Segment 3

23 4 0
                                    

Nanginginig ako ng pumunta sa sulok ng library para maghanap ng libro'ng maaring sumagot sa mga kuryusidad ko.

Napakalaki ng silid aklatan nila at napakaraming libro ng pumasok lamang ako kanina napakadaming estudyante dito na mga nagbabasa unlike sa kinalakihan ko'ng lugar.

Ngunit dito mukhang lahat ng estudyante ay interesado sa pagbabasa.

Nanginginig akong isa-isang binasa ang mga nakahilerang mga libro, at sadyang hindi talaga mga novel ang mga nandito or ano mang kasaysayan ng lugar na kinalakihan ko.

Ngunit nahinto ang paningin ko sa isang librong pumukaw sa atensyon ko.

'Types of  Abaloan Power and Manipulation.'

Napalunok ako na tignan ang mga estudyante sa silid at nakitang mga tutok ang mga ito sa kanya kanyang gawain ganun din ang nagbabantay sa silid.

Dahil walang nakatingin sa akin mabilis kong sinilid sa bag ko yung libro at dumeretso sa dorm ko.

Ng makalabas ng silid aklatan, mabilis akong tumakbo para maka siguro na walang nakakita sa akin.

"Ahhhmm—" napatili ako ng may humatak sa akin ngunit nabitin ng takpan niya ang bibig ko.

"A-alani." Kinakabahang tugon ko kay alani ng makita siyang pinagpapawisan din.

"Shh, wag kang maingay tutulungan kita kung ano man ang gusto mong malaman, pero gusto ko lang malaman mo na illegal yang ginagawa mo. Natin." Halata sa boses niya ang pag-aalala.

Nakita kong nasa gilid kami ng kungkretong pader ng silid, kung saan walang nakakita sa amin. Napansin ko din ang paglingon lingon ni Alani sa paligid para bang may binabantayan o nag-iingat.

"A-anong tutulungan, wala akong ginagawa." Maang-maangan ko pa.

"I'm with the same state with you back then, I just want to help you." Halata talagang sinsero siya sa sinasabi niya.

"What are you talking about." Nagmamang maangan paring sabi ko.

Nagulat nalang ako ng hatakin niya ako, at mas lalo akong nagulat ng nasa tapat na ako ng Dorm ko.

"Paano mo nalaman ang d-dorm ko?" Nauutal na tanong ko pa sa kanya.

"Nalaman ko lang ngayon base sa bitbit mong papel kanina, yung block mo nandon at eto na lang ang nag-iisang bakanteng slot sa buong block na ito, and your a newbie ofcourse." Nakita ko pa ang pagkindat niya sa akin.

Hinayaan ko nalang buksan ang pinto ko at sabay kaming pumasok. Nakita ko pang tumingin pa muna siya sa labas na para bang may sinusuri bago isara ang pinto ko at i-lock.

Napalunok ako ng diretso lang siyang umupo sa kama ko at kinuha ang bag ko.

"Ok, charmiane handa akong tulungan ka, I know you're curious about us, about we, because you are a newbie, but I'm also curious about you, I'm wondering why you don't know kung ano yung pinasok mo!" Halata sa boses niya ang kaseryosohan na lalong nagpakaba sa akin.

"Ano bang pinasok!?" Naguguluhang lalong tanong ko.

"Ok, nakikita mo 'tong librong 'to?" Turo niya sa librong kinuha ko sa silid kanina.

Napatango na lamang ako.

I think she will tell me, what I want to know.

Maybe she might want to help me.

"Base on the title of the book it was a Types of Abaloan Power and Manipulation, tulad mo noon nakatira din ako sa kabilang mundo, sa kinalakihan natin hindi tulad ng mga tao dito." Nakita ko pa ang bahagyang paglunok niya. "Ang Abaloan ay ang pangalan ng buong lugar na ito sa gitna ng kagubatan. This books say the types of power and manipulation of all sorcerer and spell caster of this place." Dugtong pa niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 14, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Recondite HighWhere stories live. Discover now