Chapter 4

22 11 0
                                    

"I am very much impressed. Zekie and Topher, huwag niyong dalhin ang kalokohan niyo sa loob ng laro, okay?" Ani mrs. Valdez at nilingon ang dalawa. Nahihiya naman silang tumango.

"You can now have your break time, i'll see you later." Ani mrs. Valdez at nilisan ang training room.

"Zekie, Topher" tawag ko sa dalawa at sinenyasang umupo sa harap ko. Nagtuturuan pa sila bago lumapit. Umiling-iling naman ako hanggang sa makalapit sila.

"What was that, Zekie? And Topher?" Kalmadong tanong ko dahil pakiramdam ko ay natatakot sila. Gusto kong matawa ngunit pinipigilan ko 'yon. Hindi nila ako sinagot at nakayuko lamang.

"Hindi kayo pwedeng gano'n, at paano na lang kapag nasa totoong laro na tayo?" Tanong ko ulit at tinignan sila. Si Zekie na nagkukutkot ng kuko at si Topher na nakatingin sa pintuan ng training room.

"Nakakagulat kasi yung unggoy," nakangusong ani Zekie dahilan para hindi ko na mapigil ang tawa ko. Agad na nagtawanan ang mga kasama namin at gano'n na rin si Phoenix.

"You guys are so annoying," pahina ng pahina na ani Zekie at nakayuko pa rin.

"Masiyado kayong seryoso! Joke lang, oy!" Tumatawang ani ko at tumayo.

"Basta sa susunod, lumaban ka. Kasi kaya nga tayo magtutulungan... para sa tagumpay," seryosong ani ko at sinenyasan ang iba na pumunta na sa cafeteria.

"Gutom na 'ko!" Mahinang sigaw ni Bernice habang hinihimas ang tiyan.

"Palagi na lang gutom si Bernice," natatawang ani ko at umupo. Kaunti lamang ang tao rito sa cafeteria ngayon dahil ang lahat ay may klase.

"Pero in fairness, ang galing ninyo," namamangha na ani Denice habang nakatingin sa aming pito.

"Basic first pa lang 'yon, namamangha ka masyado," nakangising sagot ko naman sa kanya.

"Tignan mo 'to, ayaw sumali pero ang yabang ngayon," aniya dahilan para matawa kaming lahat na naroon.

"Whatever. Hey, Luna, kwentuhan mo naman kami" tawag ko kay Luna na tahimik at nakikitawa lamang sa amin.

"Wala naman akong ikwekwento, eh" nahihiyang aniya. Napakamahiyainnaman ne 'to.

"Hmm, what are your first impression to us?" Biglang tanong ni Scarlet at agad naman kaming nagsipagtanguan.

"Natakot? Gaya ng sabi ng iba, makapangyarihan kayo at wala ni isa sa mga students dito ang lumapit sa inyo," nahihiya pa ring aniya.

"Well, I guess they're wrong," nakangiting aniya na nakapag-pagaan ng loob ko. Minsan kasi ay naiinsulto ako kapag may nagsasabing nakakatakot kami, duh? Multo ba kami?

"Yeah, many people saying that we're scary, duh, we're not monsters" natatawang sagot ko at agad namang nakitawa ang lahat.

"Look at her, she's with the blues"
"Good luck na lang sa kanya"
"Hindi na siya nahiya, duh green lang siya no'h"

Bulong-bulungan ng mga tao ro'n at karamihan at babae. Base sa mga nakita kong marka nila ay pink moonstone sila. Inis ko silang sinamaan ng tingin at agad silang nag-iwas ng tingin.

"Stupid bitches," malakas na ani ko at ibinalik ang tingin sa mga kasama ko.

"Huwag mo silang pakinggan," sabi ko kay Luna na nakayuko at malamang narinig niya ang mga sinabi ng babaeng 'yon.

"Anyways, may i ask kung ano ang reaksyon mo ng mapapasali ka sa Stone Cup?" Pag-iiba ko ng usapan dahil naramdaman kong naiba ang kanyang mood ng marinig niya ang mga 'yon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 15, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Moonstone Academy: School of ElitesWhere stories live. Discover now