Chapter 4

5 0 0
                                    

AURISSE'S POV

Ilang oras na din nung magsimula ang party pero si bess ay hindi na nabakante sa kanyang upuan. Maya-maya may nagyayaya sa kanyang sumayaw at dahil likas na mabait talaga ang bestfriend ko ay hindi niya ang mga ito matanggihan. Ako naman paminsan-minsan may nagyaya din pero dahil hindi talaga ako marunong sumayaw kaya minsan tumatanggi ako at nahihiya pa din naman ako.

Malapit ng matapos ang party nung may lumapit sa aking lalaki.

"Hi, can I have this dance?" nakangiti niyang inabot sa akin ang kamay niya.

Nakatayo siya sa harap ko habang nakalahad pa din ang kamay niya sa harap ko. Tinitigan ko siyang mabuti at inaalam sa expression ng mukha niya kung seryoso ba to o pinagtitripan lang ako. Ngumiti ito kaya napaiwas ako ng tingin sa kanya saka ko lang napansin na halos nakatingin ang lahat ng mga andun samin. No erase that, sa kanya pala. Yung mga babae ay nakasimangot at nakairap sakin, kasama na doon ang aking number 1 hater si Nicole.

Nakataas ang kilay nito sakin at saka ako inismiran at nag-walk out. What the hell? Saka ulit ako tumingin sa lalaking nasa aking harapan. Gwapo, matipuno ang katawan at mukha namang mabait. Dahil masyado na kaming center of attractionay tinanggap ko na din ang kamay niya saka kami pumunta ng dancefloor. Sakto namang tumugtog ang slow dance music. What the hell? Ngayon pa talaga hmm.

Nahihiya man ay dahan-dahan kong inilalapit ang kamay ko sa balikat niya pero kinuha niya ito at siya mismo ang nagpulupot nito sa leeg niya saka niya ako hinawakan sa bewang. Nagulat ako sa ginawa niya kaya unti-unti kong inalis ang kamay ko sa leeg at inilagay lang iyon sa balikat niya. Nagpatuloy lang kami sa pagsasayaw ng walang kahit na sinong umiimik saming dalawa nung mapatingin ako sa gawi ni bess at ng kasayaw niya.

Masama ang tingin nito sakin pero agad din naman siyang ngumiti nung napansin niyang nakatingin ako sa kanya. Nagulat ako sa reaksiyong iyon ni bess. Anong nangyari sa kanya at bakit ganun siya makatingin sakin? May nagawa ba ako ? Nasa ganun akong pag-iisip ng biglang magsalita itong lalaking kasayaw ko, kaya napatingin ako sa kanya.

"Hi miss musta ka na? Okay ka na ba?"

Pinagsasabi nito, kilala ba kita? Ngayon nga lang kita nakita eh makaasta to tss.

"Ha?" tanging naisatinig ko

"Long time no see ah. Nakauwi ka ba ng maayos nun, hindi na kita naihatid kasi dumating na din naman ang kaibigan mo nun"sabi nito pero wala akong maintindihan sa mga pinagsasasabi niya.

"Ano bang pinagsasasabi mo? Kilala ba kita? Ngayon nga lang tayo nagkita eh"nagtataka kong sabi sa kanya

"Hindi mo ba maalala yung mga nangyari sa bar? Hindi ba sinabi sayo ng kaibigan mo?'nagtataka na ding sabi niya

"Pwede ba wala akong maintindihan sa mga sinasabi mo, kaya babalik na ako sa upuan ko"tatanggalin ko na sana ang kamay ko sa balikat niya pero hinawakan niya ito

"Wala ka ba talagang maalala? Gusto mo bang ipaalala ko sayo?"

Sinamaan ko lang siya at pilit na hinihila sa kanya ang kamay ko nang biglang.....

Nang bigla niya akong hinalikan...hinalikan sa LABI !!!!

WHAT THE HELL HE IS DOING ?!

Nagulat ako sa ginawa niya kaya di agad ako naka-react pero nung tumingin na siya sakin ay saka ako bumalik sa huwisyo at sinampal siya.

"Bastos!"saka ako dali-daling umalis sa lugar na yun at umuwi.

Nasa kwarto ko na ako ng kinuha ko ang pillow ko at pinanggigilan iyon. Pinagsususntok ko ang unan na yun hanggang mawala ang inis ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 29, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The OthersWhere stories live. Discover now