Chapter 3 - A Girl Can Dream

71 5 0
                                    


Chapter theme: A Girl Can Dream - Nina

Nakaupo ako sa swing sa isang bakanteng park

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nakaupo ako sa swing sa isang bakanteng park. Hindi ko alam kung saang lugar ba ito, basta ang alam ko lang, nag-iisa lang ako rito.

Nakakapagtaka naman dahil wala ring mga taong dumaraan. Ang weird lang. Nakaupo lang ako doon na parang may hinihintay, tapos nakapasak lang sa tainga ko ang sky blue na earphones ko at tahimik na nakikinig lang ng music.

"Mag-isa ka ata? Pwede ba kitang samahan?"

Nagulat naman ako nang biglang may nagsalita. Para siyang kabute na pasulpot-sulpot na lang sa harapan ko. Nag-angat ako ng tingin para makita kung sino ba ang nang-istorbo sa pagsa-soundtrip ko. Halos malaglag naman ang panga ko sa lupa nang lumantad sa harap ko ang isang pamilyar na mukha ng lalaki.

It was Yago! Ang crush kong guitarist ng Cross Symphonia.

"Pwede ba akong maupo sa tabi mo?" he asked wearing his bashful smile.

Saglit akong napatanga dahil sa nakakatunaw niyang ngiti.

Hindi ko inaasahan ang pagkikita naming 'to. Kung alam ko lang na magku-krus pala ang landas namin, eh 'di sana pala nagpaganda ako ng bongga.

"Ah, sige lang. Maupo ka lang. Wala namang bayad 'yan at hindi ko naman pag-aari 'yang swing sa tabi ko kaya maupo ka lang diyan, kung gusto mo," sagot ko na ikinatawa naman niya.

"You know what? I like you."

Nawindang naman ang buong sistema ko dahil sa sinabi niya.

He likes me? Agad-agad? Ang bilis niya naman. Kahit gwapo siya at type na type ko siya, hindi niya ako madadaan sa mga hirit niya. Hindi ako easy to get, no!

"I like you. I really like you. Will you be my girl?"

He looks so serious while staring directly into my eyes. Para naman akong nahihipnotismo ng magaganda niyang mata.

Totoo ba 'to?

"Will you be my girlfriend, Miss Beautiful?" tanong niyang muli.

Handa na sana akong sumagot ng matamis na 'oo' nang biglang...


"Hoy, Chianna! Gising na! Uy, tapos na 'yong klase. Uwian na," walang humpay na yugyog sa akin ng katabi ko, na kulang na lang ay ihulog na ako sa inuupuan ko.

Won't Let It Rain - COMPLETED (Exclusively on Dreame)Where stories live. Discover now