EPILOGUE

216 42 6
                                    

Epilogue.

One year later..

"Bye Mom, Bye Dad! Bye Ate, Bye Zandra!"

"Take care, sweetheart."

Humalik muna ako sa pisngi nila Mom. Ganon din naman kay Zandra na pamangkin ko bago ako nag lakad palabas ng bahay.

"Tita Shen, pasalubong po ah!"

I smiled and looked at her. "Sure, baby."

Naging successful ang career ko. Wala man akong love life, masaya pa din naman dahil andyan ang pamilya ko.

Si Karl ang ex boyfriend ko ay isang taon ng kasal kay Cassandra tulad ng gusto ng parents niya.

One year ago, binisita ako ni Karl sa bahay at humingi ng tawad sa nangyari. Sinisi niya pala ang sarili niya sa nangyaring aksidente saakin. Pinatawad ko na siya matagal na at ngayon ay mag kaibigan na kami. Habang siya ay tinuturuan na ang sariling mahalin ang kanyang asawang si Cassandra.

Ang best friend kong si Beatrice, may asawa na din. Nakakatuwa dahil masaya siya sa piling ng kanyang asawa at ganon din naman iyon sakanya.

Today is Monday. May trabaho ako ngayon sa isang sikat na restaurant bilang isa sa mga chief.

Napakunot ang noo ko ng makitang natataranta ang mga co-chief ko sa loob ng restaurant.

"Anong nangyayari?" Naguguluhang tanong ko kay Ashley, isa sa mga chief din ng restaurant.

"Ngayon ang dating ng ating Boss. Si Mr.Silvestre."

My eyes widened in shocked.

Ngayon ang dating niya?

Maski ako ay agad ding nataranta. Agad akong nag bihis at tumulong agad sa mga co-chief ko sa pag luluto.

Bilang pag hahanda sa pag dating ng Boss namin ay na assign kami sa pag luluto ng iba't ibang putahe.

Dahil nag tulong tulong kami ay agad din kaming natapos. Saktong pag pasok ng Manager namin.

"Andyan na ang mag asawang Silvestre."

Bigla akong nakahinga ng maluwag ng malamang ang kanyang parents ang darating.

Sa tulong ng mga waiters and waitresses ay agad nailabas ang mga niluto namin. Lumabas na din naman kami.

Hindi ko agad nakita ang aming Boss pag labas ko dahil natakpan sila ng mga katrabaho ko.

Tumayo ako sa pwesto ko at hindi na nag abala pang makisingit sakanila.

"Thank you, everyone."

Agad akong napalingon sa nag salita.

Isang mag asawa ang nakita ko at sa tingin ko ay sila na nga ang aming Boss.

Napakunot ang noo ko habang pinag mamasdan ang mag asawa. 

Bakit pakiramdam ko nakita ko na sila?

Bakit ang gaan ng pakiramdam ko habang pinag mamasdan sila?

I shook my head. "Guni guni ko ang siguro." I whispered.

Malamang pamilyar sila dahil sila ang magulang niya. At talaga namang kamukha pala talaga niya ang kanyang Daddy.

Bigla akong nataranta ng mag tama ang tingin namin ni Mrs. Silvestre idagdag mo pa ang unti unting pag silay ng ngiti niya habang ang tingin ay nanatili saakin.

Wala akong nagawa kundi ngitian din pabalik si Mrs. Silvestre.

Hindi rin nag tagal ang mag asawa at umalis na din ang mga ito. May importante pa daw silang gagawin kaya naisipan na nilang umalis. Kami naman ay nag open na at bumalik na sakanya kanyang trabaho.

Ala sais ng hapon natapos ang trabaho naming mga pang umaga. Hindi muna ako umuwi kundi dumeretso sa nadaanang store para bumili ng pasalubong kay Zandra. Balak ko na ding dagdagan ang stock sa bahay.

Kukunin ko na sana ang nag iisang cart ng may biglang nauna saakin.

Napaamang ang labi ko at nag angat ng tingin. Kasabay ng pag bilis ng tibok ng puso ay natigilan din ako ng makita kung sino ang lalaking umagaw sa kukunin kong cart.

He smiled and winked at me. "Hello, beautiful."

I chuckled. "Sir George."

"Hmm."

I smiled at him. "Nakauwi na rin po pala kayo. Ano nga palang ginagawa niyo dito?"

Nakakapag taka na narito ang isang George Silvestre sa isang maliit na store.

"Sinundan kita. Nakita ko ang pag labas mo sa restau kaya sinundan kita."

Hindi ako nakapag salita. Tanging pag tango lang ang naisagot.

Si George ay anak nila Mr. And Mrs. Silvestre, ang aming Boss. Nakilala ko si George mag iisang taon na. Siya din ang mag lilimang buwan kong manliligaw.

"Let's go, tutulungan na kita."

Wala na akong nagawa ng hawakan ni George ang kamay ko at hinila.

Nakakatuwa na, sa sobrang dami kong pinag daanan ay may mga tao pa ding gustong mag stay sa tabi ko.

Tulad nalang ni George.

Isang matamis na ngiti ang unti  unting sumilay sa labi ko habang pinag mamasdan ang lalaki sa tabi.

He is George Silvestre and he exist.

Once again, I'm Shenleigh Legaspi.

Living in an imaginary world.

 THE END

Kathang Isip [SOON TO BE PUBLISHED]Where stories live. Discover now