Kathang Isip 18

91 35 1
                                    

"Where's my baby?"

Napakunot ang noo ko ng marinig ang pamilyar na boses na iyon. Saglit kong inayos ang suot suot na samit bago lumapit sa pintuan ng kwarto ko para buksan.

Nagulat ako ng pag kabukas ko ng pinto ay si George ang bumungad saakin.

"Good morning, baby."

"Good morning. Bakit nandito?" Sinilip ko ang sala at nakita doon si Tita Helen at Jenna na nakaupo sa sofa at nakatingin saaming dalawa ni George.

"Sinusundo ko kayo."

Wala sa sariling napatango ako.

"Okay. Tara na."

Habang nasa byahe ay tahimik lang kami. Maski si Jenna na nasa backseat katabi si Tita Gina.

"Are you hungry?" Maya maya ay tanong ni George saakin kaya nagawi ang tingin ko sakanya.

I shook my head. "Hindi naman. Ikaw, nagugutom kana ba?"

He nodded. "Yeah." Nagulat ako ng lumapit siya saakin at binulungan ako.

"I want to eat you." He whisper in my ears.

My eyes widened. Hindi ako makapaniwalang napatitig sakanya.

Siya naman ay muling bumalik sa pag mamaneho habang may malawak na ngisi sakanyang labi.

"A-Are you.. A-Are you serious?" Gulat pa din na tanong ko sakanya.

He chuckled. "Just kidding, baby." Natatawang sabi niya sabay kindat saakin.

Nakahinga lang ako ng maluwag ng marinig ang sinabi.

Nang makarating kami sa Mansion ay nauna ng bumaba sila Tita Gina at Jenna.

Nauna ding lumabas si George saka siya umikot sa front seat para pag buksan ako ng pinto.

I smiled at him. "Thank you."

Mag lalakad na sana ako papasok ng Mansion ng hawakan niya ako sa braso ko at hinila ako pabalik sakanya.

"Where's my good morning kiss?" He asked. Ang dalawang kamay ay pinalibot sa bewang ko kaya naman, mag kayakap na kami ngayon.

I chuckled. "Kailangan ba yon?"

"Of course."

Tumango ako at tumingkayad saka mabilis na hinalikan ang kanyang pisngi.

"I love you." I said and kissed his cheeks.

Nang hindi ako makuntento, hinalikan ko pa siya ulit.

Tumawa si George saka at naman ang pinugpog ng halik sa mukha kaya tawa ako ng tawa.

"Ehem."

Parehas kaming natigil ni George ng biglang may tumikhim.

Gulat kaming sabay na napalingon sa may main door ng Mansion.

Nanlaki ang mata ko ng makita kung sino ang mga nakatayo sa may main door.

Ang mag asawang Silvestre na parehas na masayang nakatingi saamin ni George. Nasa likod nila ay si Tita Gina na nakangiti din at si Jenna na kinikilig sa likod ni Mr. Silvestre.

"Mom, Dad."

Napakagat ako sa pang ibabang labi ko ng hawakan ni George ang kamay ko saka kami nag lakad palapit sakanila.

Namumula ang mukha ko kaya nag iwas ako ng tingin. Tumama ang tingin ko sa dibdib ni George kaya nag angat ako ng tingin sakanya.

He smiled. "Relax. Alam na nila." He said and chuckled.

"S-Sinabi mo?" Gulat na tanong ko sakanya.

"Hmm."

Pag lapit namin sakanila ay hindi ako makatingin sa mag asawang Silvestre.

"Pasyensya na kung naabala namin kayo kanina." Sabi ni Mrs. Silvestre. Nadagdagan pa ang pamumula ng mukha ko ng muling maalala ang nangyari kanina.

"Aanyayahan lang naman sana namin kayo na sumabay na sa aming mag breakfast. Hindi naman namin inaasahan na makita iyon."

Shit! Talagang nakita nila!

"So, hintayin nalang namin kayo sa dining."

Pag katapos non ay nag paalam na sila saka nag lakad na muli papasok ng Mansion.

Sumunod naman din kami kaagad ni George sakanila.

Nakakatuwang pag masdan na kasabay nilang mag breakfast ang mga katulong sa hapang kainan. Talagang napakabuti nila.

Hindi ako nakapag reklamo ng punuin ni George ang plato ko ng pag kain.

Habang kumakain ay pansin ko ang mga matang pa sulyap sulyap sa pwesto namin.

Hindi ko nalang binigyang pansin iyon at nag focus sa pag kain.

Umakyat din kami kaagad ni George sakanyang kwarto ng matapos kaming mag almusal.

Bitbit ko ang mga chips ng lumabas kusina. Habang si George ay inaayos ang DVD. Naisipan kasi naming manood ng CD. Action ang genre ng mga CD ni George kaya naman siya na ang pinapili ko tutal wala naman akong alam sa mga movies niya.

Isinalang din naman agad niya ang CD sa DVD ng makapili.

Ang kanyang hita ang ginawa kong unan ng mahiga ako sa sofa. Nang mag play ang movie ay nag focus nalang ako sa panonood.

Napangiti ako ng maramdaman ang pag suklay ni George sa mahabang buhok ko gamit ang kanyang mga daliri.

Ang ginagawa niya ay nag paantok lang saakin kaya naman hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

Nagising ako ng maramdamang may dumadampi sa iba't ibang parte ng mukha ko.

Nang mag mulat ako ng mata ay ang nakangiting mukha ni George ang bumungad saakin.

"Hello, baby."

"Anong oras na?" Tanong ko saka bumangon sa pag kakahiga. Bigla akong nakaramdam ng pag aalala kay George ng maalalang ang kanyang hita ang unan ko habang natutulog.

"M-Masakit ba ang hita mo? I'm sorry."

"I'm okay." He said softly and kissed my forehead.

"Sigurado ka?"

"Hmm."

Tumayo na ako at saka nag hilamos. Alas diyes na pala. Kaya naman nag tungo na ako sa kusina. Nagulat ako ng makita si George na nakikipag laban sa mga mantikang tumatalsik sa loob ng kusina.

"George!" Nag aalala akong lumapit sakanya na.

Nakangiti niya akong nilingon. "Yes, baby?"

"Anong ginagawa mo?"

Pinatay niya muna ang amoy bago tumingin saakin.

"Nag priprito."

"B-Bakit? Ako dapat ang gumagawa niyan."

Nakangiti niya akong inilingon. Napakunot ang noo ko ng hawakan niya ako sa mag kabilang balikat ko saka ako pinaupo.

"Ipag luluto kita."

"Huh? Sigurado ka?" Gulat na tanong ko.

He smiled and nodded. Hinalikan pa muna niya ako sa noo bago bumalik sa pag priprito ng karne.

Napapapikit ako tuwing nakikita siyang nakikipag laban sa nag tatalsikan ng mantika.

"George—" He cut me off.

"Relax. I'm fine."

I sighed heavily. "Fine. Bahala ka."

Masyado niyang sineryoso ang planong ipag prito ako ng manok.

A/N; Hope you like it.

Kathang Isip [SOON TO BE PUBLISHED]Where stories live. Discover now