Chapter 16 🍃

19 4 8
                                    

As expected ay mas mabilis kaming nakarating sa training area kaysa kung ikukumpara ito kapag naglakad kami. Nakahinga ako ng maluwag nang maibaba na ako ni Jade at nakarating kami ng maayos.

"Jusko naman Jade! Wag mo na ulit gagawin yon please!" hindi ko maiwasang maitaas ang aking boses ng bahagya.

"I told you to chill, hindi ka nakinig," natatawa pa ito ng bahagya kaya grabe talaga ang aking paninibago.

"Y-you're not the Jade i know"

"I'm Jade, not the one you know but this is the real me"

Mas lalo tuloy akong na-confuse kung bakit ganoong ang naging pag-asta niya noong mga nakaraang araw at ang mga nakaraang panahon na nagkita kaming dalawa.

"Let's go there," pag-aaya ko dito papunta doon sa batong maaari naming upuan habang nag-uusap. Hindi na siya umangal pa at sumunod na saakin nang magsimula na akong maglakad.

"It wasn't the real me, i'm cheerful you know"

"I don't"

"Aw barado HAHAHA"

Muli na naman akong nabigla noong sumagot siya saakin na para bang nasanay siyang tumira sa normal na mundo, parang isang tropa lang na naasar ng tropa niya. Hindi ko din alam kung ilang beses na ba akong nabibigla simula noong last na chapter, walang maisip na matino ang author ng story na ito kundi ang gulatin ako. Char lang HAHAHA baka mamatay ako!

"Ipagpatuloy mo na! pabitin ka naman eh"

"Eto na nga, magsisimula na"

"Okay Go!"

"I love my cousins so much. Sila lang yung palaging andiyan whenever i have problems, i don't have siblings"

"Uso ba mga magpipinsan dito sa mundo ng naeor?"

"Of course not HAHAHA"

Hindi ko alam kung ilang minuto ba tumagal ang kaniyang pagtawa ng dahil saakin. Ngayon ay parang naniniwala na ako na isa siyang cheerful na tao.

"Then why?"

"I was like you Jhazrell. A human, that's what i thought," nang kaniyang sabihin ang mga katagang iyon ay nakakita ako ng bahagyang lungkot sa kaniyang mata.

Alam ko ang pakirmdam ng ganoon, pero hindi talaga ako makapaniwala na isa din siyang normal na tao.

"P-pero paano kang naparito?"

"Kagaya nga ng sinabi ko ay kagaya mo ako, isa akong normal na tao na lumaki sa normal na mundo. When i was a kid, i can see strange things but then my father gave me bracelet and then suddenly he died, i stopped seeing strange things"

Hindi ako makapaniwala na parehong-pareho kami ng naranasan. Pinagkaiba lamang ay ang tatay niya ang naeor at isang bracelet ang binigay sa kaniya. Ako naman ay ang ina ang naeor at isang kwintas ang natanggap.

"I thought that bracelet was a remembrance," napatingala siya sa magandang kalangitan. Kahit hindi niya sabihin ay alam kong pinipiglan niya ang kaniyang mga luha na nais nang pumatak, kanina pa.

Hindi lamang ako naimik at nais na makinig sa kaniya. Saglit na nanaig ang katahimikan, hinayaan ko lamang ito dahil wala akong masabi dahil maging ako ay hindi makaahon sa karanasan na aking nasaksihan at ayun ay ang kagaya ng kaniya.

"But that bracelet was for my protection. When i reached the age of 20, it broke and then the naeors came. I didn't know what's happening, mukha akong tanga"

Phenomenal Fate Where stories live. Discover now