Chapter 1 - Jobless

214 11 3
                                    

A/N: Hello guys! Gusto ko lang sabihin na ang story na ito ay exclusively on dreame na, under the title COMPLETE ME. Upload ko lang five chapters here, then you can go to dreame if you wanna read the whole story. Starting May ang update nito doon, EVERYDAY! Yes, everyday ang update nito sa dreame kaya sana ma-support niyo ang unang installment ng 3FOL Series. THANK YOU!

Chapter theme: Blue Sky - Hale

Tuwid na tuwid ang upo ko habang ang mga kamay ay magkasiklop at nakapatong sa aking hita

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Tuwid na tuwid ang upo ko habang ang mga kamay ay magkasiklop at nakapatong sa aking hita. Ilang interview na ba ang sinalangan ko ngayong linggong ito? Hindi ko na ata mabilang. Sana naman sa pagkakataong ito, swertehin na ako. Kailangan ko talaga ng bagong trabaho, as soon as possible.

Pasimpleng humugot ako ng hangin sa baga at walang ingay na ibinuga ito upang hindi ko maabala ang maganda at mukhang istrikto na babae na kasalukuyang nakaupo sa tapat ko. Siya siguro ang manager nitong Cibo Delizioso—isang Italian restaurant kung saan ako nag-aapply bilang waitress, part-time nga lamang. Nasa second floor kami nakapwesto, sa pinakasulok at malayo sa ingay ng mga tao.

Sa tantya ko ay lagpas kwarenta na ito, ngunit tila pinabata ng sampung taon ang kanyang itsura dahil sa pixie cut niyang buhok. Idagdag mo pa kung paano ito manamit. Horizontal striped shirt ang pang-itaas niya, na binagayan ng kanyang faded jeans at puting sneakers. Ang mga mata niyang kulay gray dahil sa suot na contact lenses ay nakatutok sa mga pinasa kong dokumento. Masusing pinag-aaralan niya 'yon, kasama ang resume ko.

Ilang minuto ang lumipas bago ito mag-angat ng tingin sa akin. Naging alisto naman ako sa mga sandaling iyon upang maayos na masagot ko ang mga ibabatong tanong niya sa akin.

Taas noo lang, Chianna. Tingin ng diretso sa mata at huwag magpa-intimidate. Fighting!

"Your name is?"

"I'm Chianna Jimenez, ma'am," I answered attentively and politely.

Bahagyang tumango lang ito saka inulit bigkasin ang pangalan ko. "Miss Chianna Jimenez..." she trailed off, before leaning back on her chair, as she looked at me, intently. "I would love to take you, but right now, wala kaming bakante. I'm so sorry."

Itinago ko na lang ang pagkadismaya ko sa pamamagitan ng paglalaro sa daliri ng mga kamay ko. Akala ko pa naman, suswertehin na ako rito.

"Active naman itong number mo, no?" tanong niya nang muli niyang tingnan ang resume ko at binilugan ang number ko gamit ang itim niyang ballpen.

Tumango ako at ngumiti. "Yes, ma'am."

"Okay. Tatawagan ka na lang namin. Thank you for today."

Tuluyang bumagsak ang balikat ko nang tumayo na ito. Isang maikling sulyap at ngiti lang ang iginawad niya sa akin bago siya umalis. Sinundan ko na lamang siya ng tingin na may halong panlulumo, habang inuubos ang laman ng bote ng mineral water ko.

Won't Let It Rain - COMPLETED (Exclusively on Dreame)Where stories live. Discover now