Chapter 12

1.1K 43 19
                                    


"Oh, ano? May hangover pa kayo sa Senior High ball? Gising na, punyeta! Wala pa tayong natatapos sa research ha. Tandaan niyo 'yan."

Tumungo kaming lahat dahil galit na galit si Amanda. Totoo ngang wala pa kaming natatapos sa research tapos malapit na defense namin! Tss. Kasalanan din naman niya. Nag-offer kasi 'yong teacher namin na kunin niya iyong mga mabababa ang grades para maging group mates niya, para naman daw umangat kami kahit papa'no.

Grabe namang pangmamaliit.

"Virtucio, revise mo 'to. Plagiarized 'yang work mo! Scope and Limitation na nga lang pinapagawa ko sa 'yo, hirap na hirap ka pa!" reklamo niya sabay bigay sa 'kin ng pinasa kong papel sa kanya. "Ano bang klaseng utak ang meron ka?" panghuhusga niya pa.

Buwisit! Bakit ba ako napunta rito sa group niya. Alam kong mababa grades ko pero mas mababa pa 'tong mga kasama ko! Buti pa si Monica, ka-group ni Cuevas.

Sandali, Cuevas? Si Earl Bryan Cuevas? 'Yung top 2 dito sa section namin?

"Amanda, wait lang!" paalam ko kay Amanda.

Pumunta ako sa grupo ni Cuevas. Taka nila akong tiningnan at tinanong kung anong ginagawa ko rito. Psh. Magkaiba naman kami ng topic. As if gagayahin ko research nila.

"Patingin nga curriculum vitae mo, Cuevas," sambit ko sabay lahad ng palad ko.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ni Monica.

"Titingnan lang curriculum vitae ni Cuevas. Titingnan ko lang kung paano ba gumawa. Damot kasi ni Amanda, e. Ayaw ituro, alam na ngang bobo kagrupo niya," kunwaring paliwanag ko.

Walang alinlangan na ibinigay sa 'kin ni Cuevas ang CV niya. Taray ng grupo nila, ah. Hindi pa ata nila tapos ang chapter two nila, may curriculum vitae na agad. Advance mag-isip!

Sinuri ko muna ang picture niya. Guwapo naman pero 'di ko type 'yong may pasalamin. Sunod kong tiningnan ang address niya. Teka? Parehas kami ng address! Magkaiba lang ng house number!

"Cuevas, ikaw ba 'yong nagbuhat sa 'kin papuntang kuwarto?" tanong ko agad sa kanya. Lahat ng kagrupo niya, napatingin sa 'kin.

Ibinalik ko ang curriculum vitae niya. "Ako nga. I saw you outside your house, peacefully sleeping. Of course, kahit pa sabihin mong safe ang subdivision natin, may mga rapist pa rin do'n sa loob. Huwag mo lang bigyan ng meaning. You're not my type," mahabang sagot niya.

"Mas lalong hindi kita type!" inis na sabi ko at umalis sa grupo nila.

Bumalik ako sa grupo ko at naupo. Ipinatong ko ang siko ko sa upuan at ipinatong ang pisngi ko sa palad ko. Nakakadismaya naman. Akala ko si Axis na, e. Kung si Axis lang 'yon, 'di ko na siya palalabasin sa kuwarto ko. Rawr!

Pagkatapos ng meeting namin about sa research, inaya ako ni Monica na kumain sa canteen. Wala akong ganang sinamahan siya at kaunti lang din ang in-order kong pagkain.

Wala talagang pakialam sa 'kin si Axis. Kahit pagbalik-baliktarin mo pa ang mundo.

"Elisha, sorry! Iniwan kita no'ng nakaraang ball. Nagselos kasi ako, e. Alam mo ba 'yong pakiramdam na iyong kaibigan mo, inagaw sa 'yo 'yong crush na crush mo, gano'n?"

Hindi ko naman inagaw.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Alam no na ba ang totoo?" tanong ko.

Tumango-tango siya. "Ex-boyfriend mo pala si Asher! Grabe, sana all! Pero nagkaroon naman ako ng opportunity na makausap siya kaya all goods na," natutuwang sabi niya. "Salamat sa 'yo!"

In my case, wala akong pakialam kung gustuhin niya si Asher na ex-boyfriend ko. Besides, hindi naman seryosohan ang nangyari sa 'min noon, e. As what I've said, puppy love lang 'yon. No more, no less.

Love Me, Chase MeWhere stories live. Discover now