Chapter 23 🍃

13 4 20
                                    

Author's Note: Hello! Sorry for the super late update dahil masyado talaga akong naloka sa mga nirelease na content ni BigHit noong mga nakaraang araw HAHAHA. Thank you for waiting and enjoy reading ♡

JHAZRELL LHIANA'S POV

Bakit ang daming tao at mukhang may pinag-uusapan sila? Nakalimutan ko nang hinahabol ko nga pala si Jade dahil masyadong nakuha ng napakadaming tao ang aking atensyon.

"What the hell is happening?" Nag-aalalang bulong ko sa aking sarili.

Dahan-dahan akong naglalakad habang pinagmamasdan ang mga tao sa paligid. Masyado silang tutok sa unahan at tika ba may pinapakinggan. Wala man lang nakapansin saakin, masyadong nakakapagtaka ang nangyayari at hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba sa aking dibdib.

"Ay taong bundok, never nakapunta ng mall at 'di nakakakita ng maraming tao?"

Biglang may umakbay saakin at nairap na lamang ako nang makita kong si Jade pala ito. Sabihan ka ba naman ng taong bundok! Myghad isasama ko siya sa bundok tapos ako na mag vovolunteer na ibaon s'ya! Nakakaloka.

"Ano connect ng sinabi mo aber?" Pinahalata ko dito na naiinis ako sa pamamagitan ng aking boses. Alam ko namang hindi siya slow para di agad ma-gets iyon pero mas pinili niyang dedmahin na lang.

"Parang ngayon ka lang nakakita ng napakaraming tao base sa reaksyon mo"

"Ay sige! Ikaw kaya yung bagong gising tapos ganto pa yung mapupuntahan mo, sige lang"

"Save me~ save me~," kumanta pa ang lintek habang unti-unting nalakad palayo.

Save me ng grupong bangtan sonyeondan ang kaniyang kinakanta. I'm not a fan but nalaman ko dahil malimit siyang i-play ni Jenny noon, i miss her a lot. May pinapatugtog pa nga siya dati na isa sa nagustuhan kong kanta ng grupo na iyon, "magic shop" yung title at talagang napakaganda ng meaning.

"Anong save me save ka diyan ha"

"Ang dami mong nasabi eh. Kulang na lang barilin mo'ko," bahagya pa itong natatawa habang nakatingin saakin at may kalayuan na ang agwat namin.

Hindi na ako nagsalita at nagtatakbo na papunta dito, akmang tatakbo pa siya ngunit naabutan ko na siya at ang ending? Pareho kaming nag-landing sa lupa dahil na out of balance siya. Nasa ibabaw niya ako at ang lahat ay napatingin saamin. Saglit lamang kaming nagkatinginan bago pa ako tuluyang tumayo at pinagpagan ang aking sarili, napatikhim at umayos ng tayo.

Hanggang ngayon ay nasa amin pa din ang atensyon ng mga tao at doon ko lang napansin na sila tita at tito pala ang nasa unahan, maging sila ay nakatingin saamin at base sa aking obserbasyon ay mukhang may sinasabi sila kanina na amin lamang naabala.

"Hehe ano meron?"

Napakamot na lamang ako sa aking batok dahil wala akong masabi. Napansin ko ding nakatayo na si Jade na ngayon ay tahimik na at nakatabi na sa akin.

"Give them a way," instead of answering me ay nagsalita na lamang si Rose na nasa unahan din.

Kaagad na naging malawak ang daan at nagpalinga-linga lamang ako sa paligid. Lahat sila ay nakatingin saamin at mukhang may hinihintay, hindi ko maintindihan ngunit nahihiya akong magtanong. Mamaya lamang ay nakita ko si Jade na naglalakad na sa binigay na daan ng mga tao na para bang walang nangyari kanina at para bang hindi ako binulabog saaking pagtulog, nakakainis na nilalang.

Nakatingin lamang ako dito hanggang sa nakita kong nasa unahan na siya at katabi na nila Rose. Umayos ito ng tayo at lumingon sa kaniyang gilid nang mapakunot ang noo n'ya at tumingin sa aking direksyon.

Phenomenal Fate Where stories live. Discover now