Chapter 2

24 13 0
                                    

"Good morning" bati ko kay Phoenix ng makita ko siyang kalalabas din ng room niya. Magkatapat lang kasi kami ng kwarto.

"Morning" masungit na aniya. Inirapan ko naman siya dahil palagi na lang siyang masungit, may mens ata ito eh.

"Magkasabay talaga kayo ha?" Pang-aasar sa amin ni Zekie ng makarating kami sa student Council room.

"Gusto mo bang maalis ang mga senses mo?" Pananakot ko sa kanya. Ngunit hindi siya nasindak sa mga sinabi ko bagkus ay ngumisi pa lalo. Aba, loko 'to ah!

"Masiyado kitang kilala para matakot sa mga sinasabi mo, no'h!" Pang-aasar niya pa lalo. Ahh oo nga pala, he can read everyones mind. Nakanguso ko lang siyang iniwan at pumunta sa upuan ko.

"Good morning, Blues" ani Mrs. Valdez ang head ng game na ito.

"Good morning, Miss." Magalang na bati namin sa kanya.

"So, i am hear to discuss with you everything about Stone Cup" aniya at lumabas sa projector ang lists of winners ng Stone Cup sa mga nagdaang taon.

"Moonstone Academy was the first and ever winner of Stone Cup, Simula pa man ng simulan ang laro na ito ay ang Moonstone Academy ang nangunguna. I'm going to show you all the trophies and Championships awards that Moonstone Academy have." Aniya at inilipat ang projector. Literal na napanganga kami sa sobrang dami ng awards at trophies meron ang Moonstone Academy.

"Every 3 years nagaganap ang Stone Cup Game, at Blues moonstones lang ang makakasali. So, nagtataka kayo kung bakit may Green Moonstone sa grupo niyo, it's because here ability is compatible to your group which is Healer, same with Bernice but we're sad to say na hindi sila makakasali." Paliwanag niya pa. Ipinagpatuloy niya pa ang pagpaliwanag tungkol sa Championships ng Moonstone Academy.

"We're done about the championships of our Moonstone Academy. Now lets tackle about your abilities and skills. All of you knows about the abilities na maari lamang gamitin sa loob ng laro, which is may mga pwede kayong gamitin dito sa loob ng Academy but, dalawa lang ang magagamit niyo sa loob ng laro. All of you has 2-4 abilities, right?" Aniya at agad naman kaming nagsipagtanguan.

"Pero isa lamang sa inyo ang may apat na ability." Aniya at nagsimula na akong kabahan. I have 3 abilities at gano'n na lamang ako kabahan.

"Aitana Kingsley, you will lead your group" aniya at parang gumuho ang mundo ko. Why me?! Ni wala nga akong interes sa ganiyan eh!

"What?! No way!" Pag-tanggi ko at saka tumayo ngunit hinila ako pabalik ni Phoenix paupo. Inis kong binawi ang kamay ko.

"That's the rule, Ms. Kingsley" ani Mrs. Valdez.

"I am joining that freaking game but I don't want to be a leader!" Pagmamatigas ko. Napag-isip isip kong sumali ngunit ayokong maging leader. Ang pagsali ko nga ay pilit pa, maging leader pa kaya?

"Whether you like it or not, you'll be the leader of this group." Makapangyarihan na ani Phoenix dahilan para magtuwidan ang mga buhok ko sa katawan hanggang sa anit! Nakakainis! Nakakainis! Pasalamat ka at gwapo ka, pero kahit na!

"Don't worry Ms. Kingsley because our Commander Phoenix will be your guide." Nakangiting aniya ngunit hindi pa rin no'n napanatag ang loob ko.

"Bakit hindi na lang si Phoenix ang maging leader, siya naman ang commander dito di 'ba?" Suhestyon ko ngunit agad na lumaylay ang mga balikat ng naroon. Mali na naman, sabi ko kasi hindi ako pwede maging leader eh!

"We'll talk later" 'tila kulog na ani Phoenix sa akin. I hate you!

"Sa loob ng anim na buwan ay sa pag-eensayo na kayo magfofocus, huwag kayong mag-alala dahil ang pag-aaral niyo ay napapalagay naming sapat na, kaya't huwag kayo mag-alala. Ang mga parents niyo ay aware at naabisuhan ng pumunta rito isang buwan bago magsimula ang laro. Ako ang magbabantay sa inyo sa t'wing practice niyo" ani Mrs Valdez habang naglalakad pabalik-balik sa harapan namin.

Moonstone Academy: School of ElitesWhere stories live. Discover now