Chapter 3

26 13 0
                                    

Kasalukuyan kaming pabalik sa building namin at tahimik pa rin kaming dalawa ni Phoenix. Hindi ko tuloy alam kung saan ako pupunta, kung babalik pa ba ako kila Zekie o sa kwarto ko na lang.

Sa huli ay napagdesisyunan kong sa kwarto na lang dahil gusto ko ding magpahinga at pag-isipan ng mabuti ang pagiging leader ng grupo. Nang matapat ako sa pintuan ng kwarto ko ay papanhik na sana ako ng tinawag ako ni Phoenix.

"Aitana..." tawag niya at agad ko naman siyang nilingon.

"I'm sorry and..." sinadya niyang bitinin 'yon. Triny kong basahin ang gusto niyang sabihin ngunit masyadong occupied ang utak ko. "Sana ay mapag-isipan mong mabuti, we need you... see you tomorrow..." 'yon lamang at isinara niya na ang pintuan ng kwarto niya. Napabuntong-hininga naman ako at pumasok sa kwarto. Pabagsak kong inihiga ang sarili ko sa malambot kong kama at tumitig sa kisame.

Sana ay mapag-isipan mong mabuti, we need you...

"They need me..." mahinang usal ko habang nakatingin sa kisame.

I have 4 abilities and the rest of them has 3 abilities. Hindi ko maisip or hindi ko ineexpect na darating yung point na ganito, na makakasali ako sa ganitong laban. I just want a peaceful life, pero hindi ko akalain na darating ako sa puntong ito at ang malala pa ay ako ang leader.

"Kaya ko ba?" Tanong ko sa sarili ko at hindi ko alam kung bakit May tumulong luha sa mata ko.

Isa-isa kong narinig ang mga sinabi ng kaibigan ko kanina, na bilin sila sa akin, na kaya ko ang labang ito.  Naalala ko sila Zekie, Topher, Scarlet. Si Zayden na pinag-aaralan maigi kung paano gamitin ang mga ability ng maayos, si Phoenix na pinag-iigihan ang lahat dahil pangarap niyang makasabak sa ganitong laban, si Luna na nananahimik na Greens at isinali sa grupo. At ako na matigas ang puso na pinipilit sa sariling ayaw kong sumali dahil lang sa kagustuhan na tahamik at payapang buhay.

Tama nga sila, kailangan nila ako...

Hanggang sa gumabi ay wala akong ibang ginawa kundi mag-isip ng mag-isip. Simula bukas ay magsisimula na ang training namin, ready na ba ako? Tanong ko sa sarili ko ng nasa kalagitnaan ako ng pag-ligo. Sandali pa akong nagisip isip bago natulog.

Nagising ako sa malalakas na katok mula sa pintuan ko. Nilingon ko 'yon at inis na tumayo upang pagbuksan kung sino man ang kumakatok ro'n. Tumambad ang mukh nila Bernice at Denice na bihis na bihis mula paa hanggang ulo.

"What are you doing here?!" Inis na sabi ko.

"Why are you like that?" Pang-gagaya nila sa tono ng sinabi ko. Inirapan ko sila at tumakbo pabalik sa kama ko.

"Hello, Aitana Kingsley, today is your first day of training!" Malakas na aniya dahilan para mapabalikwas ako sa bangon. Shit!

"We will count! Bilis at baka mapagalitan ka na naman ng commander!" Pag-mamadali nila sa akin at ako naman ay dali daling pumunta sa cr at naligo. Halos limang minuto lang ata ako naligo dahil sa sobrang pagmamadali. I almost forgot!

"Bakit ba bihis na bihis kayo ha?" Tanong ko ng nasa daan na kami papunta sa training room.

"We'll watch. We're here to support you, and our friends!" Nakangiting aniya at nakarating kami sa training room. Hindi nga sila nagkamali at ako na lang ang inaantay. Halos lahat sila ay bihis na bihis at ready to training na. Hiyang hiya ako sa hitsura ko dahil simpleng leggings at tank top lamang ang suot ko.

"You're late and what's with the outfit?" Nakataas kilay na ani Phoenix sa akin at pinagmasdan ang kabuuan ko.

"You can't blame me, eh itong dalawa kung bigyan ako ng oras para maligo at mamili ng damit. Kaya hindi na ako nakapag-ayos," kibit-balikat na ani ko at dumeretso sa mga stante ng mga dagger and swords.

Moonstone Academy: School of ElitesWhere stories live. Discover now