PROLOGUE

19 0 0
                                    

Basang basa na ang mukha ko sa dami na ng luha na dumaloy dito. Halos hindi ko na makita pa ang daan na nilalakaran ko dahil sa luhang bumabalot dito at sa buhok ko na humaharang na din sa mga mata ko. Hindi ko na alam pa kung nasaan ako ngaun basta hinayaan ko nalang ang sarili ko kung saan ako gusto dalhin ng mga paa ko. Hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kung isipin naguguluhan na ako.

"Bakit? Bakit niya nagawa sakin lahat ng ito?  Bakit sa lahat naman ng tao sa mundo, bakit siya pa?" tuloy tuloy na namang tumulo ang mga luha sa aking mga mata.

"Siya? Siya na itinuring kong pinakamatalik na kaibigan at parang kapatid? Bakit? Bakit niya ako nagawang saktan nang ganito? Paano niya ako nagawang lokohin ng ganoon katagal ng hindi ko man lang nalalaman?  Ganoon ba talaga kalaki ang tiwala ko sa kanya na kahit minsan hindi ko man lang siya nagawang pagsuspetsyahan?"

Huminto ako at umupo saka umiyak nang umiyak sa aking mga binti.

"Ano bang kasalanan na ginawa ko sa kanya at ginawa niya sakin lahat ng ito? Wala naman akong ginawang masama sa kanya para maisipan niyang gawin sakin lahat ng mga bagay na yun?"

Hindi ko na alam!  Hindi ko na alam kung ano pa ang dapat kung isipin sa mga bagay na nangyari na!  Napakasakit!  Napakasakit na sa kabila pala lahat ng mga pinagsamahan at kabutihang ginawa ko para sa kanya ay ganito pa ang igaganti niya sakin!  Ayoko na!  Ayoko na tama na!

Tumayo ako at pinunasan ang mukha ko saka inayos ang aking sarili. Tumingin ako sa aking paligid at nakita kong nasa tulay pala ako. Walang tao sa paligid at puro sasakyang dumadaan lang aking nakikita. Humawak ako sa rails ng tulay at tumingin sa baba.

Siguro nga dito ako dinala ng mga paa ko para maging madali na sa akin ang lahat pa. Umakyat ako sa rails at tumayo doon.

"Sana maging masaya ka na pagkatapos nito! Sana...sana naging masaya ka pa din sa mga taong ating pinagsamahan", umiiyak na hinaing ng aking isipan.

"Ma, Pa patawarin niyo po ako"

Hinayaan ko na ang aking sarili na magpatihulog sa tulay at langhapin ang malakas na hanging humahampas sa aking katawan.

"Kaysarap namang damhin ng hangin" nakangiti kong ninanamnam ang simoy ng hangin hanggang sa naramdaman ko nang humampas ang aking katawan sa tubig.

"Ito na. Ito na ang katapusan paalam sa inyong lahat," unti unti ko ng ipinikit ang aking mga mata hanggang sa unti-unti na kong nawawalan ng malay.  Pero bago ko tuluyang maipikit ang aking mga mata ay may nakita akong tao na papalapit sakin.

"Si-sino ka?" mahinang tanong ko sa aking isipan hanggang sa nawalan na ako ng malay.

================================

The OthersWhere stories live. Discover now