Kathang Isip 01

544 61 15
                                    

A/N: Ang daming nag papakalat ng soft copies.

Pag may nakita akong soft copies ng Chasing Mr.Collins or iba ko pang works, lalaban ako.

Take note: Plagiarism is a crime. I will sue you once you steal my stories.

May Tito akong ATTORNEY 😉

"Babe, are you sure?" I asked nervously​.

Karl smiled and hugged me tight. "Yes, Babe."

"Nervous?" He asked and kissed my cheeks.

I smiled and nodded. "A bit."

He chuckled. "Don't worry. I'm sure, they will love you."

"Talaga?"

"Hmm.."

Napapikit ako para damhin ang higpit ng yakap niya. Ang sarap sa pakiramdam. Gusto na akong makilala ng parents niya kaya kinakabahan ako. Sa loob ng tatlong taon na pag sasama namin ay hindi ko pa nakikita ang parents dahil na din, busy ang mga ito.

Nandito kami ngayon sa condo niya. Bukas pa naman ang dinner sa Mansion nila kaya balak kong mag pasama sakanya ngayon na mag mall. Gusto kong bumili ng bagong damit na susuotin ko bukas, mabuti nalang at pumayag siya.

"Hindi ba nakakatakot ang parents mo, babe?" Tanong ko. Nasa byahe na kami ngayon.

"Nope. Try mong lutuan si Mom ng special adobo mo siguradong magugustuhan niya." He said and smiled​ at me.

My eyes widened. "Talaga?"

Karl chuckled. "Yes, babe. Sino ba namang hindi magugustuhan ang luto ng babe ko?"

Parehas kaming natawa sa sinabi niya.

Nang makarating kami sa mall ay agad kaming nag tungo sa isang boutique. Simple black dress lang ang binili ko. Kumain na muna kami ni Karl bago naisipang umuwi.

Kinabukasan ay tinulungan ako ni Karl sa pag luluto ng adobo na dadalhin namin para sa parents niya.

Alas singko palang ay nag ayos na kami ni Karl. Ala sais ng umalis kami ng condo. Habang nasa byahe ay mas lumalala ang kabang nararamdaman ko. Mukhang nahalata iyon ni Karl dahil hinawakan niya ang kamay ko saka pinisil.

"Chill." He said calmly and smiled.

I nodded. "Malapit na ba tayo?"

"Hmm."

Napanganga ako ng makita ang Mansion nila Karl. Napakalaki nito at napakaganda.

"Wow!"

I heard Karl chuckled. Kaya nilingon ko siya.

"Ang ganda pala ng Mansion niyo."

"Let's go, sigurado nag hihintay na sila."

Mag kahawak kamay kami ni Karl ng pumasok sa Mansion nila. Isang katulong ang sumalubong saamin at pinapunta kami sa dining.

Hindi ko mapigilan ang sarili kong hindi humanga sa ganda ng Mansion nila Karl. Talagang mayaman sila.

Muling bumalik ang kabang nararamdaman ko ng tuluyan kaming makapasok sa dining room ni Karl.

"Mom, Dad." Agad akong iginaya ni Karl palapit sa parents niya. Lumapit si Karl sa Mom niya saka ito hinalikan sa pisngi.

Napawi ang ngiti ng Mom ni Karl ng magawi ang tingin saakin. Bigla akong nakaramdam ng hiya ng tignan niya ako mula ulo hanggang paa.

"By the way, this is Shenleigh. My girlfriend​."

I smiled. "Hello po, good evening."

Lumapit ako sa Mom ni Karl para sana makipag beso pero natigil ako ng iiwas nito ang mukha saakin na parang diring diri.

"Let's eat."

Si Karl na mismo ang nag sabi saakin kung ano ang pangalan ng Mom and Dad niya dahil halata namang wala itong mga balak na mag pakilala saakin.

"Mom, Dad. Nag luto nga pala itong si babe ng adobo para sainyo."  Inilapag ni Karl ang adobo sa lamesa. Tumango lang naman ang parents niya at hindi pinansin ang adobo sa kanilang harapan.

Nang tumingin ako sa Mom ni Karl ay sinamaan ako nito ng tingin kaya muli kong binalik ang tingin sa pag kain ko.

Maya maya lang nag salita ng Mom ni Karl.

"Karl, let's talk."

Tipid kong ngitian si Karl saka siya tinanguan.

"I'll be back." He said and kissed my forehead.

Pinanood ko lang siyang sinundan ang Mom niya hanggang sa parehas silang nawala sa paningin ko.

Nahihiya akong ngumiti sa Dad ni Karl na si Tito Franz ng makitang nakatitig ito saakin.

"I don't like you from my son." He said straightforwardly​. My heart hurt hearing those words.

Napayuko ako. Akala ko magiging maayos ang pag bisita ko dito pero nag kamali ako. Umpisa palang alam ko ng hindi ako nagustuhan ng parents niya.

Dahan dahan akong nag angat ng tingin. Napatikhim pa muna ako bago nag salita. "Excuse me po. Cr lang po ako."

Hindi ko na hinintay ang sagot ng Dad ni Karl. Dali dali akong tumayo at nilisan ang dining room. Saka lang ako nakahinga ng maluwag ng tuluyang nakalabas.

Masyadong malaki ang Mansion nila Karl kaya baka maligaw ako pag hindi ako nag tanong kung nasaan ang cr. Mabuti nalang may nakita akong isang katulong kaya agad ko itong nilapitan.

"Hello po. Pwede pong mag tanong kung nasaan ang cr?"

"Ay ikaw pala Ma'am. Deretso lang kayo dyan Ma'am. Makikita niyo na." Sabi niya habang tinuturo ang daan.

I smiled. "Thank you po."

Sinunod ko ang dereksyon na sinabi ng katulong.

Natigil ako sa pag lalakad ng may marinig na dalawang boses na nag uusap.

"I don't like her!"

"Mom—"

"Karl, wala maitutulong sa kompanya ang babaeng yan! Mabuti pa si Cassandra—"

"Si Cassandra na naman? Mom, matagal na kaming wala ni Cassandra! Si Shenleigh ang mahal ko!"

"Gold-digger ang babaeng yan! Inakit ka lang niya. Walang maitutulong sa kompanya ang babaeng yan."

Unti unti akong nanghina sa mga narinig, kasabay ng pag tulo ng mga luha ko.

Marami pa akong narinig na mamasakit na salita mula sa Mom ni Karl na hindi kinaya ng dibdib ko.

"Hiwalayan mo siya, Karl. O ako ang gagawa ng paraan para mag kahiwalay kayo."

Umiiyak akong tumakbo palayo sa kwartong iyon. Maraming katulong na nag tatakang nakatingin saakin pero hindi ko pinansin. Lakad takbo ang ginawa ko hanggang sa makalabas ng tuluyan sa kanilang Mansion.

Hindi ko binigyang pansin ang malakas na ulan sa labas. Kasabay ng pag tulo ng luha ko ay ang pag patak pa lalo ng malakas na ulan.

"Ma'am—"

"Lalabas ako!" I shouted.

Dali dali namang binuksan ng guard ang gate.

Ayaw nila saakin tulad ng nasa isip ko. Hindi ako bagay sa pamilya nila.

Isang taxi ang pinara ko. Nang huminto ito ay agad kong sinakyan.

"Manong pakibilisan po."

"Pero Ma'am masyadong madilim baka maaksidente tayo—"

"Wala akong pakialam. Basta bilisan mo!"

Walang nagawa ang taxi driver kundi ang sundin ang utos ko. Ang mabilis niyang patakbo ay mas binilisan pa niya.

Hanggang sa, isang malakas na busina ang narinig ko and everything went black.

Kathang Isip [SOON TO BE PUBLISHED]Where stories live. Discover now