EPILOGUE

1.9K 52 10
                                    


Kiesha

"San ba kasi tayo pupunta?!" Naiinis na sigaw ko. Nasa sasakyan nya kami habang nagmamaneho pa din sya.

Narinig ko ang paghalakhak ni Xandro bahagya at ang pag hinto ng sasakyan. Hindi ko makita kung nasaan kami dahil naka blind fold naman ako.

Mga galawang Maldrid.

Narinig ko naman ang pagbaba ng mga kapatid ko at ang pag alalay ni Xandro sa kanila bago ako binalikan at hinawakan ang kamay ko at inalalayang makababa.

"Careful." bulong nya.

Napangiti naman ako. Nakaalalay pa din sya sa'kin hanggang sa naramdaman ko ang pagkalas nya sa kamay ko kaya naman ay nataranta ako.

"Hoy! A-ano ba!" Inis na sigaw ko sa kanya.

Siraulong 'to!

"Wag mong tatanggalin ang blind fold hanggat hindi ko sinasabi." Habang sinasabi nya iyon ay mas lalong lumiliit ang boses nya.

Kinabahan naman ako bigla. Ano bang trip ng lalaking 'to sa buhay nya! Wala ba syang magawa?!

Habang nakablind fold pa din ay dahan dahan kong narinig ang kantang "Ikaw at Ako."

Shit.

"Now, look at me, baby." At dahil sa sinabi nyang 'yon ay dahan dahan kong itinanggal ang takip sa mata ko at ganoon nalang agad namuo ang luha ko nang makitaang paligid.

Naka off ang lahat ng ilaw at nasa gitna kami ngmga kandilang naka porma ng isang puso. May mga tao sa paligid at isa na roon ang mga pinsan nya na nakangisi. Sa kabilang bahagi ay nakakita ako ng hind katandaang lalaki at babae na nakangisi sa amin. Naroon din ang mga kapatid. ko.

Agad nabaling ang paningin ko kay Xandro nang lumuhod sya, "I'm a jerk. Everyone knows that even my parents. Kahit sino lang babae ko but trust, nung dumating ka hindi na ako nagkaintered sa iba. Ni hindi na ako na attract."

Huminga sya ng malalim bago tiningala ako, "Way back then, I told my parents that when I see that very one person na seseryosohin at iingatan ko habang buhay, sisiguraduhin kong sila ang unang makakaalam sa oras na maging akin ka. So please, will you be my girlfriend?"

Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng luha ko at paghampas sa kanya, "Ano ka ba naman! Tinatanong pa ba 'yan!" Natatawa kong sagot at naghiyawan naman silang lahat.

Bigla nya akong binuhat at inikot ikot kaya naman ay napasigaw ako. Ibinaba nya ako at dahan dahang inabot ang pisngi ko. Hinaplos nya ito bago dahan dahang naglapat ang labi namin na ikinasigaw nila ulit.

"Anak! Ipakilala mo muna sa amin yan!" Rinig kong sigaw ng papa nya.

"Hoy, Xandro! Pakilala muna!" Isa sa mga pinsan nya.

Napailing nalang sya at bumulong, "Tsk. Di man lang ako nakatagal ng halik." Dahil sa narinig mula sa kanya ay sinapak ko sya kaya naman ay napa halakhak sya.

Nang mapunta kami sa harap ng mama at papa nya ay napayuko nalang ako, "A-ah. Hi po. Good Evening." Nahihiya kong bati.

Niyakap naman ako ng nanay nya kasabay ng pagyakap din ng mga kapatid ko sa binti ko.

"Welcome to the family, anak." Bulong ng mama nya sa'kin na ikinaluha ko.

Hindi ko man kasama ang totoong pamilya ko ay binigyan naman ako ng Dyos ng higit pa roon. Binigyan nya ako ng pamilya ngayon at isang tao na alam kong iingatan ako habang buhay.

Loaded to a Wrong NumberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon