CHAPTER 3

10 0 0
                                    

AURISSE'S POV

Ilang linggo na ang nakakalipas simula nung magtrabaho ako sa bar. Ganun na din katagal simula nung huli kaming mag-usap ni bess. Simula kasi nung gabing yun sa bar, pareho na kaming walang oras sa isa't isa. Although, nasa iisang school at classroom lang kami pero parang ang layo layo namin sa isa't isa.

Nginingitian pa din naman niya ako pag nagkakatinginan kami pero parang may iba at yun ang hindi ko maintindihan. Araw-araw akong nagtetext sa kanya,  pero hindi siya nagrereply. Wala akong maalala na nagkaroon kami ng di pagkakaunawaan nung gabing yun. Basta ang natatandaan ko lang, medyo tipsy na ako nung umalis si bess para pumunta ng dance floor. Actually niyaya niya talaga pero hindi naman kasi ako marunong sumayaw kaya nagpaiwan nalang ako. Hindi ko na namalayan kung gaano na katagal nung umalis si bess, basta hinanap siya ng mga mata ko pero hindi ko siya makita. Lalo lang akong nahilo kakahanap sa kanya dahil sa patay sinding ilaw at tama ng alak sa aking katawan.

Nung maramdaman ko na ang sobrang pagkahilo ay yumuko ako sa mesa and boom wala na akong maalala pa. Nagising nalang ako kinabukasan sa sarili kong kwarto at sabi ni mama ay hinatid daw ako ni bess. Hindi ko naman siya matanong kasi laging andiyan na si sir kung pumasok siya. Pag break naman ay nagmamadali siya laging lumabas kaya di ko na siya naaabutan. Pag sa canteen naman, malabo ko siyang makita dahil sobrang laki nun at marami pang tao.

Hinayaan ko muna siya baka kasi kailangan niya lang mapag isa. Baka may problema lang sa kanila o kaya sa parents niya na ayaw pa niyang pag-usapan. Hihintayin ko nalang siyang mag-open up sa akin, si bess yan eh di ako matitiis niyan kasi mahal ako niyan hahaha yabang ko ba? Siyempre ganyan kami magmahalan eh.

Day-off ko ngayon sa mga works ko kaya naisipan kung pumunta ng mall. Malapit na din kasi ang acquaintance party namin, titingin ako ng mga dress. Actually, nagdadalawang isip ako kung pupunta ba ako kasi hindi talaga ako mahilig sa mga ganung events. Si bess lang lagi ang pumipilit sakin na pumunta dun para naman daw mag-unwind.

Ilang oras na ako sa mall nang mapagdesisyunan ko nang umuwi. Nakabili na din ako ng dress at heels na gagamitin ko sa party dahil napagdesisyunan kong pupunta ako since it's my last year on my junior high school. Palabas na sana ako ng mall nang parang nakita ko si Evie. Tatawagin ko na sana siya kaso may kasama pala siya.

"Si bess ba yun? Sino yung kasama niya? Parang kilala ko yun ah, sino ba yun?"

Pilit kong inaaninag kong sino ba ang kasama ni bess pero hindi ko talaga makilala dahil ang layo nila sakin. Tinawagan ko si bess, nakita kong tinignan niya lang phone niya pero hindi niya sinagot. Ibinalik niya ulit ang phone niya sa bag saka sila lumiko nung kasama niya. Hindi ko na sila makita kaya hinayaan ko nalang sila at dumiretso na ng uwi.

Nasa higaan na ako pero hindi pa rin mawala sa isip ko kung sino ba yung kasama ni bess kanina.  Feeling ko talaga kilala ko yun eh, sino nga kaya yun? At bakit hindi niya sinasagot mga texts at tawag ko? May problema ba kami na hindi ko alam? Bibigyan ko pa siya ng ilang araw para makapag-isip pero after that kakausapin ko na talaga siya.

Patuloy ko pang ding inisip ang mga bagay na nakita ko kanina hanggang sa makatulugan ko na ito.

DAY BEFORE ACQUAINTANCE PARTY

Bukas na ang ang acquaintance party pero hanggang ngayon hindi pa din kami nakakapag-usap ni bess. Kaya napagpasyahan kong kakausapin ko na siya.

Malapit na ang dismissal namin kaya iniligpit kona ang ilang mga gamit ko para maabutan ko si bess mamaya. Maya-maya lamang ay nagpaalam na ang prof namin kaya dali-dali kong niligpit ang natitira kong mga gamit. Tatayo na sana ako nang tawagin ako ni bess.

"Aurisse?"sabi niya sakin na parang naiilang

"Bakit bess?"

"May gagawin ka ba ngayon? Pwede mo ba akong samahan?"

The OthersWhere stories live. Discover now