na kahit sino dahil wala naman akong kaibigan dito. May ibang mga nagtatangka pero yung iba naman kung tumingin sa akin ay para bang napaka weird ko dahil wala akong kasama sa tuwing break time, tuwing nagsasaya dapat ang mga estudyante ako lamang ang walang kasama.

Bihira lamang din akong magsalita dahil hindi ko nga ugali ang mag ingay.

Ganyan naman ang mga tao diba?

Kapag napansin ka na nilang iba sa kanila titignan ka na nilang iba talaga, kahit na hindi pa naman nila inaalam kung sino ka talaga.

Ganyan ang mundo umikot.

Pagpasok ko sa room bumungad ang napaka ingay nilang mga boses at walang pumapansin sa akin, parang hangin lang kung dumaan.

Ang huling asignatura namin sa araw na iyon ay PE.

Mabilis lang akong pumunta sa locker dahil nandoon ang PE uniforme ko.

Para sa oras ng PE na 'yon nagtakbuhan lang kami at ni-rate yung mga pulso namin, at kung gaano kami kabilis tumakbo.

Ng matapos ang buo'ng klase mabilis na akong pumunta sa labasan ng school dahil magtitinda pa ako ng yema kadalasan na bumibili ng mga ginawang kong matamis ay ang mga batang nasa elementarya.

The Recondite HighWhere stories live. Discover now