Chapter 1

119 7 8
                                    

Sana ako nalang,
Sana ako nalang ang nauna,
Sana ako nalang ang nakita mo,
Sana ako na lang ang minahal mo...

Kung sana ako ang minahal mo hindi ka pa masasaktan,
Hindi ka pa magsasayang ng luha,
Kung sana ako nalang...

"Zac!"napalingon ako sa nagsalita.

"Tapos mo na ba yang pinapagawa sating sijos?"

"H-huh?ay hindi pa nga eh"itinuon ko ulit ang pag-gawa ko ng sijo.nandito ako sa park ng school namin at iniisip ang mga pinagsusulat ko dito.Ang hirap siguro magmahal ng ikaw lang ano?dapat parehas kayong nagmamahalan para fair?ewan!wala naman akong alam diyan eh.

Pinapagawa kami ni ma'am Procopio ng sijo tungkol sa one sided love.nakakasakit lang sa ulo.i love writing,pero pag tungkol sa love.sumasakit lang ang ulo ko.ewan ko ba!

"Patingin!"hinigit ni Jamaica ang papel ko kaya naman napatayo ako at pilit inabot yun mula sakanya pero dahil mabilis ang kamay ng babaeng to kahit na mas matangkad pa ako ay wala na akong nagawa hinayaan ko na.nangangarate pa naman to pag hindi nasunod yung gusto-__-

" Alam mo ba hinihintay parin kita? na hindi pa ako naghahanap ng iba? Na ikaw lang lagi ang iniisip ko? Kasi hanggang ngayon mahal na mahal parin kita!Alam mo miss na kita kaso siya naman ang miss mo... alam mo mahal kita kaso siya rin ang mahal mo, siya na lang lagi, kahit nasasaktan ka niya ok lang, kasi mahal mo siya... tanga mo noh?! parang ako..Iiwanan kita hindi dahil ayoko na, hindi rin dahil meron na akong iba, hindi dahil suko na ako at hindi rin dahil nakakapagod na... gusto ko lang hanapin mo ang pagmamahal ko kasi pag na sayo winawala mo..."pinagpatuloy niya pa ang pagbabasa doon haggang sa"By:Zacanee Labandera--este Lagrosa XII-Makakalikasan proud to be "NBSB"huh ano toh?"inagaw ko sakanya yung papel ko.hindi naman kasama yung huli niyang sinabi eh.

"Wag mo ngang nilalait lait tong gawa ko!"

"Ang ganda kaya!kaya lang parang may kulang eh"inagaw niya ukit yung papel ko.tsk spoiled talaga!

"Ano?"

"Ewan ko.mas maganda parin yung iba mong nasusulat eh.hindi ko alam parang ang daming kulang.siguro kailangan mo lang mahanap ang sangkap para mainspired ka"

"Anong sangkap?ano yan,pagkain?"

"Hay nako girl alam mo ba hindi lang sa pagkain yun naiimbento.Dumadating din ito sa buhay mo para kumpletuhin ka."huh?sangkap?dumadating sa buhay?ano yun?naglalakad yung magic sarap?

"Babe!"isang pamilyar na boses ang narinig ko at napalingon kaming dalawa.hindi nga ako nagkakamali,si Angelo nga.

"Oh ayan na pala yung sangkap ko eh"sangkap?magic sarap lang ang peg?

"Sige bye Zac!Sana mahanap mo narin yung sangkap mo na makakapagkumpleto sayo!"sangkap sangkap!ewan ko sayo!ay sakit sa mata!

Tumalikod na ako sakanila at nagsimulang maglakad habang tinititigan ang ginawa kong sijo.

Makikipagdate pa ata sa boyfriend niya.ilang minuto pa naman bago mag bell eh.#LONELEEEY!edi kayo na may lovelife!tssk aanhin ko naman yan.

"Ouch!"may nakabunggo sakin.nahawakan ko ang ulo ko sa sakit.

W--wait?nakapatong siya sakin?

Dali dali siyang tumayo at hinigit ang kamay ko,kaya agad akong napatayo.

"S-sorry miss"napatunganga ako sa kanya.a-ang g-gwapoooo!shems!--ay taglande?

Palingon lingon siya at biglang lumaki ang mga mata nang nakita ang mga babaeng nagtitilian na tumatakbo papunta sa daan namin.

"Miss sorry talaga ah!bye"bigla bigla siyang tumakbo.sauce ginoo!kabwiset naman!

Nagulat ako nang dinaanan ako ng mga babaeng nagtitilian at halos maitulak na ako.pinilit kong magpakatatag at pinagtututulak din sila and suddenly nakaraos din.

Hay grabe hindi pa nga ako nakakapasok eh.haggard na agad-__-

Napatigil ako sa kalagitnaan ng paglalakad.YUNG SIJO KO!

Agad agad akong bumalik sa pinanggalingan ko at...at....

"Waaaaah!"ang dumi dumi na niya.ilang araw ko siyang pinaghirapan,pinagpuyatan,tapos ganito lang mangyayare?

pinagtatapak siya ng mga babae kaninang nagrarambulan.at dahil iyon doon sa lalake!langya!paano na yan?

"Oy!"napatalon ako sa gulat.nakita ko si Mariel na may dala dalang isang supot na puro pagkain at punong puno ang bibig habang nagsasalita.

"Chubbyngot yung sijo ko oh"sabay pakita ko sakanya ng sijo kong pinaglalapastangan ng mga babae kanina.

"*munch*shalam mho*munch*shulitin mo nalang*"whuuut?may naintindihan ba kayo?

"Nasaan ang manners mo?"-__-

Lumunok muna siya bago magsalita
"Ang sabi ko ulitin mo nalang yan kaysa nagdadadada ka diyan"friend ko din itong si Mariel.marami kaming pagkakaparehas kaya madali kaming magkaintindihan.

Ang magkaiba lang samin ay ang bigat namin.ako sobrang payat siya naman sobrang.......hahaha^__^

Pero wag kayo cute kaya yan.

"Paano ko uulitin eh ni hindi ko na nga mabasa eh"

"Tutulungan kita"biglang nagliwanang ang mga mata ko.magaling nga pala si Mariel tungkol sa love.at siya na ata ang masasabi kong pinakamagaling mag-advice.

"Tungkol saan nga ba yang sijo mo?"

"Tungkol sa love"sambit ko na nakangiting aso.

Ako nalang sanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon