Segment 2

21 4 0
                                    

"All the student, and individuals, Please be prepared for the school today, Thank You"

Halos mapa-igtad ako sa pagbangon ng marinig ang kalampag ng para bang kampana at nagsasalita sa speaker.

What is that?

I'm still sleepy!

Pinagpatuloy ko ang pagtulog at ng maramdaman ko na ang pagbalik sa mahimbing na tulog nakarinig naman ako ng sunod sunod na katok sa pintuan.

"Lola, inaantok pa ako!" Busangot na sabi ko. Pero tatayo na sana para yakapin si lola ng biglang rumehistro sa utak ko na wala na pala ako sa bahay.

Nakaramdam agad ako ng kaba ng pumasok sa utak ko ang tanong na sino ang kumakatok eh wala naman akong kakilala dito.

Halos mapatalukbong na ako sa comforter ng kama ng tuluyan ng bumukas ang pinto.

Nagulat ako ng may onti-onting humatak sa comforter ko. Mapapatili na sana ako ng may makita akong tatlong babae sa harapan ko at may mga bitbit na kung ano man.

"S-sino kayo?" Bagaman nauutal, pinilit kong maging pormal, pero hindi ko talaga alam kung pormal ba talaga iyo'ng matatawag.

"Ma'am kayo ba si Charmaine?" Nagulat ako at sabay sabay na napatango ng tinawag nila ako sa pangalan ko.

"Okay po, halika na ma'am sa paliguan eto na po ang mga kagamitan." Pormal at sabay sabay na sabi nilang tatlo.

Dahil sa pagkataranta mabilis na lamang akong sumunod sa kanila. At sa sobrang gulat ko ng tumambad sa akin sa tinatawag nilang paliguan ang isang Jacuzzi'ng may katamtamang laki, may ibat ibang nakahilerang mga liquid soap at shampoo, may mga tootbrush, mouthwash, halos lahat kompleto.

Samantalang sa bahay namin ni lola, nawasa lang na tubig buhay kana. Basta makaligo lang.

"Ahm ako na po maliligo ng sarili ko." Bagaman nahihiya dinirekta ko iyong sabihin sa kanila dahil mukhang wala pa silang balak umalis kung hindi ko sasabihin na aalis sila.

Pagkalabas nila ng pintuan ng Bathroom, ay hindi ko naman alam kung anong uunahin kong galawin sa mga kagamita'ng iyon dahil sa sobrang lula at dami.

Ginawa ko nalang ang natural kong pagligo at toothbrush hindi na kailangan gamitin lahat.

Paglabas ko ng pintuan ng bathroom nakabalabal lang ako ng tuwalya.

Nakita ko naman yung tatlong babae na binuksan ang drawer at nilabas doon ang uniporme ng lugar na ito kung hindi ako nagkakamali.

Dahil hindi parin ako makapaniwala na ang pinasok kong lugar ay paaralan. Kasi kung titignan mo ang kabuuan ay parang syudad dahil kahit sa madilim na pasilyo kagabi, alam kong may mga mall at kung ano-ano pa sa loob nitong lugar na pinasok ko.

At ngayon ko lang talaga na-realize yung kabuuan ng buong dorm ko.

Sa pinaka gitna isa itong napakalaking king size bed kung saan ako natutulog at may comforter na kulay puti at bedsheet, sa gilid nito ang side table na hindi mo iisiping pang side lang sa sobrang laki sa natural na lamesa.

Sa kabilang gilid naman ng kama ay ang napakalaking Closet Area, na may kulay puting mga cabinet, Sa harapan ng kama ang isang napakalaking may kulay kremang vanity table at ang daming compartment sa gilid nito, at doon mo makikita ang kumpletong mga make-up product. Mga wet wipes, mga tissue, toner, lahat bukod pa sa mga kagamitan sa loob ng Bathroom.

Makikita mo rin dito ang plantsa sa buhok at blower, mga ibat-ibang panali. As-in lahat ng kakailanganin mo, na kahit kelan hindi ko pa nagamit sa tana'ng buhay ko at himalang nandito lahat iyon.

The Recondite HighWhere stories live. Discover now