Chapter 2 - Night Out

83 7 3
                                    


Chapter theme: Ikaw - Autotelic

Hindi ko maiwasang makaramdam ng pagkailang nang mapansin kong pinagtitinginan ako ng ibang lalaking kasama kong nakasakay dito sa jeep

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Hindi ko maiwasang makaramdam ng pagkailang nang mapansin kong pinagtitinginan ako ng ibang lalaking kasama kong nakasakay dito sa jeep. Gamit ang shoulder bag na nakapatong sa hita ko, pasimple kong tinakpan ang tiyan ko at inilugay ang itim at lagpas balikat kong buhok.

I was wearing a royal blue tube top and black skinny jeans. Sanay naman akong nagsusuot ako ng ganitong klaseng damit, pero ngayon ay parang gusto kong pagsisihan na ito ang sinuot ko lalo pa't ako lang ang babae dito sa sinasakyan kong jeep. Kung titigan pa ako ng mga lalaki sa harap ko ay para na nila akong hinuhubaran.

"Wear this, para hindi ka masilipan," rinig kong bulong ng lalaking katabi ko bago hubarin ang denim jacket niya at ipinasuot 'yon sa akin.

Tanging pagkurap lang ng mga mata ang naging sagot ko sa kanya dahil hindi ko inaasahan ang ginawa niya.

But, wait lang, koya? Bakit napakapamilyar ng tagpong ito?

Saglit na sinulyapan ko iyong lalaking nagmagandang loob sa akin. He has a long gray hair that was pulled into a ponytail and it was slightly disheveled. May suot-suot siyang itim na facemask, kaya ang color brown niyang mata lamang ang tanging nakikita ko.

Napakaganda ng mga mata niya. Parang mas mahaba pa nga ang pilikmata niya kung ikukumpara sa akin. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at wala akong ibang ginawa, kundi ang pagkatitigan siya.

Ilang sandali pa ay naramdaman kong huminto ang jeep na sinasakyan ko. Sa isang iglap, nawala sa paningin ko 'yung lalaking katabi ko. Parang nalungkot ang puso ko nang makitang nakababa na siya ng jeep at pumasok siya sa loob ng Skinz Bar.

Nang muling umandar ang jeep, doon lang ako nakabalik sa wisyo ko.

"Ay, sandali, kuya! Bababa na pala ko!" biglang sigaw ko.

Naiiling-iling na hininto ng driver ang jeep niya kaya nagmamadali na akong bumaba. Muntik pa akong lumampas ng ilang kanto dahil masyado akong nawili sa pagtitig doon sa lalaki.

Hindi kaya siya rin iyong lalaki kahapon na nagpahiram ng sombrero niya? Posible!

Habang naglalakad ako papunta sa Skinz Bar ay inamoy-amoy ko naman 'yung jacket ng lalaki na suot ko. His manly scent filled my nose and shit! He smells so good! Nakakaadik.

Sana makita ko siya ulit. I need to return his jacket. Nakakahiya naman sa kanya.

Pagpasok ko sa Skinz Bar, itinali ko na ulit ang buhok ko habang nililibot ang mga mata ko sa paligid. Hindi ko na ininda ang nakakahilong neon lights na tumatama sa mata ko. I eagerly search for that guy, but to no avail. I couldn't find him.

"Hoy, Chianna! Nandito kami!"

Narinig kong sigaw ng isang pamilyar na boses. Paglingon ko sa bar counter, napangiti ako nang makitang si Charmelle pala ang kumakaway sa direksyon ko.

Won't Let It Rain - COMPLETED (Exclusively on Dreame)Where stories live. Discover now