#79

1.6K 41 9
                                    

Kiesha.

Padabog akong lumapit sa pinto ng condo at binuksan iyon. Halos mapaatras ako nang biglang natumba si Xandro at ngayon ay nasa lapag na nakaupo.

"Tsk! Peste! Bigat bigat mo pakyu! Tumayo ka nga dyan!" Nabaling naman ang paningin ko sa lalaking kasama nya. Mukhang eto yung gumamit ng phone nya.

Gwapo din. Grabe. Nasa lahi talaga nila ang pagiging gwapo.

"Hello? Hindi mo ba ako tutulungan?" Agad akong napatingin sa pinsan nya na nasa lapag din at sinusubukan na syang patayuin.

A-ah, oo." Nauutal na sagot ko at hinawakan si Xandro sa paa habang sya naman ay nakahawak sa itaas na bahagi ng katawan ni Xandro.

Bigat!

Nang maibaba namin si Xandro sa kama ay agad syang nag stretch.

"Tangina. Ako pa talaga pinahatid kay Xandro dito. Tsk! May race pako bukas! Pakshet." Napakunot ang noo ko sa kanya.

Race?

"Saan ang iba nyong pinsan?" tanong ko sa kanya. Napalingon naman ito sa'kin at medyo ngumuso.

"Ayun! Bagsak na din! Ako lang talaga matino sa'min." Nakangisi habang napapailing na sagot nya pa.

Napatango naman ako, "Anong pangalan mo? Para masabi ko sa kanya bukas kung sino naghatid sa kanya."

Nanlalaking mata itong tumingin sa'kin at tinuro pa ako, "H-hindi mo 'ko kilala?" Hindi makapaniwala nyang tanong.

Tumaas naman ang kilay ko, "Bakit? Dapat ba kitang makilala? Sikat ka ba?"

Napaawang naman ang kanyang labi na parang hindi makapaniwala sa nakikita, "Ibang klase. Pareho sila ni Eury ng ugali."

Tumaas lang ang kilay ko sa kanya na apra bang nag aantay ng sagot. Napahalakhak naman sya at nagtungo na sa pinto ng kwarto pero bago sya lumabas ay lumingon sya bahagya habang nakatalikod.

"Ryker. I'm Ryker Austin Lincoln." Sabi nito bago tuluyang lumabas.

Ryker.

Alright.

Nabaling naman ngayon ang atensyon ko kay Xandro na nakahiga sa kama t yakap yakap ang isa kong unan. Umupo ako sa kama at bahagyang hinaplos ang buhok nya.

"Hmm. Rei.." Ungol nya sa pangalan ko habang nakapikit pa din.

Napakunot ang noo ko. Nananaginip ba 'to tungkol sa'kin?

"Baby, please. Don't leave." Bahagyang nagtaas baba ang kanyang dibdib, parang may pinipigilang emosyon.

Hinaplos ko naman ang pisngi nya, "Xandro.. shh."

Bahagyang gumalaw galaw ang ulo nya habang patuloy pa din sa pagsambit ng pangalan ko, "I miss you, Rei.."

Napahinto ako sa paghaplos ng pisnginya dahil sa narinig, "Shh. Andito lang ako." Bulong ko sa kanya at kumalma naman sya. Naging kalmado na ngayon ang paghinga nya at tuluyan ng nakatulog.

Bakit ba umaasta ka na para bang ikaw ang mas nasasaktan?

Loaded to a Wrong NumberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon