Chapter 4

59 5 0
                                    

A/N:hello po.gulat kayo noh?hindi na po ako magpapalit ng account.

Anyways nasa gilid po yung picture ng mga imaginary characters:)

---

Zac's pov

"Hi Jeiz!"bungad ko sakanya pagpasok palang.maaga kami lagi at kaming dalawa lang ang nauuna.

Tsk,sikat kasi kaya ganyan-__-

Nung unang araw pa naman ganyan na yan eh,habulin na agad.at tingin ko ay mas lalo pa yang sisikat dahil nabalitaan ko kailan lang na nagwoworkshop siya.

Dumiretso nalang ako sa kinauupuan ko sa likod niya.bale nasa fourth row siya sa bandang kanan at ako naman ay nasa 5th.next grading ay magbabago ulit ang seating arrangement.

"Ganyan ka ba talaga?"hindi ko na napigilan ang sarili ko.napakatahimik kasi eh.

"Anong ibig mong sabihin?"tanong niya na nakakunot ang noo.

"Wala naman,pansin ko kasi hindi mo ako madalas kausapin.samantalang yung mga kaklase natin sila lang yung napapansin mo"

"Uuuh--kase,ano eh--"

"Ayaw mo ba sakin?"nanlaki ang mga mata niya sa diretsahang tanong ko.

"Hindi n-naman sa--"

"Ok lang,sanay naman na ako eh"magsasalita pa sana siya  kaya lang biglang dumating ang mga nagkukumpulang mga babae at hinarap si Jeiz.

"Hi Jeiz"ngumiti siya doon sa babae.tignan mo tignan mo!ako nga ni hindi niya kayang ngitian ng ganyan eh.tapos yung babaeng yun!

"Saan ka ba nakatira para mapuntahan naman kita"nginitian lang ni Jeiz ang nagsalita.hindi ko nakikita pero ramdam ko yun.

"Eto nga pala ohmay dala akong food para sayo"sambit naman nung isa pang malandi.

"Ok class"pumalakpak si ma'am Procopio sa harap namin lahat pagpasok palang.

"Go back to your proper seats first before we start"nagsiupuan nga ang mga kaklase ko sa kani-kanilang assigned seats na kanina ay nagkukumpol kumpulan lang.

"Napag-aralan niyo ba yung binigay kong hand-outs?"

"Yes"we all said in rhtym

"Who is Confucious?"tinititigan ko lang siya at nakita niya agad yun

"Ms.lagrosa"ako nanaman?napatayo akong napapakamot sa ulo.wala akong maisagot.bwiset pinangunahan ako ng kaba.ito nanaman eh.

"Remain standing"

"Ma'am!"nagtaas ng kamay si Jeiz.

"Yes mr.middleton?"matalino si Jeiz,sikat,at higit sa lahat ay mayaman.sila ang may nagmamay-ari ng higit isang daang resorts dito sa Pilipinas.at yun ay dahil sa tulong ni Jamaica.

Sinundan niya si Jamaica dito sa Maynila nang makapag-ipon siya.yan ang kwento niya sakin.grabe talaga ang nagagawa ng love.

" Confucius was a Chinese teacher, editor, politician and philosopher of the Spring and Autumn period of Chinese history.The philosophy of Confucius emphasized personal and governmental morality, correctness of social relationships, justice and sincerity."napalakpak ang lahat sa galing niyang speech.

"Nye nye nye"bulong ko sa sarili ko.

"Lagrosa!"

"Hehehe peace"nag-peace sign pa ako kay ma'am

At dahil dun buong klase akong pinatayo.ang saya noh?-__-

----
"Zac sama ka na samin!"kanina pa ako kinukulit ng mga kaibigan ko na samahan sila sa San lazaro mall.malapit lang sa eskwelahan namin.kasama dito sina Jamaica,Mariel,Rachell,Erma,Llena,Angelo,at Jeiz

"Ano ba?sabing hindi pwede eh.tutulungan ko pa si tita sa bakery niya"nilingon ko pa ang principal namin sa labas ng gate.

"Ano ba yan!saglit lang naman!"untag sakin ni Mariel.tinignan ko ang orasan ko at dahil maaga naman kami pinalabas baka pwede pa akong sumama.

"Wait pag-iisipan ko muna"lahat sila ay nakatuon ang atensiyon sakin pwera lang kay Jeiz.nandoon lang siya sa gate at nagmamasid masid ng mga taong dumaraan.lahat naman ng tititigan niya ay mangingisay ngisay na sa kilig

Nagulat ako nang bigla silang lumayo sakin ng bahagya at nagkumpol-kumpulan

"Go!"sigaw ni Jamaica sabay evil smile.yung iba naman palapit na sakin at mga nakangiting aso.

"Waaaah!"kinakalad nila ako palabas ng gate ngayon!omg!

Sisigaw pa sana ako nang biglang naalala kong nandun yung pricipal namin sa gate.t*ng ina yan!

Pagdating sa mall ay na oo-p lang ako sakanila pano ba naman partner partner.si Jamaica kasabay si Angelo,si Mariel kasabay si Erma,tapos si Llena kasabay si Rachell.si Jeiz?ayon nasa likod ko lang.

"Halika nga dito!tsk kawawa ka naman wala kang kausap!"pang-aasar ko kahit na ang totoo ay parehas lang naman kami.

"Ayoko nga baka kung ano pang gawin mo sakin"abay matinde.i rolled my eyes heavenward at tumalikod sakanya.

Tsk.ang hirap naman ng ganito,nakaka-awkward.lumayo nalang ako ng kaonti sakanila para kunwari mag-isa lang ako at para hindi awkward,agad naman yun napansin ni Jeiz.

"Ikaw pala ang kawawa diyan eh"putspa!inakbayan ba naman ako ng mokong?at tatawa tawa pa ah!

"Bitawan mo nga ako hindi kita type!"sambit ko sabay tulak!pero hindi siya natinag.pano ba naman kasi ang laki ng katawan.

"Wow!assuming ka namang magiging type kita noh?ikaw na nga sinasamahan diyan ikaw paitong ayaw?parang kanina lang nagmamakaawa ka diyan"pabulong yung huli niyang sinabi.

"Uy lumalakas ata ang hangin dito sa mall ah.nararamdaman mo ba?--awts!huhuhu!"binatukan ba naman ako

"Payatot!"sambit niya sabay kalas sa pagkakaakbay sakin.ay ano ba iyan?akbay pa!bitin eh-__-

"Tabatsoy!"nainis siya sakin at hindi nalang ako pinansin.hahaha hindi naman talaga siya mataba,ang sarap lang kasing asarin.

Masaya pala siyang kausap,kaya lang madaling mag-moodswing.kabadtrip!

Ako nalang sanaМесто, где живут истории. Откройте их для себя